CHAPTER 7

207 4 0
                                        

"If you want my forgiveness, then you must earn it," wika ni Dylan na animo nasa gitna ito ng isang business transaction.

"At paano ko naman gagawin 'yon?"

Kumibit-balikat ito. "It's up to you. You can use your body if you like."

Nag-echo sa isip ni Rika ang katagang iyon. Kaagad niyang niyakap ang sarili at sinamaan ng tingin ang lalaki.

"Hoy! Kung ayaw mo akong patawarin, edi wag! Hindi ko ipagkakaloob ang katawan ko sayo para lang sa kapatawaran mo 'no! Hah! Nevah!"

Sandaling napakunot ang noo ni Dylan bago naintindihan ang ibig niyang sabihin. "Oh! You mean 'sex'? Why, I am not asking that from you."

"You won't?" She felt relieved and a little embarrassed..

"I would never." Mas lumapad ang mga ngiti nito. "Unless you offer."

"W-Why would I?!"

"Don't you like the idea?"

"You wish!"

"Think about it."

Nag-isang linya ang mga kilay ni Rika saka mabilis na ibinato niya kay Dylan ang nadampot niyang piraso ng cookie. "Bastos!"

"Hey! Hey! I'm just kidding! Relax!"

Tatawa-tawang sinalag lang ni Dylan ang ginawa niya. The sound of his laughter took Rika aback. Kung nakakatawa na ito ngayon, ibig sabihin ay hindi na nito ipinagdaramdam ang katotohanang missing-in-action ngayon ang nobya. Or so she thought.

"Ang ibig kong sabihin, habang wala si Riza, pwede mo pa rin naman ituloy ang pabor na hiningi niya sayo..." sabi nito pagkuwan habang pinupulot ang piraso ng cookie na bumagsak sa damit nito.

"Gusto mong ituloy ko ang pagpapanggap kong jowa mo?!Adik ka ba?! Ayoko nga!"

"Not really. You just have to accompany me habang hindi pa bumabalik si Riza."

"You mean, gusto mo kong maging julalay. Ganoon?"

"That's degrading. Like I said, 'companion'."

"Ganoon na rin 'yon. In-English mo lang eh."

"That's not the Filipino term of what I said. And I don't even think there is such a word in a dictionary."

"Meron. Sa beki dictionary."

"Beki?"

"As in gay. Bakla. Sirena. Kapederasyon. Limang taon ka na kasing wala sa Pinas kaya di mo alam ang uso!" natigilan siya pagkuwan. "Oh bakit ganyan ka na naman makatingin?"

"I didn't know you are this talkative," anito habang nakatingin sa kanya.

Muli niyang pinigilan ang mailang. What for? Hindi naman na siya nagpapanggap ngayon. "I'm not talkative. I'm just making a point. Ayaw kong maging 'companion' mo."

"Why not? Afterall... meron naman na tayong pinagsamahan noon. Magka-classmate tayo noong college diba? At ikaw ang umeestima sa akin noon kapag dinadalaw ko si Riza."

"Kahit na, hindi naman tayo close 'no!"

"Paano naman tayo magiging close eh napaka-aloof mo. Seriously, you're such an introvert back then." Kinagat nito ang cookie na ibinato niya rito kanina.

"Ayaw ko lang ng masyadong maraming tao. Apparently, ganoon ang sirkulong meron kayo ng kakambal ko, kaya as much as possible lumalayo ako."

LIE TO ME (under Evaluation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon