BADUY NA BADUY si Rika sa tuwing nakakapanuod ng ganitong eksena sa mga palabas sa TV. Para kasing hindi natural ang biglang pagfi-freeze ng paligid sa tuwing nagyayakap ang mga bida sa isang 'reunion scene', but she just proved herself wrong having experienced it personally! She really did freeze on the spot.
Hindi niya alam kung ilang segundo o minuto silang nasa ganoong ayos ng lalaki bago ito nagpasyang bumitaw sa kanya. Ngunit kapareho nang hindi niya pagiging handa sa ginawa nitong pagyakap at pagbulong sa kanya, hindi rin niya inasahan ang makita ang lalaki ng harap-harapan.
This is... Dylan?!
Hindi na ito 'yung mala-drawing sa fairytale books na biglang nagkabuhay. Rather, he looks as if he jumped out from the glossy cover page of GQ Magazine!
Mas matangkad pa ito kaysa noong huling beses niya itong nakita. He seemed to be around six feet or even taller. His physique and body features are more defined and firm-looking. Wide chest, broad shoulders, robust arms. His once before boy-cut brownish hair has grown a bit longer and ruffled. A trace of five o'clock shadow accentuates his gorgeously-shaped jaw. That pair of slightly-bluish eyes seem to glitter against the light of the airport as he looks down at her.
Parang gustong i-angat ni Rika ang kanyang isang kamay at padaanin ang kanyang daliri sa arko ng mga kilay ng lalaki papunta sa matangos nitong ilong hanggang sa makurba nitong mga labi para lang mapatunayan na totoong nag-e-exist nga ang ganoong kagwapong nilalang sa kanyang harapan.
"I... uh..." Tumikhim siya. "I... missed you too?"
Kumunot ang kilay nito. "Bakit parang labas sa ilong 'yan? And here I thought you're sorry for being late."
"I mean it! Nagka-aberya lang ako kaya ako natagalan."
"Nagka-aberya? You mean, work?"
Tila nagkaroon ng apprehension sa tono ng binata. Bigla siyang natauhan. Kaya nga pala siya nandoon ay para maiwasan ang 'ganoong' dilemma ni Dylan.
Okay, Rika. It's showtime!
"It's not about work. Naipit lang ako sa traffic kaya medyo na-delay ako."
"Is that right?"
"Don't you believe me, hmm?" Kumapit siya sa isang braso ni Dylan na tila naglalambing. Huwag kang maiilang, Erika! Huwag kang maiilang!
"Well..."
Mas hinigpitan ni Rika ang kapit niya sa braso ng lalaki. Grabe! Ang firm ng arm muscles, in fairness! "Come on! I'm telling the truth!"
Bahagyang natawa si Dylan. "Fine, naniniwala na ako. HUwag mo nang panggilan ang braso ko."
"Oops! S-Sorry!" tila napahiyang dumistansya siya rito.
"Oh, bakit lumayo ka?"
"S-Sabi mo kasi..."
"Wala akong sinabing lumayo ka, silly. I like it when you're near me. Come here..."
Hindi na nakahuma si Rika nang bigla nalang siyang kinabig ni Dylan upang akbayan. He even locked his one arm across her shoulders and put her one arm around his taut hips! Dikit na dikit ang mga tagiliran nila, kahit hangin ay hindi makakadaan sa pagitan nila. Pagkuwan ay bahagyang kumilos si Dylan upang samyuin ang buhok niya.
"Hmm... you changed your shampoo?"
Biglang nanigas si Rika. How can a simple act of smelling her hair gives a tiny wave of shiver in her spine?
Hallucination mo lang 'yan, Erika. Magfocus ka na nga!
"I... uh..." Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri. "May nakita akong bagong commercial sa TV. Mukhang okay naman, kaya sinubukan ko. Pero babalik na ako sa dati kong ginagamit," wika niya nang mapansin niyang tila nagulumihanan si Dylan sa sinabi niya. Or was it just because, he likes the smell of Riza's shampoo very much, he can't seem to understand why she'd changed it.
BINABASA MO ANG
LIE TO ME (under Evaluation)
Storie d'amoreBago pa man minahal ni Rika ang pagpipinta ay minsan na siyang nagmahal ng iba--si Dylan. Ngunit sa kasamaang-palad ay may minamahal na itong iba---ang kakambal niyang si Riza. Kaya naman minabuti niyang iwaksi ang nararamdaman niya para sa bnata a...
