"WALA KANG NARINIG"
@itsmeklaxon🍁"Hoy Vin, ba't hindi maipinta 'yang mukha mo? Nag-away kayo 'no o baka naman hiwalay na kayo?"
"Pwede ba Raine manahimik ka d'yan?" inis na bulyaw ko sa kaniya. Paano ba naman kasi gusto ko muna sanang mapagisa tapos hanggang dito ba naman sa tagong tambayan ko nakasunod 'tong asungot na 'to.
"Kung may problema kayo ng jowa mo 'wag mo kong dinadamay na abnoy ka!" Siya pa ang may ganang manigaw, pathetic girl.
"Bakit ka ba kasi nandito?"
"Bakit pag-aari mo ba 'tong kubong 'to?"
"H-hindi", anak ng ba't ka nauutal Vin 'wag mong sabihing natatakot ka na sa malditang 'yan?
"Hindi pala eh, o anong problema mo? Magkwento ka, makikinig ako mukha ka kasing pinagsukluban ng langit at lupa. Ang pangit mo na nga, pumapangit ka pa lalo dahil nakabusangot ka."
"Yong totoo? Balak ka ba talagang makinig o lalaitin mo na lang ako?"
"Makikinig."
"Yon naman pala e. Ganito kasi ang nangyari, sobrang cold na sa'kin ni Nessy pero hinayaan ko lang s'ya. Isang simpleng "Hi" na lang ang chat n'ya, kung noon sobrang tinatadtad n'ya ako ng message kapag 'di ako online ngayon kabaliktaran na ang nangyari. 'Yon na 'yong huling mensahe n'ya sa'kin kaya naisip kong buksan 'yong account n'ya."
"Oh tapos, may nabasa ka bang kakaiba?"
"Wala akong nakita."
"Wala naman pala e, anong dinadrama-drama mo d'yan?"
"Teka lang kasi! Hindi pa nga tapos magkwento e."
Raine's POV
"Sabi ko nga, oh ano nang nangyari?"
"Sinubukan kong tingnan 'yong archive messages n'ya tapos..." Halata sa boses n'ya 'yong lungkot.
"Tapos nakita ko 'yong convo nila ng ex n'ya, nabasa ko doon kung gaano sila kasweet at kung gaano nila namiss ang isa't isa. Hindi ko pinansin 'yon dahil may tiwala ako kay Nes kaya kinausap ko siya kanina." Mababakas sa mga mata n'ya 'yong sakit. Bakit ba kasi ang tanga ng lalaking 'to?
"Anong nangyari sa paguusap n'yo?"
"Tinanggi n'ya lahat ng 'yon, sabi n'ya wala lang daw. Gusto kong maniwala sa mga sinabi n'ya pero alam mo sobrang sakit kasi hindi s'ya makatingin ng maayos sa akin habang sinasabi n'yang wala lang."
May nakita akong luhang pumatak sa pisngi n'ya, hahawakan ko sana s'ya ng dali-dali s'yang tumalikod.
"Haha bakit nga ba ako nagkwento sa 'yo? Kunwari 'di tayo nagkita ah? Isipin mo na lang na wala kang narinig mula sa'kin."
Mabilis s'yang naglakad paalis.
"Paano ko iisipin na wala akong narinig? Kung boses 'yon ng lalakeng mahal ko?" mahinang usal ko.
YOU ARE READING
One Shot Stories
AcakA compilation of short stories with different genres such as; -Thriller -Mysteries -Tragic -Comedy -Romance and more.