11) Hello, it's me

14 2 4
                                    


"Hello, it's me"
@itsmeklaxon🍁

Breaking News...

"Isang babae ang natagpuang sugatan sa isang partikular na lugar sa Cebu at malapit ng mawalan ng buhay nang isinugod sa isang pribadong ospital, noong ika-20 ng Marso. Itinalang rape and homicide ang nasabing kaso. Matapos na manatili ng tatlong araw sa ICU ay inilipat na sa kaniyang silid, subalit nang araw ding iyon napansin ng nurse na nakaawang ang pintuan nito at wala na ang nasabing pasyente."

Naibato ko ang hawak kong baso nang mapanood ko ang balita saka kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Luigi. Hindi pwedeng mangyari 'to. Mayayari kami kay papa. Walang pwedeng makaalam na kami ng kapatid ko ang may gawa no'n.

"Akala ko ba siniguro mong patay na 'yong babae bago mo tinapon?! Tingnan mo 'yong balita!"

"Kaizer, sorry---

"Sorry?! Hanapin mo 'yong babae, inutil!"

*Dingdong*

*Dingdong*

*Dingdong*

"Bullshit! Sino ba 'yan?!"

Mabilis na kinuha ng lalake ang kan'yang baril at itinutok sa daraanan n'ya. Maingat n'yang binuksan ang pinto.

"Kuya, Kuya, ako lang 'to si Luigi." Usal n'ya habang nakataas ang dalawang kamay.

"Bilis, pasok."

"Anong meron? Ba't nag-i-empake ka?"

"Hindi tayo pwedeng manatili rito hangga't hindi natin naaayos itong gusot na 'to. Hindi pwedeng malaman ni papa ang kabulastugang ginawa natin! Pupunta tayo sa hideout."

*Dingdong*

Nagkatinginan ang dalawa.

*Dingdong*

"Ako na ang titingin kuya." Ani Luigi.

*Dingdong*

Kasabay ng paglalakad n'ya papuntang pintuan ay namatay ang ilaw sa bandang parte niya kung kaya't kinain s'ya ng kaba.

*Dingdong*

Patuloy pa rin ang pagtunog ng doorbell.

"Fuck, sino ba kasi 'yon?"

He can only hear his footsteps.

Sa kabilang banda, patuloy pa rin sa pagliligpit si Kaizer ng marinig n'ya ang nakakakilabot na sigaw ng kan'yang kapatid.

"Tulong! KUYAAAA!"

A loud bang brought him into his sense. Dali-dali s'yang lumabas subalit namamatay-matay na naman ang ilaw kaya't medyo nahirapan s'ya sa pagbaba papunta sa pintuan. Labis man ang kaba, mas nangibabaw sa kan'ya ang pagaalala sa kapatid.

Nakita n'ya ang dugong nakakalat sa sahig na tila may gustong iparating. Sinundan n'ya ang patak ng dugo, labis ang pagtataka ng makitang ito'y papunta sa parking lot ng kanilang bahay. Kagimbal-gimbal na pangyayari ang kan'yang nasaksihan. Ang kapatid na walang buhay at duguan, nakabitin ang katawan gamit ang lubid na yumayakap sa kan'yang leeg. May butas sa noo dahil sa tama ng baril.

"LUIGI! PUTANG*NA SINONG MAY GAWA SA 'YO NITO?! PAPATAYIN KO, PAPATAYIN KO S'YA!"

"AAAAAH! MAGBABAYAD S'YA!"

Namamatay-matay na naman ang ilaw.

*clap* *clap*

"Sino yan?! Magpakita ka! Harapin mo ko! Napakaduwag mo!"

Panay ang lingon n'ya subalit sumasakit lang ang mata n'ya dahil sa ilaw.

"HAHAHAHAHA" Isang malademonyong boses ang kan'yang narinig.

Panay ang pagpapaputok niya ng baril, umaasang may tatamaan siya.

"TANG*NA, LUMABAS KA!"

Isang anino ang papalapit, anino nga ba talaga? 'Di n'ya ito napansin. Hanggang sa purong dilim na lang ang kan'yang nakikita.

"HAHAHAHAHA"

Ayan na naman ang nakakapanindig balahibong tawa.

Palapit ng palapit ang tunog, matining, maingay, nakakatakot.

Maya maya pa't may humampas na matigas na bagay sa kan'yang ulo sanhi ng pagkahilo, palo sa kan'yang likod at binti, pinaputok ang kan'yang baril kahit hindi alam kung saan tatama subalit wala s'yang nagawa dahil sa mga palong natanggap kung kaya't siya ay napaluhod.

"Araaay!"

Isang matalim na bagay ang humiwa sa kan'yang leeg na nagpapusit sa kan'yang dugo.

"Ahh!"

"HAHAHAHAHA"

Isang saksak pa sa tagiliran. Panibagong hiwa sa kan'yang palapulsuhan.

Isang nakakagilalas na tawa na naman ang kan'yang pinakawalan. Dinilaan n'ya ang dugong naiwan sa patalim na hawak bago muling humalakhak.

"HAHAHAHAHAHA mamatay ka na! HAHAHAHAHA"

Paulit-ulit n'ya na namang pinagsasaksak ang lalaking walang kalaban-laban, nakahandusay at duguan. Patuloy na tumatawa na animo'y nawawala sa katinuan. Nasisiyahan sa kan'yang nasasaksihan, sa dugong umaagos at napupunta sa kan'yang katawan.

"Hello, it's me Kaizer. It's me! The one you tortured and raped!" She shouted in anger.

"X-xy? Xyrelle?"

"See you in hell HAHAHAHA"

*Bang!*

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now