Sais

13 0 0
                                    

Chapter 6
Pinsan

Bat naman niya gagawin yon sakin binuhusan ako ng juice ng walang dahilan kung aksidente sana nag sorry nalang siya agad.

Iba ang kutod ko galit siya sakin.

Pero bat naman? anong rason matagal ng walang kami. Isang taon ng walang kami, walang wala na talaga. Tapos ako pa ang pinagsabihan niya wala naman sana akong ginawa pero na sa akin ang mali saakin sinunbat.

Ako pa nga kawawa kasi para akong tangang basang basa nakakahiya madaming taong nakatingin saamin

Ang sakit-sakit nilang mag sabi ng mga masasakit na salita parang tinutusok ng karayom ang dibdib ko. Pinipigilan ko lang luha ko kasi ayoko na makita nilang mahina ako na umiiyak ako sa harap nila kung nag pakita ako na mahina ako patuloy sila sa pang lalait saakin.

Tulala ako sa salamin habang sinusuklay ko ang buhok ko at tinali nalang.

"Nakakainis yong bruha na yon sarap sipain sis nang gigil talaga ako sakanya" sabi jean habang ng lalagay ng lipstick sa labi

"Jean tama na wag mo nang isipin yon okay lang ako" nandito na kami ngayon sa C.R nakapag bihis  na rin ako buti nga may extra tshirt ako sa locker kundi basang sisiw ako nito

"Alam mo sis kung sabihin ko kaya kay tito na paalis siya dito sa campus ano maganda ba?" Sabi ni angle habang nakatingin sa harap ng salamin at kinausap kami. Mas lalo lalaki ang gulo pag ganon maliit lang na bagay pinalaki.

"Wag mo yan gagawin mas lalo lalaki ang gulo gel baka hindi ako maka graduate ng dahil lang dyan sa issue wag niyo ng palakihin. Okay na naman ako palipasin niyo na lang at baka nag away lang ang mag jowa niyong tapos saakin pinalabas ng babae huhupa din yan" hindi naman talaga ako okay ngayon paulit ulit sa utak ko ang mga sinasabi nila nang hihina ako kapag paulit ulit na nasa utak ko. Baka bukas okay na ako aaliwin ko nalang sarili ko sa mga school work.

"At anong konek mo don abir?... demonyitang babae sinali ka pa kung ganon. Ang sabihin niya naiingit siya sa ganda mo kahit ganya mga suot mo kita parin ang kagandahan" si jean

"O di kaya sis inlove pa sayo si troy kaya nagalit ang bruha ano sa tingin mo jean?" Sabay tingin ni angel kay jean

"Ay hindi na yan pinagpalit nga ako diba? Imposible naman yang sinabi mo gel at tsaka tapos na ako sa kanya wala lang closure"

Bat ba iniisip nila yon?
Tama na ayoko ko ng gulo kung ganon man ako nalang ang iiwas.

"May point ka don gel baka nga nag-sisi na yong gagong yon sa ginawa niya kay Maria diba. Pero gag* siya di na pwede, hindi ako magiging masaya pag naging kayo ulit Sis" Jean said at nakatingin na sakin

Gulong-gulo isip ko sa mga pinag sasabi nila. Lumabas na rin kami at pumunta na sa susunod na klase Nakayuko ako habang papunta sa room nahihiya ako tinitignan kami ng mga tao habang nag lalakad kami. Samantalang ang dalawa kung kasama parang wala lang sa kanila ang taas talaga ng confident pag katapos ng nangyari kanina. Pero ako parang ayoko ko na mag pakita sa mga tao pagkatapos ang nangyari nakakahiya.

Umupo na agad kami sa nga upuan namin nag labas na rin ako ng ballpen at notebook ko

Pagkatapos nito lunch time na naman ayokong pumunta ng cafeteria.

"Okay class dissmesed goodbye!"

Lumabas na rin ang Professor namin. Pag kaalis ng Prof. namin hindi pa ako tumayo at nag ligpit tinignan ko pa ang notebook ko at ni review saglit parang walang pumasok sa isip ko ngayon. Nawalan ako ng gana habang silang dalawa nag liligpit na nga gamit nila

"Angel may nag hahanap sayo sa labas ang gwapo" sabi ng klaklasi namin na nakasilip sa labas ng pintuan

"Sino daw?" Tanong naman ni angel ng tapos na nag ligpit. Hindi na sumagot klaklase namin kasi nawala na

"Labas na tayo. Maria bat hindi ka pa nag liligpit?" Tanong naman jean sakin ng nakatayo na siya ngumiti lamanag ako sa kanya at no choice tinago ko na rin ang gamit ko. Naunang lumabas si angel saamin at sumunod na rin kami sa kanya

"At san ka pupunta abir. Bat mo gagamit sasakyan ko?" Boses agad ni angel ang na dinig ko pag labas namin ni jean ng room may kausap siya na nakatalikod at si angel naman nakaharap sa pinto.

Lumapit naman si jean sa kanya habang ako nag hihintay sa labas ng pinto

"Nasa talyer pa kotse ko kahapon pa yon nandon and I'm not  going out with girl insan, babalik ko rin after lunch" sabi ng kausap ni angel teka insan ibig sabihin pinsan niya to

"Di mag commute ka alam mo naman yon" sabi ni angel

"Sis kain na tayo gutom na kami" sabi jean na sumingit siya sa usapan

Wala talaga tong galang na babae sisingit nalang bigla tapos ano kami siya lang naman di namay pa ako

"Please insan importante lang pupuntahan ko balik rin ako" sabi ng lalaki

"Siguraduhin mo lang na walang malanding babaeng sasakay sa kotse ko lagot ka talaga sakon" banta naman ni angel sa kausap niya at sabay bigay ng susi

"By the way insan this is my friend Johanna lezz Matias call her jean for short" pakilala naman ni angel kay jean sa lalaki. Pa ngiti ngiti pa tong kaibigan ko parang type niya.

"And also at your back is Athanna maria Ortega siya yong bestfriend ko since highschool" nabigla naman ako dahil humarap ang lalaki na kausap ni angel saakin at ngumiti siya bumilis bigla pintig ng puso ko. Siya na naman tadhana nga naman. Ayoko ko talaga sa kanya simula nong nasa butuan niya ako nakita sana naman hindi niya na alala

"Oh hi Miss Ortega I'm Vann btw" sabay lahad niya ng kamay saakin pero tinignan ko mona bago nakig kamay rin

"Maria nalang"

"Maria pala pangalan mo" sabi niya saakin binitawan ko na agad kamay niya dahil ayaw niya bitawan. Nakatingin parin sakin tina asan ko nalang siya ng kilay

"Hey insan oh susi make sure babalik mo agad ihahatid ko pa si maria mamaya" hinagis ni angel ang susi at nakuha naman niya

"Don't worry insan gusto mo ba ako pa maging driver niyo mamaya" sabi naman niya sabay tingin ulit sakin

"Ah ewan alis na" sabay taboy ni angel sa pinsan niya.

Iba yong tingin niya sakin parang gusto akong angkinin. Nandidiri ako sa tingin niya tapos parang may pinahihiwatig. Di ko nalang pinansin.

This Time I Will Love YouWhere stories live. Discover now