PART 13

229 33 0
                                    

                                            
Nagising ako sa mabangong amoy ng adobo, napaangat nalang ako sa pagkatulog at nakitang nakakumot na ako pero wala pading saplot. Nakita ko si ethan na nagluluto nang napakabangong adobo.
                                                  

"Goodmorning" aninya sabay ngiti saakin. Hiniaan nya muna ang apoy at lumapit saakin upang halikan ang aking noo.
                                                   

"Napagwapo talaga ng asawa ko" usal ko at niyakap ito. Tumayo na sya muli at naghain na nang pagkain, nagbihis nadin ako at tumayo.
                                                    

"Woa. Ang sarap!" usal ko nang matikman na ang niluto nito.

"Ther may mas masarap pa dyan"

"Hmmm ano?"

"Ako HAHA" hinampas ko na lamang sya at natawa. Baluga talaga tong lalaki na ito haha.
                                                     

"Anong ginagawa mo?" aninya nang matapos na kami kumain ay pumunta ako sa kama at nagcellphone.

"Just creating a fb acc"

"Ha? Bakit naman?"

"Makikibalita, kasi ethan pag inopen ko acc ko baka malocate nila tayo. So gagawa nalang ako ng fake acc with fake name" paliwanag ko dito.

Tumango nalang ito at niyakap ako patalikod, nakapatong ang kanyang baba sa balikat ko at pinapanood ang mga ginagawa ko.

"Omaygash" usal ko nang makitang kalat na ang mukha ko at mukha ni ethan.

Nakalagay dito na kinidnap ako ni
at bibigyan ng pabuya ang makakahanap sakin.

"Ethan.... "

Ngumiti naman ito at tinignan ako sa mga mata.

"Don't worry, malayo tayo sa kanila. Tsaka wag na ethan itawag mo saakin"

"Eh ano ba dapat?"

"Hubby nalang"

"Ang witty mo HAHAHA"

Umalis naman ito sa pagkakayakap saakin at umarteng nagtatampo.

"Joke lang, hubby"

"I love you,  wifey"

"Yiee naks wifey HAHAHA i love you more"

Magkayakap ulit kamimg dalawa habang nagtatawanan. Hindi ko alam pero parang ayoko nang matapos ang araw na iyon.


"Btw wifey, pupunta pala dito si nika."

Nabigla naman ako at tila kinabahan sa kanyang sinabi.

"Ha? Bakit naman?"

"Mangangamusta daw, tsaka pinabili ko na din sya ng mga foods natin para di na tayo lalabas"

Umagree ako pero iba parin ang kaba na nararamdaman ko. Ewan ko kung bakit ganun, tila may mangyayari nanamn. Ah basta!

                                                      










"Ethan?" nabigla ako nang may magsalita sa labas. Si nika na ata yun, tatawagin ko sana si ethan kaso naliligo ito kaya naman ako nalang ang lumabas.


"Nik-" babatiin ko sana sya nang bigla syang sumingit.

"Si ethan?"

"Naliligo hehe" usal ko na lamang.


"Ahh ganun, pasok nako. Ito pala yung mga pagkain" usal nya at pinabuhat saakin ang sobrang bigat na mga pagkain. Piste, may galit ba ito saakin?



"Nika!" usal ni ethan nang pagkapasok namin ay tapos na ito maligo. Niyakap nila ang isat isa na akala mo ilang taong hindi nagkita, tss.

"Ethan, can I stay here"


"Yes!"

"No!"


Napatingin sila saakin nang mag no ako. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako kay nika.


"Aww ther, just for tonight lang, gusto ko lang makasama si etha- este kayong dalawa" usal ni nika. Ngumiti nalang ako ng peke at napatango. May choice pa ba ako?

                                                         

7pm na at sila padin ang magkakwentuhan. Kanina pa yan medyo nasusura nako.

Ewan ko kung bakit ako nagseselos, sanay naman ako dati dahil matagal na silang magkaybigan. Pero iba ngayon tila kasi inaakit ni nika si ethan pota.


"Ethan, ang sakit ng likod ko ah" usal ni nika at yumuko. Nataranta naman si ethan at agad na hinilot ito.

"Ako na" usal ko.

"Ahh wala na pala"  biglang sabi ni nika.

Oh diba? Tila panglandi lang nga yun tsk. Napairap nalang ako sa kawalan dahil sa inarte nya.

"Kain na tayo" usal ni ethan.


"No, busog pako"

"Ha? Unti lang kinain mo kanina"

"Tss basta"

Humiga nalang ako sa higaan at pinilit na matulog. Nakatulog naman ako pero nagising ako sa tila ingay sa may labas.

Nakita kong katabi ko na si ethan sa higaan pero hindi ko makita si nika. Nang sumilip ako sa labas ay ganun na lang ang aking laking gulat nang makita kong kausap ni nika si christian at mga magulang ko.


Agad akong nagtungo kay ethan na mahimbing na natutulog. Ginising ko ito ng dahan dahan at bulong para hindi kami madinig sa labas.


"Hubby, hubby tulong" inalog alog ko pa ito ngunit ayaw magising.


Kinuha ko ang phone ko at tatawag sana ng tulong kila val. Kaso lang natakot din ako na baka kakampi sila kaya naman binack ko kaagad. Kaso lang nagloloko ang cellphone ako at napunta ito sa video, pinilit kong maback kaso ayaw talaga kaya nilagay ko nalang ito sa gilid.


"Hubby... Ethan, tulong ayoko nang mawala sayo. Hubby"

Bigla nang bumukas ang pinto at niluwa nito si nika at si papa.

"Theramie!" sigaw ni papa at hinila ako.


"No papa, bitawan nyo ako! Nika paano mo to nagawa saamin. Hubby! Hubby!"

"Walang kwenta yang pagtawag mo, pinainom ko nang pangpatulog si ethan kaya di kaagad yan magigising" usal ni nika. Naluha naman ako sa mga sinabi ito at tinitigan ito ng masama.


"Bak-it nika, ano bang nagawa ko"

"Inagaw mo saakin si ethan! "

Nabigla ako sa sinabi nito. Mahal nya si ethan? Kaya pala.

"Christian.... No please, tulungan moko"

Pagmamakaawa ko pero walang nakinig saakin. Hinila lang nila ako sa kotse at wala akong nagawa kung hindi ang umiyak.


***********
Si nika may gusto pala sya kay ethan? Hmmmm!!

PLEASE, FALL INLOVE WITH ME (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon