CHAPTER 8

214 5 0
                                    

NAKAPANGALUMBABA SI RIKA sa paborito niyang pwesto sa Café Ruca. Naisipan niyang tumambay muna roon habang pinag-iisipan kung ano na ang lagay ng kakambal niya.

Noong isang araw pa kasi niya sinusubukang tawagan ito upang kamustahin at ipaalam na rin dito ang 'pagkakabisto' niya, subalit mapahanggang ngayon ay out of reach pa rin ang cellphone nito.

Hayan ka na naman. Worrying about your sister. You know she'll be just fine. Sarili mo ang problemahin mo, wika ng kanyang konsensya.

Palibhasa ilang araw na ring wala sa tamang takbo ang kanyang pag-iisip magmula nang huli nilang pag-uusap ni Dylan. She admits she was totally affected by their stare-down moment. Para kasing nanghihipnotismo ang mga mata nito sa tuwing tumututok sa kanya. Kaya nga siguro hindi na niya nagawang tumanggi rito nang baguhin nito ang 'offer' para lang mapasakamay nito ang artwork niya.

"Don't worry. Hindi ko naman ito aangkinin. Let's just say, I will keep it for the time being. Gaya ng sinabi ko kanina, I want to decode the message hidden behind those streaks of colors..."

Iyon ang pahayag ni Dylan sa kanya. Wala naman siyang makitang dahilan upang kumontra lalo pa't ipinangako nitong patatawarin na siya nito sa 'kasalanan' niya. Magmula nga noon ay hindi na uli siya ginambala ng binata.

Miss mo na? Tanong ng konsensya niya.

Pagkuwan ay uminom siya ng kape. Subalit hindi pa man dumadampi sa labi niya ang tasa ay biglang tumunog ang cellphone niya. Kamuntik pa siyang mapaso nang makita niya kung sino ang tumatawag.

Si Dylan!

Kaagad niyang initse-pwera ang iniinom at sinagot ang tawag. "Hello?"

"Hi. Are you okay?" came the familiar baritone voice that she learned to endear.

"I'm fine. Why did you ask?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi ka ba napaso? Dahan-dahan lang kasi sa pag-inom."

"How did you know I'm—" Hindi na natapos ni Rika ang tanong dahil nang itaas niya ang kanyang paningin ay agad niyang nakita ang lalaking laman ng isipan niya sa nakalipas na mga araw.

Dylan is standing by the entrance of the coffee shop, looking as dashing as ever while holding up his hand and waving at her. Gaya ng dati, hindi na naman nito alintana ang mga humahangang tingin na ipinupukol dito ng mga taong nandoon din sa shop. May kung anong pagbubunyi sa kalooban niya sa isiping wala itong ibang pinansin kundi siya!

"I see you..." wika ni Dylan sa kabilang linya.

"Y-Yeah, m-me too. What are you doing here? "

"I came to buy cookies. You?"

Cookies lang pala ang habol niya rito. Akala ko naman ako!

Ano namang habol niya sayo? Wala ka naman nang atraso sa kanya, anang konsensya niya. Biglang prumeno ang kaligayahan niya.

"Nagkakape," itinaas pa niya ang tasa ng kapeng iniinom niya kanina.

"Wait, o-order lang ako. Puntahan kita diyan ha? You won't mind, do you?"

"Okay lang."

"You want me to buy you anything?" Pagkuwan ay naglakad na ito patungo sa serving counter.

"Ah... choco-hazelnut cookie."

Agad niyang narinig na ipinadagdag nito sa server ang order niya. Ang buong akala ni Rika ay tatapusin na rin ni Dylan ang tawag ngunit hindi nito ginawa. Her eyes silently followed him as he started placing his orders—with his cellphone still close to his ear.

LIE TO ME (under Evaluation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon