CHAPTER 5

256 3 0
                                        


"WHAT DO YOU MEAN HINDI KA PA MAKAKABALIK?!" halos maputol ang litid ni Rika nang ulitin niya ang sinabi ng kanyang kakambal. Inilipat niya sa kabilang tenga niya ang cellphone. "Tell me, nagkamali lang ako ng dinig."

"I'm so sorry, sis! Nagkaroon kasi ng problema sa venue ng photoshoot kaya na-cancel ang pictorial. We are still waiting for the go signal of the creative team bago magresume..."

"So matatagalan ka pa diyan sa Palawan?"

"With the situation right now, I guess ilang araw pa kaming mags-stay rito."

"Can't you give an exact day?"

"I wish I could, sis."

Nahilot ni Rika ang kanyang sintido. She suddenly became restless. At bakit naman hindi? Ibig sabihin nito ay ma-e-extend pa ang pagpapanggap niyang maging nobya ni Dylan ng 'ilang araw' pa!

"Sis, are you still there?"

"Oo. Iniisip ko lang kung paano ko ikokondisyon ang sarili ko na maging ikaw sa susunod na mga araw. Ang usapan natin, weekend lang ang pagpapanggap kong 'to."

"Sorry talaga sis."

She sighed. Kahit naman kondenahin niya ang nangyayari ay hindi pa rin noon mababago ang katotohanan—she is stuck pretending to be her twin sister a bit longer. Okay lang naman iyon sa kanya kundi lang sa nakakadistruct na pakiramdam na meron siya towards the subject matter—si Dylan.

Pero alangan namang sabihin niya kay Riza na ayaw na niyang ituloy ang pagpapanggap na iyon dahil apektado ni Dylan ang sistema niya? Siguradong bukas na bukas din ay nasa pintuan na niya ang kapatid niya, upang usigin siya. And the least thing she wanted is to have that kind of drama with her sister.

Kumbakit ba kasi pumayag-payag pa ako sa pabor na ito! Ungot niya sa kanyang isip.

Kasi nga, hindi mo mapahindian ang kakambal mo. Ganyan ka eh! anang kanyang konsensya.

"By the way, how's Dylan?" tanong ni Riza. "Still dashing, I assume?"

"Well, he's totally different from how I remembered him the last time I saw him."

"Na-shock ka siguro dahil ibang-iba na siya ngayon. I mean, gwapo na siya dati, pero mas gumuwapo pa siya ngayon diba? At hindi lang siya sa 'looks department' nag-excel, he is one of the well-acclaimed businessman in Australia now!"

Ramdam ni Rika ang pagmamalaki sa tono ng boses ni Riza. Siyempre, sinong nobya ang hindi magiging proud sa magandang estadong meron ang nobyo nito?

"You said it right. Dylan's a complete package. He is indeed a good catch for you."

"You're right. He really is," sang-ayon naman ni Riza. Subalit bakit tila biglang nagkulang sa konbiksyon ang tono nito?

Or was it just her imagination? A part of her ay gustong mag-usisa. Ngunit minabuti nalang niyang ipagsawalang-bahala iyon. Of course Riza would be delighted to have Dylan. There's no doubt about it!

Napakibot si Rika nang may pumasok na incoming call sa cellphone niya. Her hand almost trembled upon seeing Dylan's name flashing on screen. Isinave na niya ang pangalan nito matapos sagutin ni Yuri ang tawag nito kaninang umaga.

"Dylan's calling," she muttered to herself, but her twin heard her still.

"Oh! You have to take that! I bet he's arranged a date for the both of you."

LIE TO ME (under Evaluation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon