"Palahaw ng Pusong Uhaw"
@itsmeklaxon🍁Kasabay nang ingay ng mga nagdaraang sasakyan,
At chismisan ng mga bungangera sa bayan,
Sa isang maliit na kwarto,
Hindi kalayuan sa kanto,
Maririnig mo ang palahaw ni Dodong sinto-sinto.Ayan na naman siya!
Nagwawala at sa katinua'y nawawala,
Sigaw ng sigaw,
Animo'y uhaw na uhaw,
At ang landas ay naliligaw."Kailan ba titigil ang batang iyan?!" Sigaw ni Mang Isko, kapitbahay nitong sinto-sinto.
"Isko kumalma ka! Pabayaan mo s'ya, baka sinasaktan na naman ng ama niya. Huwag ka na makialam at baka madamay ka pa. Alam mo naman 'di ba ang ugali n'ya? Iniwan ng asawa kaya't ang galit ay napunta sa kaawa-awang bata. Wala tayong magagawa, wala tayo sa posisyong pagsabihan sila."
Mahabang litanya nitong si Aling Cora.
Atensyon at pagmamahal ang hinihingi,
Subalit ang natanggap ay sakit at pagdadalamhati.Naalala ko isa nga pala ako sa libo-libong Dodong sinto-sinto na naninirahan sa makabagong mundo.
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomA compilation of short stories with different genres such as; -Thriller -Mysteries -Tragic -Comedy -Romance and more.