Wordless 6

1 1 0
                                    

Kabanata 6

Pinikit ko muli ang aking mga mata nang saglit, bago maupo sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at binuhay ang wi-fi nang makapag-online na ako sa messenger. Binaba ko ang cellphone ko habang iniintay ang tawag. Umalis ako sa kama at pumunta sa study table na malapit sa bintana.

Narinig kong umingay na ang cellphone ko, siguro ay natawag na siya. Kinuha ko na ang earphone ko at naupo sa kama nang angel sit. Nisaksak ko na earphone ko at nilagay ko sa tainga ko. Nilagay ko ang isang unan sa ibaba ng hita ko.

Sinagot ko na ang tawag nang hindi na ako kulitin. Kaagad kong binaba ang cellphone ko, dahil sa pagkabigla nang sagutin ko na. Si Axel ang bumungad sa akin.

Huminga nang malalim ako, bago muling kinuha ang cellphone ko. Baka kung ano pa ang isipin niya.

"Hi, Elle! Kumusta?" masiglang bati niya sa akin. "Bakit mo binaba?"

"Hmm... Okay lang naman. Si Ate Dani?"

"May kinukuha lamang sa kusina."

Tumango-tango na lamang ako, dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Balik kayo rito sa next summer vacation?"

"Ewan."

Mahabang katahimikan ang nangyari matapos akong tumugon. Napatingin ako sa kan'ya sa cellphone nang marinig ko ang boses niyang nakakahalinang pakinggan.

Kumakanta siya, pero hindi ko alam kung ano ang title. Ang ganda ng lyrics ng kanta. How I wish I am also good in singing.

Med'yo umipod pa ako palikuran at sumandal sa likuran ko. Napapikit na lamang ako habang pinapakinggan ang boses niya.

"Ang ganda..." sabi ko out of nowhere.

"Ano?"

Napamulat agad ako at umalis sa pagkakasandal, "Wala."

"Ah, okay. Narito na pala si Dani,"

Nawala na siya at bumungad sa akin na may nakakalokong ngiti si Ate Dani.

"Ano? Bakit ka tumawag?" natatawang tanong ko.

"Obviously, you already knew."

"Hindi ko alam," ani ko. "Naistorbo ako sa pagtulog, Ate Dani."

Tumawa siya, "Sorry, Elle. But alam mo na 'yon." They are here nga pala."

Tumango na lamang ako. Naririnig ko ang ilang ingay mula sa kabilang linya, mukhang nagkakantahan ata sila.

"They want to greet you, Elle," sambit niya at hinarap ang camera sa mga barkada ni Kuya Dom.

Binati nila ako at binati ko rin naman sila. Medyo nakikita ko si Axel, dahil katabi siya ni Ate Dani. Napapakinggan ko rin ang boses niyang kumakanta at hindi nakakasawang pakinggan.

Nag-usap pa kami ni Ate Dani, pero madalas ay siya ang panay imik nang imik. Tumagal din sa halos kalahating oras, bago niya binaba ang tawag.

Nakaupo ako sa kama na ang mga paa ko ay nakaapak sa sahig na naka-tiles. Naka-pajama at sando lamang ako. Kaaalis-alis lamang ng mga kaibigan ko sa amin at katatapos ko lang hugasan ang mga pinggan.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa tabi ko at nagbukas ng account sa facebook. Bumungad sa news feed ko ang mga nag-post sa timeline ko nang greeting message.

Umingay na rin ang messenger ko, pero hindi ko na muna pinansin. Nag-thank you ako sa mga bumati sa akin sa timeline at nag-tag sa akin.

One year has been added to my age today. Another blessing from God.

WordlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon