Wordless 3

1 1 0
                                    

Kabanata 3

Sumalubong sa akin ang malamig na hangin, ngunit mainit ang panahon. Lumabas ako sa kubo na cottage namin dito sa isang resort sa Batangas.

Lumapit ako kina Papa at Kuya na nag-iihaw ng isda. Kasama namin si Papa ngayon. Si Papa ay isang civil engineer sa Manila, isang magaling na engineer. May condo unit si Papa, pero mas pinili ni Mama na kila Tita kami tumuloy.

"Bakit hindi ka sumama sa pinsan mo?" tanong ni Papa sa 'kin.

"Ayaw ko pa pong mag-swimming e."

Tumingin ako sa harapan at pinagmasdan ang dagat. Maraming tao ang naririto ngayon. Mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko sina Ate Dani, Kuya Dom at ang barkada niya.

Kasama ang barkada ni Kuya Dom, dahil ni-request niya kay Tita. Pumayag naman si Tita, dahil kilalang-kilala na naman niya ang mga 'yon at payag din ang magulang.

Lumilipad ang buhok ko, dahil sa hangin. Hindi ako nakasuot ng swimsuit, two piece o one piece, dahil hindi ako komportable. Nakasuot lang ako na short na fitted at slong-sleeve na fitted na pang-swimming din naman.

Napansin kong napatingin sa akin si Axel na kaahon lamang. Umiba ako ng direksyon ng tingin. Naglakad na ako pabalik sa cottage namin. Hindi ako gano'n komportable sa kaniya o sa barkada niya. Ilang beses ko pang nahuhuling tumingin sa akin.

Napapatingin ako sa kan'ya nang hindi ko namamalayan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit.

"Daizelle," tawag sa akin ni Ate Dani na kararating lang na naka-bra na pang-swimming at short. "Tara, doon tayo."

Umiling ako, "Ayaw ko, Ate Dani. Mamaya na lamang po."

"Mamaya na nga uli, Dani." sambit ni Tita. "Tawagin mo na sila nang makakain na."

"Opo." Tumingin siya sa akin, "Samahan mo ako." Hinila na ako palabas ng cottage.

"Gusto kong mag-bonfire tayo mamayang gabi," saad niya habang naglalakad kami.

"Sabihin mo kina Tita."

Bukas pang hapon ang uwi namin sa kanila. Sa hotel kami matutulog mamaya, dahil resort and hotel naman ito.

Nang makalapit na kami sa kanila, nakatingin sa akin si Axel.

"Later na raw muli, kain daw muna." saad niya.

Tumayo naman ang iba sa kanila at naglakad na. Umiiwas ako ng tingin kay Axel, dahil nakakailang. Mabuti na lamang talaga, dahil nariyan si Ate Dani na siyang nakakausap ko.

Napalingon ako kay Axel nang saglit. Mabuti na lamang kausap niya si Kuya  Dom, kaya hindi niya ako nahuli. Napalunok na lamang ako. Basang-basa siya at halatang-halata ito, dahil naka-boxer short lamang siya. Mayroon din siyang abs kahit paano, dahil na rin siguro sa sporty siya.

Naupo ako sa dalampasigan habang sila ay mga naglalangoy na. Ang sariwang hangin ay dumadampi sa akin balat na ang ganda sa pakiramdam. Nakayakap ako sa tuhod ko habang nililibot ang aking mga mata.

Hindi na rin ganoon kainit, dahil nasa alas tres na rin naman. Kusang tumutuyo na ang basa sa akin. Nasa kalahating minuto na rin nang umahon ako at nakaupo rito. Nasa mababang bahagi lamang ako at tamang basa-basa lang.

Inangat ko ang tingin ko at sumakto kay Axel na naglalakad. Napalunok ako sa hindi malaman na dahilan. Tumungo ako at kumuha ng white sands. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin, kaya parang gusto ko na lamang bumalik sa cottage.

"Bakit nandito ka pa rin?"

Hindi ko naman siya sinagot at patuloy na nilalaro ang buhangin, para ikalma na rin ang sarili.

WordlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon