kwatro

18 1 0
                                    

Chapter 4
Trabaho

Kinabukasan hindi ako pumasok sa skwelahan kaya sa trabaho ang punta ko ngayon. Pag alas otso bukas na ang kainan ng mommy ni jean. Six pa naman ng maaga kaya ang punta ko naman alas syete krenta para sigurado hindi malelate.

"Oh ate maaga ba klase mo ngayon"

sabi ni ethan pag labas ko sa kwarto naabutan ko siyang nag luluto ng almusal namin tatlo. Pag sino ang maaga magigising siya ang mag hahanda ng pagkain namin tatlo madalas maaga gumising si ethan kaya siya rin madalas ang mag luluto o di kaya ako.

"Ako na dyan mag luluto ethan handa mo nalang gamit mo"

"Maaga ako kasi mag tratrabaho ako ngayon nextweek pa simula namin"

Buti pag labas ko ng kwarto naka ligo na ako at mag bibihis nalang pagkatapos kong kumain

"Ate kung pahinga ka nalang kaya wala kang hinga simula nong summer"

"Yan na naman bunso diba pinag usapan na natin to kaya ko naman wag kang mag alala"

"Ate nag alala kami kasi baka mapano ka sa trabaho mo baka bigla nalang maninikip dibdib mo"

"Itong bunso namin love na love talaga ako ikaw talaga okay lang si ate malakas to"

Pinisil ko ang ilong niya pag kasabi ko at nag handa na sa lamesa namin.

"Si ate lang ba ang love pano ako" sabi ni trixie ng sumulpot siya at umupo deritso sa upuan para kumain

"Di kita love si ate lang grbi ka kakagising mo lang upo agad di ka manlang nag hugas ng kamay mo tamad nito"

"Pabayaan mo yan gagawa rin naman yan ng gawain bahay"

"Ikaw naman ton-ton wag kang mag alala bukas ako magluluto ng almusal natin"

Nag dasal kami at kumain ng sabay. Pagkatapos kong kumain ay nag bihis na rin ako at nag ready ang backpack ko.

"Ate mag tratrabaho ka wala kang pasok?"

Sabi ni trixie habang nag liligpit ng kainan namin ako naman tumapat ako sa malaking salamin namin sa kilid ng kwarto para mag suklay at mag lagay ng liptint sa lips.

"Meron pero nextweek pa simula at mauuna na ako alam ko mamaya pa pasok mo wag mong kalimutan sirado ng maigi bahay"

"Yes boss masusunod" aniya

Lumabas na rin ako ng bahay may kanya kanyang susi kami para kung sinong una makakauwi makakapasok agad.
Pumara rin agad ako ng tricycle isang sakayan lang naman rito di tulad sa manila pa lipat2 para lang maka abot sa lugar na pupuntahan mo sampong piso lang din ang pamasahe rito.

"Goodmorning po tita fe"

"Maayo buntag pud saimo Maria"

"Ang aga mo pumasok diba sabi ko pwde ka naman malate"

Sobrang bait talaga ng mommy ni jean tinanggap agad ako at sinabihan pa ni jean wag daw akong masyadong pagorin kasi daw mahina ako. Close rin naman kami ni tita fe alam niya problema sa pamilya ko kaya nga minsa nag alala siya saakin nasa counter lang naman ako kasi baka raw mapagod ako pero minsan tutulong ako pag seserve pag maraming customer.

"Tita higpitan niyo rin po sana ako para po pantay-pantay lahat baka po kasi may magalit at nagtratrabaho po din ako rito"

Meron kasing empleyado dito na inis sakin si rica sipsip daw kasi ako kay tita fe kaya ayaw sakin. Siya lang siguro ang ayaw ako dito at ang kaibigan niya. Wala naman akong ginagawa sa kanila pero pag pinapagilan ni tita kasi may mali sakin nilalabas ang galit. Pero di ko nalang pinapatulan at tahimik na lang.

This Time I Will Love YouWhere stories live. Discover now