Pagdating ko saamin maraming taong nakatingin sa bahay namin at ingay ang naririnig ko boses ng Lola tumakbo na ako papuntag bahay at nakita ko si aling rosi at tinanong siya kung anong nangyayari di daw niya Alam bigla-bigla nalang daw nag tatapon ng mga gamit at nag sisigaw ang Lola ko.
Sabi niya pag dating ni Ethan pinagalitan at pinasok daw ang bahay wala naman daw ginagawa si Ethan na ikagalit niya. Pinasok ko na ang bahay na dinatdan kung sinisigawan niya si Ethan
"Ikaw ha bat ka nandito diba di Kita apo! mga hampas lupa kayo walang mga respeto!" Dinuduro niya si ethan ang nadatnan ko pag pasok nakatingin Lang si Ethan sakanya
Ganito palagi ang eksina namin tuwing may galit ang Lola saamin, tinatapon ang mga gamit at sinasaktan kami sinisigawan. Di namin mapatulan kasi nga matanda na pero pag magalit siya Ang lakas niya di namin matahan.
"La tama na po wala pong ginawa si Ethan sayo tignan niyo po ginawa niyo" Sabay tingin ko sa bahay na sobrang gulo nag iinit na naman ang ulo ko sa Lola ko tinutupak na naman ang ulo
"Anong qala tinawanan niya ako at sinabihan na sana mamatay nadaw ako!"
Tumingin ako kay Ethan at sinabi niya na hindi daw niya sinabi
"Ate bigla niya nalang akong pinagalitan di kona na nga pinatulan"
"Lumayas kayo mga walang silbi ha di ko kayo apo!" Tumutulo na naman luha ko gusto ko nang patulan pero diko magawa kasi matanda at wala sa sarili minsan.
Tinulak niya si Ethan at
bigla niya nalang akong sinakal at natumba ako kaya nahiga ako sa sahig at siya ang nasa kandongan ko sinampal niya ako ng malakas at saka sinakal."La!!" Sigaw ni Ethan
"Tama na la masakit di ako makahinga" si Ethan patuloy pag aawat sa Lola ko kahit matanda siya malakas parin siya. Patuloy parin kinukuha ni Ethan Ang kamay ni Lola sa leeg ko Ang lakas niya talaga di na ako makahinga sa ginawa niya.
"La tama na po" Sabay pag tulo ng luha sa mga mata ko di na talaga ako makahinga Wala makakatulong saamin dahil ayaw nilang masali sa gulo at baka madamay pa sa galit ni lola. Di na talaga ako makahinga umiiyak na si ethan sinisigaw ang pangalan ko ayaw daw bumitaw
Kitang kita ko sa mga mata ni Lola na galit siya wala namang dahilan para magalit siya. Di na ako makahinga mawawalan na ako ng hangin
"Ma jusko!! ano ba tama na yan.. apo mo yan!" Sigaw Ng tita loreta ko galing sa pintuan natarantang pumunta sa kinaroroonan namin at tinulak niya si Lola at nilayo sakin. Inalalayan naman ako ni Ethan tumayo at paulit-ulit binibigkas ang ate.
"Ate kalma lang breath in breath out ate Yong puso mo ate baka mapano ka" tarantang Sabi ni Ethan sa tabi ko. Kinalma ko rin ang sarili ko bilis ng tibok ng puso ko akala ko may mangyayari na naman sakin
"Ma ano ba problema mo ha?.. Kung di ako umuwi agad jsko! malaking problema to malalagot ka talaga Kay kuya nito" Sabi ni tita loreta habang hinahawakan ang dalawang kamay para di na makalapit sakin.
Dali-dali naman kumuha ng tubig si Ethan mubalik sa pwesto ko pinainom niya sakin ang tubig. Kinuha niya ang inhaler ko sa bag at binigay sakin tinanggap ko naman at ginamit ko pinindot ko ng dalawang bisis para kumalma ako.
"Walang hiya ang mga batang niyan nalaman ko kay margarita na sinisiraan daw ako ng mga Yan" Sabay turo niya saamin na galit na galit parin
Tinapat ko ang kamay ko sa dibdib ko habang bumilis ang hinga ko. Sabi ko na nga ba may kinalaman na naman to sa babae ni papa walang hiya talaga siya. Nakatingin lang ako kay Lola habang tumutulo parin ang luha
"Ate tama na ang iyak baka mapano ka" Sabay himas ni Ethan sa likod ko. Ang babae ni papa ang walang hiya sinisiraan na naman kami sa paningin ni Lola.
"Ma tara na umuwi ka na sa bahay mo kita mo ang ginawa mo sa bahay ng mga apo mo ma! Ang sakit mo sa ulo!" Lumabas na sila ng bahay at mas lalo akong naiyak dahil sa sitwasyon namin na ganito lagi.
Walang pigil ang iyak ko dahil sa sitwasyon namin panginoon bakit mo kami binigyan ng ganitong klaseng pamilya na sobrang gulo bigyan mo naman kami ng kasiyahan pagod na ako maging matapang.
