PART 15

213 20 0
                                    

Pagdating namin sa bahay pinagalitan nanaman ako. As usual, wala nang bago diba? Haha.

Hinatid na ako ni christian sa kwarto ko. Wala akong kibo tangi paghinga at pagpigil nang luha ang ginawa ko. Kahit sya tahimik din.

"Ah th-"

"S-alamat" yan nalang ang naiusal ko at pumasok na sa kwarto.

Dumako ako sa aking bintana at tumingin sa kalangitan. Kay gandang pagmasdan ang mga ulap na dahan dahang umaandar at mga ibon na nagsisilipadan.

Tumulo nanaman ang mga luha ko, pero walang ingay. Tulo lang ng luha walanh hikbi, walang kung anong maririnig saakin.
Hinayaan kong patuyuin ng malakas na hangin ang mga luha ko. Habang nakatingin padin sa kalangitan.

"Si ethan, bumabalik saakin kapag naaksidente ako" bigla kong naiusal ito sa sarili.

Tila ba ako natuwa ang aking puso saaking nabanggit.

Tumayo ako sa aking bintana, at pahigang nagpalaglag hanggang sa dumilim na ang paligid ko.

-

Nagising na ako sa may puting kwarto. Napabangon ako agad at hinanap ang lalaking inaasam kong makita.

"E-than, alam kong andito ka. Ethan lumabas kana" usal ko.

Tinry kong tumayo kaso hindi ko kinaya, napilayan ata ako dahil saaking ginawa kanina.

"Ethan..... " naluluhang sambit ko nang walang ethan na nagpakita saakin.

"Ethan, wala namang tao. Labas kana dyan sige na" patuloy padin sa pag agos ang aking mga luha. Sinisinok pa nga ako dahil saaking ginagawa.

Napatingin ako sa may pinto nang bumukas ito. Isang nurse na lalaki na may takip ito at kasing tangjad nito si ethan.

"Ethan!" usal ko nang makalapit ito ay agad kong niyakap.

"Sabi ko na at darating ka" usal ko muli at mas hinigpitan ang yakap.

"Ahh Ms. Theramie, hindi po ako si ethan. I am nurse Zey" usal nito at tinanggal ang takip sa mukha. Hindi nga sya si ethan.

Umalis ako sa pagkakayakap dito. Nanghinayang naman ang puso ko dahil dito, akala ko dadating sya.

Madaming tinanong saakin ang nurse ,pagkatapos ay nilisan na nya muli ako. Agad kong niyakap ang nasa tabi kong unan at umiyak nanaman nang walang kupas.

"Ther!"

Nadinig kong sigaw nang isang lalaki. Si christian. Pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa iyak.

"Ther! May masakit ba sayo ha? Tatawag ako ng do-"

"W-ag, walan-g masa-kit sa katawa-n ko. Pu-so ko lang" naiusal ko.

"Ha? Ano masakit puso mo? Tatawag na talaga ako ng doc-"

"Hindi christian, nasasaktan ako. Ba-kit wala si ethan, bakit hindi sya gumawa ng paraan para makita ako? Hindi ba kada naaaksidente ako ay nariyan sya."

Tumingin ako kay christian na nakikinig lang saakin.

"Superhero ko sya, kada nawawalan ako ng malay sya nakikita ko. Per-o bakit nga-"

Napahagulgol nanaman ako. Lumapit si christian at niyakap ako.

"B-akit wa-la sya..... "

Masakit ang mga salitang huli kong binitawan.

"Ther , masaya na sya. Hayaan mo na sya"

"Hayaan ko na sya."

Umalis ako sa pagkakayakap nya at tinignan muli sya.

PLEASE, FALL INLOVE WITH ME (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon