Isang buwan na ang nakakalipas, walang ethan ang dumalaw or nagparamdam man lang saakin. Kahit mga kaybigan nito ay hindi alam kung nasaan sya.
Inakala ko na hindi na matutuloy ang kasal dahil sa ginawa ko noon, pero tuloy padin. Mas pinaaga pa nila, dahil bukas na ang kasal namin ni Christian.
Wala akong nagawa sa bahay kung hindi ang manahimik kapag kausap at nagpaplano sila. Sabay ang pagmukmok sa kwarto kapag tapos na ang usapan.
Lahat ay abala ngayon, meron nadin akong gown na isusuot na si mom ang pumili. Wala na, tuloy na. Wala na kong kalayaan dito.
Napahinga ako sa kawalan at bumaba na sa may hagdan. Nandito muli ang pamilya ni christian upang planuhin ang gaganaping kasalan bukas. Isipin nyo 17 palang ako pero ikakasal nako. Wao lang.
"Thermie" bungad saakin ni christian sabay ang yakap saakin. Ngumiti lang ako at naupo na kami pareho.
"Excited na ba kayo?" usal nang mama nya.
"Yes mom, super!"
Tumawa naman silang lahat dahil sa kakulitang pinapakita ni Christian, habang ako? Tahimik lang na nakatingin saaking plato.
"Ikaw ba anak?" biglang tanong saakin ni ina.
"Ah y-eah"
Pansin ko ang pagseryoso ng mukha ni mom at tila ba naawa sa kalagayan ko.
Natapos na ang pagkain at usapan namin, aakyat na sana ako sa kwarto ko muli na palagian kung ginagawa nang biglaang hawakan ni christian ang kamay ko.
"Can we talk?"
Tumango nalang ako at nagpahila sa kanya. Siguro, kelangan ko nang sanayin ang sarili ko na kasama sya.
"Ther, kasal na natin bukas" aninya
"Yeah"
"Sana, turuan mo na ang puso mo na mahalin ako"
Natahimik ako dahil sa sinabi nya.
"Ther pasensya kana ha, alam ko namang gusto mo na lumaban din ako para itigil to. Kaso lang ther, unang kita ko palang sayo mahal na kita. Masisi mo ba ako?"
Yumuko at tinignan ang sahig.
"Kung libro tayo, siguro ako yung extra lang tapos yung ethan na iyon ang bida at ikaw."
Napatingin ako sa kanya at nakita ko bawat butil ng kanyang luha.
"Ha. Nakakatawa isipin na baka bukas mawala ka saakin."
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.
"Kasi sasagipin ka ni ethan para magsama kayong dalawa. Katulad sa mga nababasa kong libro."
Hindi ko alam pero bakit nasasaktan ako sa sinasabi nya?
"Tapos ako, maiiwan sa simbahan nag aantay sayo, kahit hindi ako yung gusto mo."
"Sorr-y"
"Alam mo sobrang minahal talaga kita kahit ang sakit nang pinaparamdam mo saakin. Minsan nga naiisip ko na sana ako nalang yung nauna, na sana ako nalang si ethan para may lugar ako dyan sa puso mo, ther."
Tumitig ito saakin at ngumiti kahit puro luha ang kanyang mukha.
"Ang drama ko haha, sorry. Pero ther, kung sakaling itakas ka nga ni ethan sa kasal natin"
Hinawakan nito ang pisngi ko, tumutulo na pala din ang mga luha ko.
"Siguraduhin nyo lang na ipaglalaban nyo ang isa't isa, kasi kung hindi saakin ka ulit babagsak haha. "
"Ch-ristian"
"Ther, mahal na mahal kita"
Habang magkatitig kami ay hindi ko na alam ang aming ginagawa, hanggang sa tuluyan nang nagdikit ang aming mga labi.
*******
Hala, sa tingin nyo ba magiging sila ni christian imbis ni ethan? Hmm abangan nyo!
BINABASA MO ANG
PLEASE, FALL INLOVE WITH ME (COMPLETE)
Teen FictionSi Theramie Smút ay nagmula sa isang pinakamayamang pamilya, napakaganda nitong dalaga at madami ang nakakadarapa. Nasaktan sya sa una nyang karelasyon, akala nya hindi na sya muling iibig pero napaibig muli sya ng isang lalaki. Kaso lang, paano mo...