Wordless 22

1 1 0
                                    

Kabanata 22

Nakatingin ako sa kalangitan na nagdadapit-hapon na. Makikita ang tila kahel sa parteng dulo na hudyat ng paglubog ng araw. Katatapos lamang din umulan, pero may lamig pa rin na mararamdaman.

Narito na kami sa bahay namin —nakauwi na kami. Umalis kami kina Tita matapos mag-umagahan.

Iniisip ko na sana ay sa iisa lamang ang aming tinitingnan niya —sa kalangitan. May nguti ang lumabas sa aking labi. Nakapatong ang braso ko ay sa railings at sa isang kamay ko ay naroon ang cellphone ko.

'Wala naman sigurong masama kung makikisabay na lamang ako sa kan'ya. Hindi ko na pipigilan ang sarili ko kay Axel.' Napatango-tango na lamang ako, dahil sa naiisip ko kanina pa.

"Tama. Okay lang 'yon."

Titingnan ko na lamang kung hanggang saan at kailan siya aabot. Pero hindi ko sasabihin ay aaminin ang nararamdaman ko para sa kan'ya.

Masaya ako kapag kausap siya —aminado ako. Kahit gustuhin ko man sabihin sa kan'ya na gusto ko rin siya, pero hindi ko kaya —nawawalan ako ng salita. I become wordless.

Mas pinili ko rin na hindi sabihin sa iba ang nararamdaman. Dahil pwera sa hindi ko kaya, may pumipigil din sa akin.

Naglakad na ako paalis sa terrace. Binuksan ko ang wi-fi at ang messenger ko. Napangiti na lamang ako nang makitang may chat siya sa akin.

Axel: Hi!

Axel: Anong ginagawa mo?

Nag-reply kaagad ako sa chat niya. Binuksan ko ang pinto at naupo sa tabi ng bintana.

Axel: Video call?

Daizelle: Sige.

Pagkatapos kong i-send iyon, tumawag na kaagad siya sa akin. Sinagot ko naman.

"Akala ko aayaw ka na naman," natatawang bungad niya sa akin.

"Sorry sa nakalipas na araw."

"Okay lang. I understand."

"Kailan ang uwi niyo sa inyo?"

"Bukas pa. Sayang hindi man lang kita nakita bago kayo umuwi sa inyo."

"Okay lang. May bakasyon pa naman."

Lumipas ang isang buwan na pinaramdam niya sa akin na lagi siyang nariyan at importante ako sa kan'ya. Pinaramdama niya na nanliligaw siya sa akin, kahit sa online lang, dahil malayo kami sa isa't-isa.

Dahil sa kan'ya, nakaramdam ako ng kilig at saya. Palagi niya akong pinapasaya. Siya ang nangunguna sa mga usapin namin at mabilis mag-reply. Kung minsan ay nahuhuli ako ng reply, dahil sa hindi alam ang sasabihin. Pero okay lang sa kan'ya.

Kaagad kong sinagot ang tawag niya sa akin.

"Hello," bati ko sa kan'ya.

"Hi, beautiful girl! Anong ginagawa mo ngayon?"

"Wala. Kumusta na pala ang Mama mo?"

"Okay. Ngumingiti at tumatawa na rin. Nasabi ko na sa 'yo a," natatawang sambit niya. "Sayang wala siya ngayon."

"Nasa inyo ka?"

"Oo, sa kwarto ko."

"May itatanong pala ako sa 'yo."

"Ano 'yon?"

"Huwag na pala." Kahit gusto kong tanungin kung alam nila Kuya Dom at Ate Dani ang tungkol rito.

"Ano nga 'yon? Kung gusto kita. Opo."

Natawa na lamang ako sa sinabi niya, pero kinikilig ako. Nag-usap pa kami at kinantahan niya rin ako.

WordlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon