"SIMBANG LAGIM"
@itsmeklaxon🍁Madilim ang kapaligiran, matataas na puno ay nasisinagan nitong liwanag ng buwan. Ako'y naglalakad patungong simbahan nang may marinig ng kaluskos sa 'di kalayuan dahil sa koryusidad hindi ko napigilang lapitan ang kinalalagyan. Kilabot ang aking naramdaman nang makita kang duguan, humahangos na tila ba ano mang oras ay malalagutan na ng hininga. Sa kabila ng gulat, kaba at pagaalinlangan, ika'y aking nilapitan at mahigpit na niyakap.
"N-nyx..."
"Mahal kong Ava, sinong halang ang kaluluwang gumawa nito sa'yo?!" Isang mapait na ngiti lamang ang iyong naging tugon.
Sa kabila ng paghihirap ay pinilit mong magsalita subalit ang huling mga kataga ay aking ikinabigla, "Mahal na mahal kita, mag-iingat ka dahil baka bukas ay sumunod ka na."
Kasabay ng unang pagtunog ng kampana ay ang pagkahulog ng talukap ng iyong mga mata. Lubos ang aking pagsisisi dahil ako'y walang nagawa.
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomA compilation of short stories with different genres such as; -Thriller -Mysteries -Tragic -Comedy -Romance and more.