Birthday
Ilang buwan na rin nong nag simula ang pasokan kaya ito ako ngayon busy sa pag rereview ng mga na takenote ko nag aadvance kasi ako para naman may naiintindihan ako lalo na sa accounting mahirap kasi.
Nandito naman ako ngayon sa park ng university na ang tawag ay presko kasi nga fresh air nakaupo ako sa bench habang nag sosolve ng problem ganito ako kapag may hindi ako naintindihan sa dicussion ng Prof. namin
Hindi ko rin nakakalimutan ang pag rereview ng advance kasi minsan mas nauuna ang tanongan ng Professor bago mag discuss kaya ako nag babasa ng mas maaga himala na lang kung hindi mag oral recitation.
Palagi rin ako dito nakatambay sa Presko sariwa ang hangin tsaka hindi maingay di tulad sa library maingay sa pinakadulo kahit na bawal. Mga matitigas kasi ang ulo tapos may mga jowa nag tatago sa likod ng mga matataas na lalagyan ng mga libro
Sana naman pag maka graduate ako may kukuha na agad sakin gusto ko pag natapos na tong huling taon ko sa pag aaral gusto ko trabaho agad para walang proproblemahin si mama.
"Hay nako Maria nandito ka lang pala hanap kami ng hanap sayo"
Sigaw ni jean na palapit naman sakin. Hindi nga pala ako nakapag paalam sa kanila nakalimutan ko napansin kong may kasama sila"Sensiya na nalibang ako sa kakareview ko rito nakalimutan ko"
"Ayan baka masobraan ang katalinohan mo dyan baka maging baliw ka" sabay tawa ni angel at tumabi sakin
"Kasama nga pala namin pinsan ni angel" sabay tingin ko sa pinsan ni angel na nakatayo lang sa harap ko at ngumiti siya sakin ako naman umiwas ng tingin bat ako kinakabahan.
"Hi Miss Ganda" sabay kindat niya ayan na naman bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Nga pala sis Birthday ko na bukas wag kang mawawala ha"
"Syempre diko malilimutan yon tsaka friday naman bukas free na tayo pag hapon"
Buti nga nakapag paalam na ako kay tita fee na di ako makapasok sa friday kaya na intindihan niya naman at alam niya na birthday nan bestfriend namin
"Buti nga may date na ako sa birthday mo" sabi ni jean na naka tayo parin na naka ngiting ng kwento.
Kailangan ba talaga yon?
"Pwdi pa kitang kapareha bukas ng gabi?" Sabi bigla ni Adonis na naka tayo parin sa harap ko
"Anong kapareha bakit prom ba yon?" Sabi ko kay angel na katabi ko. Tumawa naman si adonis sa sinabi ko
"Ay hindi ko nga pala nasabi sayo na kailangan may ka pareha ka for that night"
"Wala kasi akong partner kaya inaya kita" sabi ni adonis na nakangisi
"Bakit nga? Bakit kung walang kapareha di makaka pasok?" Ulit na sabi ko sa kanya. Nag tinginan naman sila ni jean na para bang humingi ng tulong na ano bang dapat sabihin sakin.
"Ay parang ganon na nga kaya pumayag ka na" sabi ni jean
"Kung ganyan nga di nalang ako pupunta sa birthday party mo"
"At tsaka bat mo naman ako inaaya di nga tayo close at ayoko sayo" sabi ko kay adonis at tumayo nag ligpit ng gamit pinigilan naman ako ni angel sa pag alis ko.
"Ikaw ha mag tatampo ako sayo pag dika talaga pumunta sa birthday ko"
"Pinsan niya naman kapartner mo sis kaya wag kanang mahiya at tsaka" bumulog si jean sakin at sinabi niya na swerte daw ako kasi siya na ang umaya jackpot daw. Mas lalong ayoko di ako comportable sa kanya simula nong nag kita kami sa butuan. Nahihiya nga ako sa iba at hindi ako pala usap para nga akong pipi.
"Ayaw mo non swerte ka kasi ako nag yaya sayo" inakbayan naman ako ni adonis nako parang close to.
"May akbay ka pang nalalaman ano close ba tayo?" Sabay taray ko sa kanya at tinaasan ng kilay
"Ang sungit naman nito ako na nga ako nag yaya"
"Ano sabi mo may binubulong ka?"
"Wala sabi ko ganda mo" sabay ngisi niya. Kala niya siguro diko narinig sinabi niya sapakin ko kaya to ang yabang anong swerte don malas ata non at baka may mabuo na haters sakin nako sikat pa nama to sa school ngayon kasi transfere.
