PART 16

191 11 0
                                    


--

Tinry kong titigan ang tyan ni nika pero hindi ko ito mahagilap dahil nga sa pamilyang nakaharang saaming gitna, tanging ulo lang nila ang nakikita kong nagsisiyahan. Gusto kong tumayo at tignan ito kaso lang baka makita nila ako.

Bumalik nalang ako pagkain ng mga inorder ko, nilagyan ko na di ng earphones ang tenga ko para hindi ko sila madinig na masaya at tila hindi na nya ako naalala.

Napatingin ako sa cellphone ko nang umilaw ito. May text.

Fr mom

- anak, magsisimula na yung pagdidiwang.

Nawindang ako sa aking nabasa, agadan kong tinapos ang aking pagkain at nagmadaling umalis.

Habang ako ay nagmamadali ay may nasanggi akong bata na nasa edad 10 ata.

"Ahh sorry"

"Okay lang po ate"

Pagkasabi nun ay tumango nalang ako at nagmadali nang lumabas papuntang parking lot.

----

Nang makarating na kami sa bahay ay agad kong nakita si christian. Napakagwapo nitong tignan sa kanyang suot na elegante.

"Happy birthday" usal ko kaya napatingin sya saakin. Ngumiti naman ito at nagbeso kami.

"Thanks ther"

"Oh eto gift ko" inabot ko na sa kanya ang binili ko sa mall.

"thankyou, dapat hindi ka na nag abala pa. Halik mo lang ay ayos na"

Natawa na lang ako sa sinabi nito.

"Ahm, sa kwarto muna ako"

Napataas naman ang kilay nito na nagtataka.

"Ha? May nangyari ba?"

"Bakit mo naman naitanong haha"

Napangiti ito saakin at hinigit ang bewang ko. Tinaas nya ang mukha ko at tinitigan ako.

"Cause I can see your pain. Tsaka nagmamadali ka lang naman sa kwarto mo if may nangyari or you need space"

Napangiti nalang ako sa mga sinabi nya. Kilalang kilala nya na ako at super nakakatouch yung ganung bagay na may isang taong kilala kana at alam kung kailan ka may problema.

"S-i e-"

"Shhhh, tara sa kwarto mo let's talk"

Nakangiting usal nito. Sumang ayon nalang ako at nagsimula na kaming magtungo sa kwarto ko. Nang makarating kami ay umupo na ako sa higaan at tumabi naman ito.

"Okay, anong nangyari?" panimula nya.

"Nakita ko sila ethan and nika sa mcdo, ang saya saya nila tapos nalaman ko na-"

Napaiyak nalang ako bigla. Yawa, iiyak nanaman ako nakakapagod na.

Lumapit si christia  at niyakap ako patagilid. Kaya naman yung ulo ko nakapatong sa may balikat nito.

"Nalaman mo ang ano, sabihin mo lang"

"-na buntis si nika"

"W-hat?!" nabigla din ito .

"Hindi ko alam if papaano nangyari at anong nangyari."

Humagulgol nanaman ako kaya mas lalo nyang hinigpitan ang yakap saakin. Kumuha sya ng tubig at pinakalma ako.

"Nyenyenye" nabigla naman ako sa ginawa ni christian. Nagpapangit sya sa mukha ko at naglabas pa ng dila.

Humagalpak ako sa tawa sa kanyang itsura. Kahit sya ay ngumiti din.

PLEASE, FALL INLOVE WITH ME (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon