***********"Sa pagbabalik mo"
Nang makarating na kami sa bahay ay agad akong niyakap ng aking mga nag aalala mga magulang.
Gusto ko sanang sabihin na iligtas namin si Ethan kaso pinigilan ako nila nika. Bakit ganun? Hahayaan nalang ba nilang mamatay si ethan pota.
Gusto ko pa sanang magsalita pero binulungan ako ni val ng..
"Kung gusto mo pa sya makita, wag mo syang ipahamak lalo na ang kanyang pamilya"
Napaisip ako pamilya? Ang gulo tae. Wala na akong magawa kung hindi manahimik.
Ang mga pulis at nagsaliksik doon sa lugar kung saan kami galing pero wala na silang naabutan, kahit ako. Hindi ko na naabutan si Ethan.
Si ethan na nagsabi saakin na mainlove ako sa kanya, alam kong sya yun. Dahil sa tuwing kakausapin nya ako ay magaan ang loob ko. Bakit gusto nyang mainlove ako sa kanya? Argh.
Sana okay lang sya.
Lumipas na ang dalawamg linggo pero wala akong balita, wala akong balita kay ethan, ni ayaw magsalita nila val at nika. Kinuwento ko nadin ang mga nalaman ko sa kanila pero hindi pala iyong totoo dahil ang mga video sa porn ay edited para ipanlaban sa kanila, walang katotohanan lahat.
Nandito ako sa kwarto ko ngayon, kakauwi ko lang galing school, naging kasabay ko na ulit sila kaso may parang nagbago, medyo tahimik kami. Siguro pareho naming iniisip si ethan.
Si ethan, kaylan kaba babalik? Nasan ka ba.
Dahil wala ako magawa ay lumabas nalang muna ako, nagtungo ako sa ilog na malapit lang sa village namin at nagtampisaw, maganda ang view dito at payapa. Habang patuloy ako sa pagtampisaw ng paa ko sa tubig ay tila may nahagip akong anino sa may taas ng puno. Tila may nagmamasid saakin. Hindi ako nagpahalatang napansin ko sya kaya patuloy lang ako saaking ginagawa pero may kabang nararamdaman. Kumuha ako ng bato at binato sa tubig para di nya mahalata ang balak ko. Sa pangalawang kuha ko ng bato ay mabilis akong tumayo at binato dun sa puno na may tao.
"Ahhhh*booogsh*" narinig ko ang pag aray nya na boses lalaki.
Narinig ko din ang pagkabagsak nya sa damuhan kaya naman agad kong pumunta doon habang may hawak na kahoy. Sandata.
"Sin-" napatigil ako bigla saaking sasabihin at nabitawan ang hawak kong panghampas ng makilala ko kung sino ito.
"E-than" napalapit agad ako sa kanya at niyakap sya. Naramdaman ko nalang tumutulo ang luha ko.
"Th-eramie"
"Sorry, hindi kita nabalikan. Ayos ka lang ba? Kamusta ka? Bakit moko sinusundan?" sunod sunod na tanong ko dito. Agad ko namang nakita ang pagkalungkot nang mukha nya.
"T-her,mahal mo ba ako?" napatigil ako sa sinabi nito.
Mahal ko nga ba sya? Or magaan lang ang loob ko sa kanya? Kasi diba umiyak pako kay alfred? Sht.
Tumitig ako sa kanyang mga mata na nakatitig nadin saakin ngayon.
"H-indi ko alam" pagkasabi ko nun ay nanlumo sya,kahit ako nanlumo sa di alam na dahilan.
"HAHAHA nagjojoke lang ako ther ano ba haha" kahit sinabi nya yun nakita ko ang panlulumo ng kanyang mata.
"E-"
"Ther. Alagaan mo ang sarili mo ha"
"Baki-t saan ka pupunta?"
"Sa lugar na hindi kana masasaktan pa"
"Ha?"
"Wala ,sige una na ako"
Pipigilan ko pa sana sya kaso mabilis nyang nilisan ang lugar at naiwan akong madami nanamang tanong sa isip ko.
Sa lugar na hindi na ako masasaktan pa? Ano ba talagang meron sayo ethan.
*********
Baby Theramie:
Thankyou sa mga nagbabasa. Ano kayang sinasabi ni ethan? Hmm?
BINABASA MO ANG
PLEASE, FALL INLOVE WITH ME (COMPLETE)
Teen FictionSi Theramie Smút ay nagmula sa isang pinakamayamang pamilya, napakaganda nitong dalaga at madami ang nakakadarapa. Nasaktan sya sa una nyang karelasyon, akala nya hindi na sya muling iibig pero napaibig muli sya ng isang lalaki. Kaso lang, paano mo...