Wordless 4

1 1 0
                                    

Kabanata 4

Tumitingin ako ng mga picture namin noong kami ay namasyal. Sa mga nakalipas na araw ay madalas kaming mamasyal, dahil malapit na kaming umuwi. Malapit na rin ang enrollment sa school at marami rin na gawain si Mama, dahil isang teacher.

"Bakit kasi nariyan sila? Kainis," sambit ko at pinatay ang cellphone ko. "Hindi tuloy ako makababa."

Madalang na rin kung pumunta sina Axel dito, kaya ayos na ayos sa akin. Sa tuwing narito sila ay hindi ako bumababa, katulad na lamang ngayon.

Nasa taas ako at nakaupo sa sofa, malapit sa hagdanan.

"Daizelle!" tawag ni Ate Dani na nagpalingon sa akin sa hagdanan. Kaaakyat niya lamang. Naka-black t-shirt siya at short.

"Bakit?"

"Punta ka sa baba — jamming tayo," saad niya habang naglalakad papunta sa kwarto.

"Ah, eh, ayaw ko." Binalik ko ang tingin sa cellphone ko at binuhay ito.

"Please," pamimilit niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at nagbasa na lamang ako sa wattpad.

"Please, Elle."

Lumingon ako sa kan'ya na ngayon ay may dala-dala na siyang gitara. Nag-pout siya at natawa na lamang ako.

"Dali na, Elle." Siguro, you really have a crush kay Axel, right? And you feel shy when he's there."

Nasa kabilang sofa na siya ngayon.

"Luh, wala naman— sige na nga."

Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti, "Great!" Tumayo na siya at kinuha ang kulay itim na gitarang nasa tabi ng sofa.

Tumayo na ako at nilagay ang cellphone ko sa bulsa ng short na suot ko. Naunang maglakad siya sa akin at kasunod niya ako.

"Oh, ayan na ang gitara," sabi ni Bryce ata 'yon.

Nadito pala sila sa side na ito — kung nasaan ang hagdanan. Napansin ko si Axel na nakatingin sa amin, ngunit umiwas ng tingin. Naka-pambasketball short siya at white sando.

"Chriscian, mabuti napilit mo si Elle," puna ni Kuya Dom.

"I said, don't call me on my first name. Because I don't like," inis na sambit ni Ate Dani— Chriscian Daniella.

Natawa naman ako, dahil sa sinabi niya, pati sila. Narito rin pala si Kuya Ked.

Lumingon sa akin si Ate saglit, "Of course, mapipilit ko talaga siya."

Binigay na niya ang gitara kay Kuya Dom.

Naupo na si Ate Dani, "Dito ka, Elle." Turo niya sa katabi niya na katabi rin ni Axel.

Kahit hindi ako komportable ay naupo na lamang ako, dahil baka asarin na naman ako.

"Akala ko tatanggi ka," bulong sa akin nang makaupo na ako.

Dito sa tuxedo sofa style na kinauupuan ko, nasa pinakang tabi si Axel, katabi ako, kasunod si Ate Dani, katabi niya ay si Johann at sa pinakang tabi ay si Bryce. Si Kuya Ked naman ay nasa single sofa katapat sina Kuya Dom at Carl. Mayroon din na refectory table sa gitna.

"Axel, ikaw ang manguna sa pagkanta. Ikaw naman ang magaling," saad ni Kuya Dom.

Nagtawanan naman halos lahat.

"Oo na," tugon ni Axel.

"Anong kanta ba?" tanong ni Johann.

"Beautiful in White," suhestiyon ko.

WordlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon