Chapter 1
Mahirap"Hoy ate! tara na ma ubusan tayo ng upuan" Sabi ng kapatid kong lalaki na si Ethan
"Oo na saglit!" Sabi ko sabay takbo papuntang bus.
"Si ate tulala na naman sa waiting area" Sabi ni ethan sabay tabi ko sakanya nasa dulo kami para mag kakatabi lang kaming tatlo
"Nako ate wag ka nga muna ma problemado diyan enjoy naman natin trip natin ngayon oh birthday pa naman ni bunso" Sabi ng pangalawang kapatid ko na si trixie
"Oo nga ate si mama naman to ng pasya diba na sa butuan tayo mag celebrate ng birthday ko" sabi ni ethan
"Kasi naman dagdag gasto to dapat sa bahay nalang tayo ng celebrate tapos sa susunod na linggo pasokan na natin" Sabi ko sa kanila nasa gitna ako nakaupo
"Dami kasing gastusin dapat pinagbayad nalang natin sa kuryente dagdag gastos lang to"
"Ate kaya nga nag pasya si mama na pumunta tayong butuan para naman daw maging masaya tayo kahit saglit lang" Sabi ni trixie
"Ate kung sa bahay tayo eh tayong tatlo lang naman di naman pupunta si papa at tsaka ate para wala tayong problemahin kahit ngayon lang" ethan said sabay ngisi sakin
"Oo na Oo na talo ako sainyo sa susunod sa bahay na tayo ah pakatatag nalang tayo" Sabi ko sabay akbay ko sa kanilang dalawa.
Papunta kami ngayon sa butuan 3 to 4 hours ang biyahe kaya 4 ng umaga nandito na kami sa terminal kaya mga 7 ng umaga kami makaabot.
Nga pala ako si Athanna Maria Ortega simpleng babae may 5'6 ang hieght kaya okay lang Mahaba ang buhok maputi may matangos na ilong at brown na mata na makikita mo talaga nasa fourth year college na.
Ang buhay namin ay mahirap lang. kami tatlo ang nandito sa mindanao na nag aaral pero pag maka pag tapos na babalik kami sa manila para don na mamuhay muli. Nag hirap kami simula non iniwan kami ni papa at sumama sa kanyang babae na sobrang sama ng ugali kala mo sinong mayaman eh nanghihingi lang naman ng pera kay papa at sinisiraan pa kami lubos. Nasaktan si mama kaya nag desisyon siyang mag ibang bansa para may pang gastos kami araw-araw at para ma tubos na ang bahay namin sa manila.
"Ate gising na nandito na tayo" Sabay yugyug ng kapatid ko saakin
"Manong bayad namo tulo" (Manong bayad namin tatlo). Sabay abot ng pang bayad sa kay manong at bumaba na ng bus.
"Ate gutom na ako kumain ma tayo" Sabi ni ethan
"Pano yan eh mamaya pa 9 bukas ang robinson dito ah" Tinignan ko agas ang relo ko bago palang nag 8.
"Ate sa jollibee nalang tayo kumain jan malapit sa syudad nila" Sabi ni trixie
"Sge tara na gutom na rin ako" Pumara agad kami ng tricycle
"Manong sa jollibee dapit sa skwelahan kadtong dako" (Manong sa jollibee nga banda sa school yong malaki)
"Ah oo sge sakay namo kabalo ko asa na sa Urios" ( Ah oo sge sakay na kayo alam ko saan yon sa urios) Sabi ni manong
"Oo nong didto" (Opo nong doon) Sabi ko sabay abot ng pamasahe
"Di mo taga diri dai?"(Hindi kayo taga dito inday?) Tanong ni manong habang ng dadrive
"Oo manong suroy ra mi diria iban naho ako duha ka manghud" (Opo manong namasyal lang kami rito kasama mga kapatid ko) Sabay tingin ko kay manong mukhang mabait naman si manong kaya sinagot ko.
"Pag bantay mo kay daghan raba atikon nga driver diria amping nalang mo mga ining og dong" (Mag ingat kayo madaming loko lokong driver dito)
"Oo manong kabalo me balik-balik nami diria butuan" (Opo manong alam po namin pa balik-balik na kami rito sa butuan) Sabi ni trixie sa likod namin
