Cinco

18 0 0
                                        

Chapter 5
Ex

Pagkatapos lumipas ang apat na araw na trabaho ko sa kay tita fe balik normal na trabaho ko kaya every Friday to Sunday na ako makakapunta. Buti na lang pag friday umaga lang pasok ko.

Naglalakad ako sa corridor patungo na sa classroom na naka schedule ngayon umaga hindi ako sumabay sa kanila ni jean at angel kasi mapalayo na namam at ibang way kasi kaya sayang ang gas malalate lang kami pag sinundo pa ako. Pag umaga talaga rito sa University maganda kasi sariwa ang hangin sumalubong sayo pag pasok mo sa loob at bawat tatlong metro may makikita kang puno na nag tatangkad. Sa Loob din ng university nato may park kadalasan don nag tatambay ang mga studyante. Presko madami din bench makikita mo sa mga kilid at may mga lamesang semento pati rin upuan na pwedeng kainan ng mga kapwa ko studyante. Kadalasan doon pumupunta ang mga mag jowa sa park halos ata rito eh may mga jowa.

Pag dating ko sa room agad nakita ko sila ni angel sa may gitna kaya umupo na ako.

"Sabi ko sayo sis sasabay ka namin" Sabi ni angel na nakaupo sa pagitan namin ni jean siya ang naka upo sa gitna. Pati sa upuan hindi kami nag hihiwalay para kaming kambal toko nakakatawang isipin.

"Di okay lang sakin tsaka sanay naman ako mag commute" sabay lagay ko sa bag sa likuran ng upuan ko at nag labas ng notebook at ballpen para ready na mag sulat ng idi-discuss ng Prof. Namin. Kailangan ko talagang mag aral ng maigi para maka kuha ako ng mataas na marka at para makuha ng nataas na ranggo sa dean list namin para makuha ko ang posisyon ng cum laude. Gusto ko kasi pag uwi ni mama ma surpresa siya sa regalo ko ito ang ibibigay ko sa kanya ipapakita ko na ito ang pinaghirapan niya ng pitong taon sa ibang bansa. Kahit okay lang kay mama na wala akong honor makukuha o award basta makapag tapos daw ako okay na sa kanya pero para sakin gusto ko umakyat si mama ng stage dahil para ito sa kanya.

Pumasok na Prof. namin at nag discuss na sa business management.

Pagkatapos mag discuss nag quiz naman kami hindi naman ako nagulatan sanay na ako may surprise quiz parati si Sir Santos saamin kaya fucos ako pag siya na ang mag tuturo last year pa namin siya naging professor kaya alam ko na technique niya pagkatapos niya mag discuss

Di naman mababa nakuha ko sa kanya na score 16/20 kaya pasado parin pangalawa ako sa pinaka mataas na score ang una ay ang lalaki kong klaklase sinabi pa nga Ni jean na talino ko daw sinabihan ko naman siya na makikinig ka lang para makasagot nahihiya raw siya sa score niya kasi 10 lang nakuha niya si angel naman 12. Okay lang naman di naman mababa

Lumabas na kami ng classroom at pumunta ng cafeteria may isang oras at kalahati kaming vacant time nagugutom din ako kaya sumama ako sa kanila

"Grabe sis di parin nag bago si sir santos may surprise quiz na naman nakakaloka kainis" Sabi ni jean

"Makinig ka kasi di yong hati yang utak mo gaga" sabi naman ni angel na kumain na ng binili niyang burger.

"Nahihiya ako sa score ko nako patay na naman ako ni mommy nito pag nakita niya kalbo kasi" Natawa nalang si angel sa sinabi niya kalbo si sir di tinuboan ng buhok kahit kailan pag bad mode naman tong si jean kalbo tawag niya kay Sir santos. Kasi naman nahati yang utak niya sa cellphone text kasi ng text habang nag tuturo si Sir kaya ayan napala niya.

"Wag mo ngan tawagin si sir ng ano baka may makarinig sayo isumbong ka pa sge ka" tinakot ko nalang si jean sa sinabi ko

"Ikaw kasi phone ka ng phone ayan tuloy mababa kuha niya first quiz pa naman"

"Oo na sa susunod hindi na" ayan tumahimig na rin siya kaya kinain kona binili kong lasagna masarap kasi to eh paborito. Nag kwentuhan naman kami tatlo habang nag kuwento si jean sa boy niya habang nag kwento siya may naramdaman akong malamig sa buhok ko patungo sa likuran ko binuhusan ako ng juice sa likod napatayo naman ako at hinarap ang nag buhos saakin laking gulat ko kasi pag harap ko girlfriend ng ex boyfriend ko ang nakita ko na may kasamang isang babae.

This Time I Will Love YouWhere stories live. Discover now