"Piring"
@itsmeklaxon🍁Isang linggo na rin simula nang maramdaman kong lumalamig ang pakikitungo sa'kin ni Zyrus. Kung dati ay ara-araw akong nakakatanggap ng "Good morning at Good night", ngayon kahit ni isang 'Hi' o 'Hello' man lamang ay wala.
Ang mga katagang 'Mahal kita' ay tila nababanggit dahil nakasanayan na at hindi dahil ito'y nararamdaman pa ng bawat isa. Kusang tumulo ang aking luha nang sa malayo ay napagmasdan ka, kasama ang aking kaibigan pati ang barkada mo. Kasalukuyang papunta sa isang malapit na mall.
Ang sakit isipin na hindi pa tayo naghihiwalay ay mukhang sa iba ka na sumasaya. Ang sabi mo sa 'kin ay hindi ka lumalabas sapagkat wala ang iyong ina. Subalit ano itong nakikita ko?
Isang takas na luha ang pumatak sa aking mata. Ikatlong buwan na pala ng ating pagmamahalan kinabukasan. Isang text lamang ang natanggap ko mula sa iyo, "Magkita tayo bukas ng ala-singko sa dating tagpuan."
Sa sobrang pag-iisip ay 'di ko namalayang nakatulog na ako. Ang sinag ng araw ay tumatama sa aking mukha, kung gaano kainit ang ipinararamdam nito ay kabaliktaran naman ang ipinaparamdam mo. Bakit gano'n? Kinakabahan ako, baka iwan mo na ako. Subalit handa na nga ba ako? Napangiti ako ng mapait habang naglalakad sa patungo sa tagpuang sinasabi mo.
Nabigla ako nang may nagpiring sa aking mata.
"Ano ba?! Bitawan mo ko!"
"Shh lady, I won't do something bad to you, napag-utusan lang ako."
Kaba ang bumalot sa akin.
"Humakbang ka lang ng dahan-dahan kung ayaw mong madapa at mapagtawanan."
"H-huh? T-teka, anong meron?! Kailangan kong pumunta sa boyfriend ko! Male-late na ako!"
"Shut up or else ihuhulog kita sa burol."
Napatahimik na lang ako at hinayaan ang lalaking ito na akayin ako habang naglalakad.
"Nandito na tayo, pwede mo nang alisin ang piring mo and please don't curse me when you see my face. Sayang naman ang aking gwapong mukha."
"Teka! Kurt?"
Tawa lamang ang isinagot n'ya sa akin, dahan-dahan kong inalis ang piring ko. Napayuko ako at napakurap-kurap.
Gulat ang mahihinuha sa aking mukha, agad na nilapitan ni Kurt si Fiona-ang kaibigan kong kasama ni Zyrus noong nakita ko siyang papunta sa mall at agad n'ya itong inakbayan tapos hinalikan sa noo. Iginala ko ang aking paningin sa paligid at nando'n rin ang buong barkada n'ya na naging kaibigan ko na rin.
Agad na hinanap ng mata ko ang lalaking naghihintay sa akin subalit lubos akong nadismaya ng hindi s'ya makita.
Isa-isa namang lumapit sa akin ang mga naroroon at inabutan ako ng mapupulang rosas. Hindi ko na sila halos napansin dahil sa mga luhang pumapatak sa mata ko.
"Ano na namang kagaguhan 'to Zyrus? Hindi ko kailangan ng mga bulaklak na 'to! Ilabas n'yo 'yong lalaking 'yon!"
Tawanan lamang nila ang bumalot sa akin.
"Love!"
Ang boses na iyon, "Zy? Nasaan ka bang gago ka? 'Di ka lalabas? Aalis na ako!"
Padabog akong tumalikod sa kanila, hawak pa rin ang rosas na bigay nang may biglang humapit sa aking baywang at niyakap ako mula sa likuran.
"Hey baby, calm down. I'm here 'di mo man lang pinansin 'tong surpresa ko." Malungkot na tinig niya. Damn this man.
"Eh paano naman kasi! Ilang araw kang hindi nagparamdam! Akala ko, akala ko pinagpalit mo na ako!" Pasigaw at mangiyak-ngiyak na usal ko.
"HAHAHA kaya ko ba naman 'yon? Gail naman, hush now baby, Happy third monthsary mahal ko, I love you."
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomA compilation of short stories with different genres such as; -Thriller -Mysteries -Tragic -Comedy -Romance and more.