***********Busy ang lahat dito sa may bahay dahil dadating ang pamilyang Gonzales, yung pamilyang nagkaisa upang ipakasal ako tsk.
Nandito na ako sa bahay dahil mabilis akong nakarecover, but my car is not. Hindi na sya maayos pa, wala na tuloy akong magamit para makatakas dito hays.
"Ther, kumilos ka nga diyan" usal ni mama.
Tumayo ako at umalis sa harap nila, nagtungo muli sa kwarto at nagkulong.
Bakit naman ako tutulong sa kanila? Kagustuhan nila yun. Kaya wala akong pakielam.
"Ther, nandiyan na sila magbihis ka"
Napairap nalang ako sa kawalan sa nadinig kong usal ni Mom sa labas. Tumayo na ako at kumuha ng damit. Papasok na sana ako sa banyo nang bigla akong may naisip.
"Tignan natin kung di sila aayaw saakin" usal ko sa sarili ko at lumabas nang walang ayos ayos.
Magulo ang buhok ko na tila isang aswang, nakasando lang ako at cycling. Ang nga make up ko pa ay kalat kalat.
"HELL-o HAHA" tila ako nababaliw saaking ginagawa, pababa ako ng hagdan at sumasayaw na parang timang. Lahat sila ay gulat saaking itsura at ginagawa.
"Ther! Ano ba-"
"Ahhh shh shhhh dad, maganda padin naman ako dzuh"
Umupo ako sa upuan at itinaas ang isang paa sa upuan.
"Ther!" sigaw ni mom na tila naiinis na.
"Oy kain na tayo" pag iiba ko t kumuha ng pagkain na padakot sa may lalagyan na para sa lahat.
Kitang kita ko sa mukha ng pamilyang gonzales ang pagkagulat, habang ang pamilya ko naman ay tila inis na inis na dahil sa kahihiyan na aking ginagawa.
"*chum* ano bang *chum* balak natin ha" nagsasalita ako nang puno ang bunganga kaya naman medyo tumatalsik ang pagkain sa hapag kainan.
"Theramie!" nagulat ang lahat sa biglang dabog na kamay ni dad sa lamesa, mukhang napuno na ito saakin.
"Okay okay, fine. Kalma haha" usal ko at nagsimula nang umakyat.
Ngiting ngiti naman ako habang papunta sa kwarto.
"Tignan nalang natin kung magustuhan pa nila ako" usal ko sa sarili.
Natapos na ako mag ayos at bumaba na. Ngumiti naman ako nang makitang wala na ang pamilyang gonzales, mukhang epektibo ang akong ginawa.
"Ano bang kahihiyan ang ginawa mo ther! Tuluyan ka na bang nasiraan nang bait!" salubong na sermon saakin ni dad, habang si mom ay nakayuko lang at tila naiiyak.
"Hanggang kinkontrol nyo ang buhay ko, papahiyain ko lalo ang pamilyang ito. Kaya wala na akong pake sa maaring mangyari!"
Nakita ko ang pagngiti ni dad na tila nakakakilabot, dahil naramdaman ko ang pag taaas ng balahibo ko.
"Kahit patayin ko sya"
Napanganga naman ako sa sinabi ni dad.
"Hindi ba sya ang gusto mo? Kung sya lang din ang naging dahilan kung bakit tayo nagkakaganto, mas mabuting mawala na sya!"
Tumitig pa saakin si dad na may ngiti sa labi.
Hindi ko alam pero tila ako nakikipag usap sa isang demonyo.
"James, anong sinasabi mo?" Pati si mom ay nagulat sa mga sinasabi nito.
"Ano ther, ayos ba sayo yun"
Kinuyom ko ang dalawa kong palad dahil sa galit, lumabas nadin ang mga luha ko dahil sa sinabi ni dad.
"W-ag nyo syang s-sasaktan"
Mahinang amg pagkakasabi ko nito, pero alam kong nadinig nya ito.
"Sundin mo ang utos namin, at mabubuhay sya" usal ni dad bago pumasok sa kwarto nya.
Nanghina ang tuhod ko kaya naman napaluhod ako. Umiyak ako nang walang tunog kaya ganun kasakit saaking dibdib ang bawat pag buhos ng luha ko.
"A-nak"
"Mom, bakit ba kayo ganyan saakin? Ano bang nagawa kong sobrang lala para gantuhin nyo ako?"
Yumuko naman si mom dahil sa tanong ko, naiiyak nanaman ito.
"Kasi anak, kelangan nating sumunod sa daddy mo, sya ang may alam nang nakakabuti saatin"
"Nakakabuti? Ha, kalokohan"
"Ang daddy mo ang nagtaguyod saatin kung nasaan na tayo ngayon, ayaw lang nyang bumagsak tayo dahil sa maling deisyon mo"
"Mali? Mali ba ang magmahal?"
"Pero anak...... Hindi ka mapapakain ng pagmamahal nyo"
"Pero mom, hindi ko ikakaunlad ang pagmamahal sa taong hindi ko gusto"
"T-her"
"Mahal ko si Ethan ma, mahal na mahal"
*****************
BINABASA MO ANG
PLEASE, FALL INLOVE WITH ME (COMPLETE)
Roman pour AdolescentsSi Theramie Smút ay nagmula sa isang pinakamayamang pamilya, napakaganda nitong dalaga at madami ang nakakadarapa. Nasaktan sya sa una nyang karelasyon, akala nya hindi na sya muling iibig pero napaibig muli sya ng isang lalaki. Kaso lang, paano mo...