"PAKASAL NA TAYO"
@itsmeklaxon🍁Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng may kumalabit sa akin, hindi lang isa o dalawang beses kun'di tatlo.
"What?" Sabi ko ng kaswal kahit na sa kaloob-looban ko gusto ko na siyang kutusan.
By the way, she is Hannah my long time friend but my almost mortal enemy.
"Ha?" Painosente n'yang sagot. Tiningnan ko na lang s'ya ng masama, nginisihan n'ya lang ako pabalik. Ewan ko ba sa babaeng yan, napakaabnormal manhid naman.
Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa desk, masyado pang maaga para masira ang araw ko. Dumating ang teacher namin subalit hindi ako gumawa ng kahit ano para tingnan s'ya. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkukunwari kong tulog, wala rin naman akong pake dahil nabasa ko na ang ile-lesson n'ya.
—
"Hannah, where's Drake?" Mataray na tanong ni Trisha, ang haliparot na ng Grade 12 na may gusto kay Drake, ano bang nakita nila sa shokoy na 'yon? Duh. Teka ano rin nga ba ang nakita mo sa kan'ya Hannah?
"Wala ka bang mata? Nakikita mo na ngang nasa likod at natutulog, nagtatanong ka pa."
Tinitigan n'ya ako ng masama. Napatawa na lang ako ng mahina, burn bitch.
Maya maya ay nand'yan na ang guro namin pero nags-space out na naman ako.
"Kailan kaya ako magugustuhan ni Drake?"
"May sinasabi ka Miss Almario?"
"H-ha? A-ano po, w-wala po a-akong sinasabi sir" pagtanggi ko.
Napalakas ata ako ng pagkakasabi, napatingin ako sa gawi ni Drake at nakita ko s'yang nakatingin at nakangisi na sa akin, nakakahiya! Siguradong aasarin na naman ako neto mamaya.
Nagulat ako ng bigla sumigaw si Drake at ikinagulat ko kung ano ang mga sinabi n'ya.
"H'wag ka mag-alala Hannah mahal naman kita, sadyang manhid ka lang talaga. Kung gusto mo pakasal na tayo ngayon na mismo" ani Drake.
Ha? Ano daw?! M-mahal n'ya a-ako? Sinabi ba talaga ng gungggong na 'to sa buong klase?
Tekaaaa, pakalmahin n'yo kooo. Ba't gano'n? Paanong mahal n'ya ako? Eh puro pang-aasar lang naman ang nakukuha ko sa kaniya.
Mas nagising ako sa katotohanan ng malunod ako sa hiyawan ng mga kaklase ko at unti unting lumapit si Drake sa'kin, "Oh ano pang tinutunganga mo d'yan babae? Halika na't iuuwi na kita kina mama at papa."
Hinila n'ya ako palabas ng classroom, narinig ko na lang ang sigaw ng teacher namin.
"Mr. Lee at Ms. Almario 'di pa tapos ang klase ko!"
YOU ARE READING
One Shot Stories
DiversosA compilation of short stories with different genres such as; -Thriller -Mysteries -Tragic -Comedy -Romance and more.