Dose

16 0 0
                                    

Apat na oras na nakalipas Simula nangyari kanina alas onse na ng gabi pero gising parin ako di ako mapakali na naman. Ganito ako tuwing nangyayari to hindi makatulog at baka pumunta ulit didto ang Lola.

Pati ang mga kapatid ko gising parin hanggang ngayon. Pag ganito ang sitwasyon di namin sinasabi Kay mama at baka mag-alala lang yon saamin at yon ang Hindi ko gusto Kasi malayo siya.

"Ate di ako makatulong kahit hindi ko nakita ang nangyari parang mubalik sa memorya ko ang mga senaryo noon" Sabi ni Trixie na yakap ako nag alala siya sakin at umiiyak pag dating niya okay na naman ako. Humihingi siya ng sorry dahil daw Wala siya kanina at di Niya daw ako naipagtanggol .

"Ako rin di makatulog " Sabi ko sakanya at Sabay himas sa kamay Niya na naka patong sa tyan ko.

Buti na nga lang walang pasok bukas panigurado tulog ako sa umaga at gising sa gabi dahil sa nangyari.

Nakatingin lang ako sa kisame namin mubalik lahat ng alala noon na muntik na kaming napatay ng lola na may dalang dalang matalim buti nga nakatakas kami pero yong kaba grabi na trauma ako non nag kasakit at ilang araw sa hospital di makatulog. Kaya umalis si mama dahil sa lola ko rin ang dahilan gusto niya umalis si mama rito at kami di daw niya kami gusto Wala naman dahilan ng ikagagalit Niya samin.

Natigil ang pag iisip ko na may Tao sa labas ng tawag ng tawag ng pangalan ko sino ba to alas onse na ng gabi bumangon ako may sasabihin pa sana si Ethan pero lumabas na ako ng kwarto.

"Ate si----"

Pag bukas ko ng pinto si angel ang nakita ko at si Adonis teka anong ginagawa nila rito. Mugto pa yon mga mata ko dahil sa iyak tapos namumula pa yon pisngi ko sa pag sampal ng Lola.

"Hi sis!" Sabi ni Angel at Sabay yakap sakin kumalas naman siya pagkatapos tinignan ko si Adonis na malungkot nakatingin sakin.

"Okay ka Lang ba? may masakit ba sayo? yong puso mo kamusta ang pag hinga mo okay Lang ba?" Tuloy-tuloy Ang Sabi Niya sakin

"Anong ginagawa niyo rito alas onse na ng gabi ah" Sabay tingin ko Kay angel na naka pajama Lang at hoodie ganon din si Adonis naka hoodie at board short siya.

"Sinabi sakin ni Ethan ang nangyari di daw kayo makatulog at Sabi Niya di kadaw mapakali kaya pinuntahan ka na namin Ng pinsan ko" ito talaga  kapatid ko ng bulabog pa sa ganitong oras nakakadistorbo pinapasok ko sila at pinaupo sa couch namin.

"Pasensiya na kayo makalat ang bahay ngayon" bigla naman lumabas si Ethan sa kwarto at si Trixie na may mga dalang pack bag kumunot ang noo ka sa dalawa.

"San ba kayo pupunta dalawa ha" Sabi ko sa dalawa umupo naman sila sa kabilang couch namin na maliit napakamot ng ulo si Ethan at si Trixie ngumiti lang.

"Ate nakiusap Kasi ako Kay ate angel na pwdi bang makitulog muna sa kanila kahit dalawang araw lang" Tumingin ako Kay angel at ngumiti siya

"Okay sakin Maria nag paalam na ako Kay mommy Sabi pa nga niya pwede kayo samin kahit kailan"

"Ano? Sinabi ni tita yon? Nakakahiya naman gel" Sabi ko sa kanya

"Wag ng mahiya swerte ka nga makikita mo mukha ko tuwing umaga" Sabi na epal na adonis luh paki ko bat kasama niya to di naman kami close

"Bat kasama mo tong epal na to gel" Sabay turo ko Kay Adonis na naka taas kilay

"Ah Kasi pag labas ko ng kwarto naka salubong ko siya at tinanong san punta tsaka siya na rin nag drive ng kotse" Sabi ni Angel na tumayo at pumunta sakin niyakap ako ng patagilid at pinatong niya ang ulo sa balikat ko.

"Sis sa bahay na kayo matulog okay lang talaga tsaka masaya kaya yon marami tayong tao sa bahay you know" Sabay pout niya gusto niya may kasama dahil wala madalas ang parents niya sa kanila

Nakakahiya oo nga close ko sila tita kahit nasa elementary pa kami hanggang ngayon pero iba Kasi ngayon . Pero di talaga ako mapakali kaya  pumasok na ako ng kwarto ng walang sinabi kumuha ako ng pack bag at nag lagay ng limang paresan ng damit dalwang pang lakad at tatlong pangtulong at hygiene na rin.

Lumabas na agad ako ng kwarto at pumunta sa kanila tumayo naman si angel  at niyakap ako dahil pumayag ako tsaka itong si Adonis may pa yes pang nalalaman ngumiti nalang ako at lumabas na kami ng bahay at sinirado yon.  tatlong araw kaming mawawala rito okay na siguro yon pang pawala ng takot sa kalooban at makatulog na rin nag matiwasay.

Pumunta na kami sa sasakyan nilang dala iba dala nila ngayon ah Wangler Jeep sarap talaga maging mayaman byinahe na namin ang papuntang village nila. Di naman kami gaano kahirap noon may kalakihan bahay noon may kotse pero ngayon nawala nalang bigla ng dahil sa iniwan kami ni papa.

This Time I Will Love YouWhere stories live. Discover now