CHAPTER 9

213 4 0
                                        


"AY MAY PANGIT!" Sinimangutan lang ni Rika si Vina. Ito ang naabutan niyang tumatao sa GALLERIA nang araw na iyon.

"Huwag mo muna akong biruin, Divina. Wala ako sa mood."

"Halata nga. Ilang araw ka nang hindi nagpapaikita rito. Ano ba kasing nangyari sayo, bruha ka? Bakit bigla kang naghybernate sa apartment mo ng walang pasabi?"

"Busy lang ako."

"Busy saan?"

"Painting."

"Isang linggo ka nang nagpe-paint?!"

"Oo. Nagpunta lang ako dito dahil naubusan na ako ng pinturang kailangan ko."

Tumaas ang kilay ni Vina. "Sigurado ka bang 'yang pag-aadik mo sa pagpipinta ang dahilan kung bakit namumugto 'yang mga mata mo, ha Erika?"

"Eyebags 'yan."

"Hmm..."

Kesa makipagdiskusyon ay dumeretso na si Rika sa second floor kung saan niya naiwan ang pinturang ginamit niya sa huling abstract painting na ginawa niya roon. Speaking of which...

Napatingin siya sa dingding na dating sinasandalan ng malaking canvass niya.

"If your looking for your painting, nakuha na iyon ni Mr. Delavine. Kunin mo nalang daw sa kanya ang bayad kapag nagkita uli kayo..."

Kaagad nakagat ni Rika ang kanyang ibabang labi. Alam kasi niyang double meaning ang sinabi ng lalaki. Hindi na kasi niya nagawang magpaalam rito matapos niyang matanggap ang tawag ni Riza. Basta nalang siya umalis at nag-iwan ng note sa reception lobby ng H.O.P.E.

Ilang beses siyang tinawagan ni Dylan ngunit minabuti niyang huwag na iyong sagutin. What's the point? Bumalik na ang totoong nobya nito kaya wala nang dahilan para bulabugin pa siya nito.

As per Riza, alam niyang may malaking nagbago sa kakambal niya magmula nang bumalik ito. No, actually dati na niyang napansing may kakaiba sa ikinikilos nito bago pa man ito tumulak papuntang Palawan noon.

She tried asking her twin, but it didn't go well in the end...

"Kung may problema ka, sabihin mo sa akin... baka matulungan kita."

"You can help me in anything, but not this one."

"Why not? Try me..."

"Will you stop acting like you are my keeper?!" paangil na sabi nito na ikinagulat niya. "That's your problem, you know? You are always there for me! Willing to help me! To back me up! To the point that I can't possibly do anything on my own!"

Hindi malaman ni Rika ang gagawin lalo nang makita niyang umiiyak ang kakambal niya. Ano kayang hugot nito at umiiyak na ito ng ganoon?

"I was just trying to help."

"Then I don't need your help! Go get your own life! Leave me alone!"

Parang hinulugan ng isang toneladang bato and dibdib ni Rika nang marinig ang sinabi ng kapatid. Matapos ang lahat ng ginawa niyang pabor at pagpapaubaya, ganoon nalang kung ipagtabuyan siya nito?!

Unti-unting tumigas ang ekspresyon ng mukha niya. Kung tutuusin, sawang-sawa na rin siya na siya palagi ang umiintindi rito.

"You're pushing me away now? That's fine. I'll leave. But let me just make it clear. I've been trying to have my own life. But everytime you get in the picture, I have no choice but to accommodate you 'first'. Mas inuuna kita kesa sa sarili kong kapakanan, alam mo ba 'yon?"

LIE TO ME (under Evaluation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon