************Napakadilim ng paligid.
Wala akong makita.
Tila isang plane na itim lang, walang gamit or kung ano man.
'Theramie, wake up'
'Anak, lumaban ka'
Yan lang nadidinig ko sa madilim na paligid na ito. Ani bang nangyayari? Bakit ganto? Bakit puro itim? Bakit puro boses?
'Ther, lumaban ka. Mahal kita'
Napatingala ako kawalan saaking nadinig, bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito, bakit sa tuwing sasabihin nya ang mga ganoong salita ay napapabilis ang tibok ng puso ko.
'Theeeer!'
Narinig ko pang huling sigaw nya, habang palayo ng palayo ang bawat tunog ng boses nya.
Paano ba ako maaalis sa lugar na ito?
Paano ba? Anong dapat kung gawin?
Kelangan ko syang balikan, kaylangan ko syang kausapin, dahil alam ko na. Mahal ko na sya.
Mahal ko na si ethan.
Muli nanaman akong nagising sa pangalawang pagkakataon.
Nagising ako puting kwarto na may mga nakapasak saakin na kung ano. Kasabay nun ay ang pagyakap saakin ng aking mga magulang.
"Anak" humagulgol na iyak ni mom habang nakayakap saakin. Habang si dad ay nakatitig lang saakin at pinipigilang umiyak.
"M-may masakit pa ba sayo?" usal ni mom. Pero hindi ko sya tinugon, galit ako sa kanya, sa kanilang dalawa ni dad dahil nagdesisyon sila sa buhay ko.
"Kung hindi ka biglang umalis, hindi yan ang mararanasan mo" biglaang singit ni dad.
"James!" pagpigil sa kanya ni mom.
"Nagsasabi lang ako ng totoo. Ayan diba? Disgrasya ang inabot nya"
"Ha" natawa ako ng may pagka sarcastic.
"Itong galos ko ngayon, wala lang to. Hindi ganun kasakit, kasi mas masakit padin yung nagdesisyon kayo sa buhay ko"
"Sumasagot ka na talaga! Ganyan ba yung natutunan mo dun sa ethan nayun!"
Napatingin ako kay papa nang bangitin nya si ethan. Kilala nya ito? Paano?
"Kilala nyo sya?"
"Oo, at hindi ko sya gusto para sayo"
Mas lalo akong nagulat sa sinabi ni dad."May kamag anak syang kriminal, at baka ganun din s-"
"No dad! Bakit ka ganyan? Akala ko mabait kayo akala ko hindi kayo mapanghusga na tao, pero nagkamali ako!"
Pagkatapos nun ay nakatanggap nanaman ako ng sampal mula sa kanya. Ha. Ang saya.
BINABASA MO ANG
PLEASE, FALL INLOVE WITH ME (COMPLETE)
Teen FictionSi Theramie Smút ay nagmula sa isang pinakamayamang pamilya, napakaganda nitong dalaga at madami ang nakakadarapa. Nasaktan sya sa una nyang karelasyon, akala nya hindi na sya muling iibig pero napaibig muli sya ng isang lalaki. Kaso lang, paano mo...