NANGANGALUMATA pa si Rika nang maupo siya sa bakanteng lamesa ng coffee shop. She is up all night working on her latest artwork when her sister called to meet up with her.
"Ano na naman kayang trip nang isang 'yon at kailangang makipagkita pa sa akin ng ganito ka-aga?" Habang naghihintay ay namingwit nalang siya ng natuyong pinturang sumiksik sa kanyang mga kuko.
Erika Martinez is an up and coming visual artist known for her modern take on abstract painting. Kamakailan lang ay nagbukas siya ng isang art gallery kasama ang mga dalawa niyang kaibigan na kapwa artists din na gaya niya. So far, maganda naman ang itinatakbo ng GALLERIA.
"Hi, sis!" came the familiar voice of her sister.
Rika instantly saw herself wearing loose classy sundress, a two-inched wedge sandals and nude-tone make-up on her face framed by sophisticated wavy hair. Kumurap siya upang gisingin ang sarili. Hindi siya ang nakikita niya kundi ang kakambal niya.
"OMG! Is that... Riza Martinez?!"
"The latest addition to the Victoria's Angel! And she's Filipina!"
"That's her, alright! Damn! Ang ganda!"
"Ang sexy!"
"Here they go again..." anas ni Rika habang naririnig ang kaliwa't kanang bulungan ng mga tao sa paligid niya.
Sopistikada at babaeng-babae ang hitsura ni Riza kumpara sa ayos niya na parang katropa ng mga Minions dahil sa suot niyang lumang maong jumper-suit at flat sneakers. Basta nalang niyang ibinuhol ang buhok niya gamit ang isa sa mga lapis na nahablot niya mula sa mga art materials niya. Nangingitim pa ang ilalim ng mga mata niya dahil ilang araw na rin siyang walang tulog para sa artwork na pinagakaabalahan niya.
Nahinto sa paglalakad si Riza nang may grupo ng mga teenagers na humarang dito upang magpa-authograph. Maya-maya pa'y nakigaya na rin ang ibang miron. Hindi nagtagal at nagkaroon na ng instant photo op session sa gitna ng cozy coffee shop na iyon.
Napailing nalang si Rika. Iyon ang malaking pagkakaiba nila ni Riza. While her twin sister loves the attention of the crowd, Rika would prefer being on the shadows and mind herself as always. In fact, she resists being the center of attention.
Mayamaya'y pasimple niyang ibinagsak ang hibla ng buhok niya upang tabingan ang kanyang mukha.
"Hey, I saw that!" pukaw ni Riza nang makalapit ito.
"What?"
"Nilugay mo ang buhok mo."
"So?"
"Bakit ba gustong-gusto mong tinatakpan ang mukha mo?"
"Kasi po, nasisilaw ako sa kagandahan mo."
"Silly! Kambal tayo kaya pareho tayong maganda! Ikaw lang diyan ang ayaw mag-ayos. You always look like that..." Pagkuwan ay itinaas nito ang isa nitong kamay upang imuwestra sa kanya.
"You just motioned your hand on me, sister."
"Well... you know what I mean."
Tumaas ang kilay ni Rika. "What's wrong with my look?"
Bumuntong-hininga ito. "Nevermind. Artists like you have your fashion that I cannot understand so... whatever!"
Nginuso nalang ni Rika ang kaibayong silya. "Sige na, maupo ka na. Kapag nagiba itong coffee shop dahil sa mga taong naging instant paparazzi dahil sayo, ikaw ang malalagot sa may-ari."
Riza turned to the still gawking people behind her and shrugged her delicate shoulders before turning back at Rika.
"Why, I don't see it as a problem. Nakatulong pa nga ang presence ko para madagdagan ang kita ng coffee shop na 'to..."
BINABASA MO ANG
LIE TO ME (under Evaluation)
RomanceBago pa man minahal ni Rika ang pagpipinta ay minsan na siyang nagmahal ng iba--si Dylan. Ngunit sa kasamaang-palad ay may minamahal na itong iba---ang kakambal niyang si Riza. Kaya naman minabuti niyang iwaksi ang nararamdaman niya para sa bnata a...