Wordless 24

1 1 0
                                    

Kabanata 24

Tulala akong nakatingin sa labas na dinaraanan ng aming sasakyan papunta sa condo ni Papa. Tirik na tirik na ang araw at maalingasaw ang amoy ng kapaligiran.

Pagkatapos namin na kumain, naggayak na kaagad kami. Nakatulog ako kahapon at ginising ni Kuya nang kakain na. Mabuti na lamang, dahil hindi naging maga ang mata ko.

Nakausap ko sina Ate Dani at Kuya Dom pagkatapos namin kumain, pero hindi sila nagbanggit ng tungkol kay Axel. Madali lang ang naging pag-uusap namin, dahil sinabi ko sa kanila na inaantok na ako.

Nakatulog ako na mabigat ang nararamdaman kagabi.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung aamin pa ba ako, dahil sa nakita ko. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Hindi ko alam...

Madali lamang kami sa condo ni Papa, dahil umalis din kami para mamasyal. Pumunta kami sa SM, doon kami kumain ng tanghalian, sa isang restaurant doon. Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa bilihan ng cellphone para sa akin. Pagkatapos namin na bumili ay umalis na kami sa SM.

Pumunta kami sa Museum. Kahit paano ay nawala sa isipan ko siya —ilang minuto sa isang oras. Hindi na rin ako nag-online,  kahit may cellphone na ako. Ginamit ko na lamang iyon para kumuha ng picture.

Hindi kami umuwi kila Tita, dahil sa condo muna kami ni Papa.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Ate Dani na naglalakad.

"Ate," tawag ko sa kan'ya at lumapit rito.

"Why?" Tumingin siya sa akin.

"Pupunta ba sila rito?"

Napaiwas siya sa akin ng tingin, "I don't know." Tumingin siya sa akin, "Bakit?"

Ramdam ko ang pagkabalisa niya, dahil sa tanong ko.

"Wala, Ate." Ngumiti ako, kahit nasasaktan.

"Okay. I'll go down the stairs." Nagpatuloy na siya sa paglakad.

Napabagsak naman ang aking balikat at naglakad pabalik sa kwarto. Kanina lamang kaming umuwi rito, dahil kahapon ay pumunta kami sa Tagaytay at ginabi na kami ng uwi.

Hindi pa rin ako nag-o-online ngayon. Hindi ko kaya. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, dahil hindi ko alam kung ano ang totoo. Walang nakakaalam na nasasaktan ako, dahil sa pag-ibig na 'yan.

Hindi na ako bumaba, dahil ramdam ko na nariyan sila. Natatakot din ako sa maaari kong makita na mas lalong ikakasakit ng nararamdaman ko.

Naramdaman ko ang luhang bumabalong sa aking pisngi. Umiiyak na naman ako. Kinuha ko ang aking cellphone at pumunta sa notes.

Naninikip ang dibdib

Luha'y patuloy na pumapatak

Puso'y may karayom na nakasaksak

Isip ay naguguluhan

Pero walang nakakaalam

Tanging sarili ang may alam

Piniling ilihim

Dahil salita'y nauubusan

Sa tuwing sinusubukan

Pinatay ko na ang cellphone ko, dahil nanlalabo na ang aking paningin. Nahihirapan na akong huminga. Nanghihinang binitiwan ko ito. Niyakap ang unan na naging sandalan.

Pinikit ko ang aking mga mata at nilasap ang sakit na nararamdaman.

Naglakad ako papunta sa baba, kahit alam kong nariyan sila. Ilang araw din akong hindi nagpakita o bumaba, sa tuwing nariyan sila, kahit sinasabihan ako ni Ate Dani na pumunta sa baba. Sa mga nakalipas na ilang araw ay namamasyal din kami, kaya kahit paano ay nawawala siya sa isipan ko.

WordlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon