**********
Umuwi na ako sa bahay matapos ang paglisan saakin ni ethan.
'Mahal mo ba ako?'
'Mahal mo ba ako?'
'Mahal mo ba ako?'
Napanganga ako sa kawalan nang umulit ang katagang iyan sa utak ko. Hinampas ko namg dahan dahan ang ulo ko para mawala ito.
"Mahal ko nga ba sya?" Isang tanong nanaman ang nailabas ko sa bibig ko.
"Arghhh... Ano ba theramie" patuloy ko pading hinahampas ang ulo ko.
Habang ginagawa ko ito ay bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa nito si mama kaya naman tinigil ko ang pagpukpok sa ulo ko.
"Theramie, anak. Tara, bumaba ka may sasabihin kami sayo. Mag ayos kadin" aninya at sinara agad ang pinto.
Ano kayang sasabihin ni mama? Tae nagtatanong nanaman ako sa utak ko asar.Ginawa ko naman ang gusto ni mama at nagbihis ako, pagkabihis ko ay bumaba na ako. Tila ba nabigla ako ng bahagya nang makitang madaming tao sa dinning area namin.
"Theramie, andyan ka na pala" masayang usal ni mama at pinuntahan ako upang umupo sa tabi nito.
May isang matandang lalaki at matandang babae ang nandito siguro mag asawa sila, at isang lalaking tila kasing edad ko lang. Moreno sya.
"Ano pong meron?" biglaang usal ko na nagpatigil sa usapan nila. Ngumiti naman yung matandang babae saakin at nagsalita.
"Hi theramie, andito kami para pag usapan ang kasal nyo ng-"
"KASAL?!" Napahinto ito sa pagsasalita nang bigla akong sumigaw at tumayo saaking kinauupuan.
"Ther... Ito yung gusto naming sabihin sayo, ipapakasal ka namin sa anak nilang si Harold. Ang pamilya nila ay madaming pagmamay ari ng minahan. Kaya kayo ang napagkasundo namin" nakangiting aniya ni ina.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko basta bigla nalang tumulo ang luha ko at may isang tao ang pumasok sa isip ko.. Ethan.
"Mom, no. I have my own decisions, malaki nako ma. Tsaka hindi lang basta basta ang pagpapakasal at lalo na ang pakikipag ibigan sa taong ni minsan hindi ko nakilala." seryosong sabi ko habang nakatayo padin.
"Th-" napahinto si mama nang magsalita bigla si papa.
"Ther! Umupo ka riyan at sundin ang utos namin" tila ba galit na galit ito kaya lalo akong nainis.
"No dad. Ang selfish nyo, ni hindi nyo man lang tinanong kong sino yung gusto ko. Grabe kayo, magulang ko ba kayo?" medyo may diin na sabi ko.
Napahawak nalang ako sa pisngi ko nang biglang dumapo ang palad ni mama sa pisngi ko.
"Ha." yan lang ang nasabi ko sa bilis na nangyari.
"So-"
Hindi ko na pinakinggan si Mama at nilisan ang aming bahay, ginamit ko ang kotse ko at nagpunta kung saan man ako dadalhin ng sasakyan ko.
Habang umiiyak ay meron namang biglaang lumabas sa bibig ko na hindi ko inaasahan.
"Ethan, tulungan moko" patuloy padin ang pag agos ng luha ko habang nagmamaneho. Kaya naman sa hindi inaasahan ay.
*booogsh!*
Bigla akong bumangga at nawalan ng malay.
Pero bago pa ako tuluyan mahimatay ay nakita ko ang anino ng isang tao na kanina ko pa binabanggit.
"E-than"
***************
Baby Theramie:
Mahal na kaya nya? Anong sunod na mangyayari?
BINABASA MO ANG
PLEASE, FALL INLOVE WITH ME (COMPLETE)
Ficțiune adolescențiSi Theramie Smút ay nagmula sa isang pinakamayamang pamilya, napakaganda nitong dalaga at madami ang nakakadarapa. Nasaktan sya sa una nyang karelasyon, akala nya hindi na sya muling iibig pero napaibig muli sya ng isang lalaki. Kaso lang, paano mo...