Chapter 3
Bestfriend"Buti next week pa mag sisimula ang klase makapag trabaho pa ako ngayon ng whole day"
"Maria hindi ka pa napapagod sa kakatrabaho mo alam ko naman na may natago ka nang pera para this year"
"Angel alam mo naman na nag tatabi ako ng pera para hindi ako ng hihingi kay mama diba tsaka para yong pera niya ediposet nalang para sa pang koliheyo ni ethan"
"Oo nga naman summer na summer trabaho ka laki na kaya sahod mo sa kainan nila mommy"
"Sakto lang naman ang naipon ko at para di mag kulang ngayon year alam ko madaming gastusin kasi graduating tayo diba"
" Tara na pasok na tayo sa next subject"
Nag lakad-lakad kami rito sa corridor nasasalubong ang madaming studyante na nag lalabasan na rin sa mga silid tingin mo pa lang sa kanila halatang mayayaman na samantalang ako parang wala lang.
"Bakit ka pa papasok sabi ng prof kanina next week pa mag sisimula ang klase"
"Papasok nga ako ngayon jean
Para bukas mag tratrabaho mo na ako""Alam mo sis pasyal na lang tayo ni angel sa mall may bagong bukas raw na botique"
"At ikaw naman pahinga ka naman muna maria maawa ka sarili mo. Tara punta tayo treat kita ng gusto mo sis"
Sabi ni angel sakin sabay hila palabas ng campus. Ito na naman sila bili ng bili pero di ko naman sila masisi kasi mayayaman din naman sila magiging chimay na naman ako nila nito. Kaya ayon pumunta kami sa Surigao mall ang malaki mall lang dito sa Surigao tatlong palapag pero malawak. Mas malaki talaga sa butuan keysa rito may sinehan kasi.
Kaya ito lang ang malaki na mall rito kasi hindi pumunta ang mga tao. Madalas sa mga magagandang tanawin rito sa surigao sariwa kasi ang hangin at ito ang pangalawang pinaka malinis sa mindanao kaya maraming turista pumupunta.
Pumasok kami sa bagong botique magaganda nga mga damit nila pero hindi naman ako sanay mag suot ng magagara. Pag tingin ko sa presyo ng isa sa mga dress nila dalawang libo grabi ang mahal naman nito eh dress lang dalawang libo na pang dalawang buwan na to na budget samin.
"Sis sukat mo to feel ko bagay sayo to"
"Ayoko jean baka madumihan ko yan tsaka baka mahal yan"
"Ano ka ba si angel kaya mag tretreat sayo today kaya sukat mo na sis"
"Di naman bagan sakin yan jean sainyo lang bagay yan"
Tinignan ko ang damit fitted dress na off shoulder siya kulay maroon sa palagay ko hanggang legs lang ang haba nako makikita kaluluwa nito. Maganda siya kasi simple lang tinignan ko ang presyo nan laki ang mata ko sa pag tingin ng presyo nako 2,500 grbi naman mahal.
"Nako jean ang mahal ayoko di bagay sakin"
"Maria sukat mo na ganda oh simple lang bagay sayo yan libre ko naman eh"
"Oh diba sabi ko sayo sge na sis sukat mo na"
Ayon napilitan nga akong pumasok sa fitting room nako nakakahiya naman to di bagay sakin parang ewan tinignan ko ang sarili ko sa salamin tsaka lumabas para ipakita sa kanila.
"Ayan bagay naman pala sakto lang sayo pala"
"Angel nakakahiya naman wag mo nang bilhin di ko naman to masusuot"
"Ang ganda talaga ng katawan mo Maria sakto lang kalakihan ng pwet check tsaka ang balakang check in short perfect body"
Sabay tawa ni jean nahihiya ako tinitignan na kami rito ng mga costumer ang ingay kasi ni jean tapos ang iba tinititigan ako feel ko talaga hindi bagay sakin.
"Kulang nalang make-up sis nako.bagay na bagay masusuot mo yan sa birthday ko sa susunod na buwan"
"Ay oo nga pala sakto lang yan sayo malapit na birthday ni angel kaya yan susuotin mo"
"May maisusuot naman ako diko kailangan ng bago"
"Okay lang yan bagay naman sayo"
"Excited na ako sa bahay tayo mag aayos ah ako bahala sayo"
Bumalik na rin ako sa fitting room di ako comfortable nito nakikita legs ko di pa naman ako sanay. Lumabas na rin ako tsaka binigay kay angel ang damit.
"Ate kukunin namin yan tsaka yong sandal na puti pati yon kukunin namin"
"Sige po maam sunod nalang po kayo sa counter"
"Angel wag mo nalang kaya bilhin yon ang mahal madami na akong utang sayo"
"Ano ka ba bat ka pa nahihiya ang tagal na natin pagkaibigan nahihiya ka pa"
Madami ng binigay sakin ni angel na mga damit pero hindi ko naman sinusuot nahihiya ako pati rin si jean may binigay rin pero tinatago ka lang wala naman okasyon para suot ko yon meron pa ngan kasamang heels naka tago lang.
Pag may problema ako sa kanila ako tatakbo nag lalabas ng sama ng loob. Pinapasaya ako nila pag malungkot ako. Minsan sina sama nila ako sa nightlife nila pero nakaupo lang ako at nahihintay sa kanila may lumalapit rin na mga lalaki sakin pero diko pinapansin mga fuckboy sa mukha pa lang makikita mo na porket mayaman waldas lang ng waldas para ra lamang may maikama.
Lumabas na rin kami sa botique at kumain sa fastfood di naman sila maarte ma swerte nga ako kasi di ako nila iniwan kahit ganito lang ako hulog ng langit sila.
Habang kumakain kami naka kunot ang noo ni angel habang ang cellphone niya nasa kamay at ang isa hawak ang tinidor parang galit na galit naka tingin sa phone niya.
"Angel parang mabali mo na yang tinidor na hawak mo problema mo"
"Kasi tong pinsan kong lalaki jean playboy may bago na namang babae makikita na naman to ni mommy"
"Eh ano naman kung makita ng mommy mo gel"
"Gaga anong ano naman. Pag nakita to ni mommy susumbong sa kay tita mapapagalitan na naman yon"
"Sabi kasi ni tita hindi niya dapat dalhin dito ang pag ka playboy niya kasi iba rito diba"
"Sino ba yang pinsan mo"
"Yong pinakita ko sainyo"
Kala ko ba brokenhearted to eh siya pala nanakit ng damdamin ng mga babae naawa pa naman ako. Ang awa ko napalitan ng galit ayako sa mga playboy rin ang hambog.
"Kung papagalitan siya kasalanan niya rin yon playboy naman pala eh"
Sabay tingin nila sakin habang ako subo ng subo lang naiinis na ako kala ko pa naman mabait.
"Nag salita rin ang kain lang ng kain"
"Kala ko pa naman goodboy yan may paawa effect pa ako kasi sabi mo broken hearted eh"
"Maria oo nga kawawa nga eh reboud ang tawag dyan. Matagal na niyang ginagawa kahit sa manila pa"
Makakarma rin yan porket nasaktan mananakit na. ako nga nasaktan tahimik lang sabi ko sa sarili ko.
"Makakahanap din yan ng katapat niya at sure ako masasaktan siya ng lubusan"
"Hoy maria grabi ka naman mag salita kay baby boy"
"Anong baby boy manwhore tawag dyan"
"Nako girls bilisan niyo na ihahatid kita maria sainyo para tipid ka sa pamasahe"
"Salamat gel love mo talaga ako"
Pagtapos namin kumain lumabas na rin kami at pumasok sa bmw na sasakyan ni angel sobrang yaman nila ano may malaking garahe nga sa kanila at iba't ibang sasakyan si jean naman may sariling sasakyan kaya hiwalay siya saamin.
Pero pag namamasyal kami si angel lang ang may dalang sasakyan sinusundo niya lang kami at pag may pasok naman kanya-kanya sila pero pag minsan tinatamad mag drive itong si jean nag papasundo pareho kasi kami ng schedule lahat kaya walang problema. Ayaw kasi nilang mag hiwalay kami may connection kasi si angel sa school kaya di na ako nag taka kung bakit pare-pareho kami ng sched.
