Wordless 20

1 1 0
                                    

Kabanata 20

Sinigurado kong mabuti na nakasara ang pinto rito sa kwarto. Katatapos lang namin kumain at sila ay nasa baba pa. Umakyat na kaagad ako, dahil hindi ko pa natitingnan ang laman ng paper bag.

Hindi naman nila napansin nang dumating ako rito kanina, dahil dumiretso akyat na ako. Tinago ko rin iyon nang dumating ako.

Naglakad ako papunta sa bag ko kung saan ko nilagay ang paper bag na sakto lang ang size. Kinuha ko iyon at naupo ako sa kama.

Inalis kong mabuti ang bala ng stapler. Ang ngiti sa labi ko ay naroon hanggang mata habang ako ay nagagalak kung ano ang laman niyon. Pakiramdam ko rin ay may kumikiliti sa puso ko.

Mas lalo akong napangiti nang makita ko na ang laman. Kinuha ko ang pink notebook —hindi iyong ordinaryong notebook— na may garter para masarhan maiigi iyon at makapal rin. May nakalagay o nakasulat sa unahan na 'Keep Writing.'

Inalis ko iyon sa plastic at binuksan. Kinuha ko ang papel na nakasangat sa parteng unahan —may nakasulat. Hindi pa rin mawala sa labi ko ang ngiti.

Wala talaga akong regalo para sa 'yo, pero dumaan kami sa SM, kaya naisipan kong bumili. Nahirapan ako kung ano ang bibilhin ko. Naalala ko na mahilig kang magsulat, kaya 'yan ang binili ko. Sana magustuhan mo.

— Axel Yuan :)

Tiningnan ko pa ang paper bag —mayroon pang tatlong black ballpen.

'Ang ganda...'

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa. Binuksan ko iyon at kaagad binuksan ang wi-fi at ang messenger. Online din siya at may chat akong natanggap galing sa kan'ya. Binuksan ko iyon.

6:00 PM

Axel: Thank you

6:55 PM

Axel: Good evening

Nag-reply kaagad ako sa kan'ya.

7:39 PM

Daizelle: Thank you sa gift, Axel. I appreciate and love it. Good evening

7:39 PM

Axel: Talaga? Welcome.

Tinitingnan ko ang labas habang nakatayo at ang braso ko ay nakapatong sa railings — narito ako sa terrace. Hindi mainit, sapagkat hapon na rin. Malilom at malamig. May hangin na dumadampi sa akin na may kasamang lamig.

Naramdaman kong may pumunta muli rito, kaya napalingon ako —nakita ko si Ate Dani.

Nagtungo siya papunta sa tabi ko. Tumingin muli ako sa labas.

"Kumusta kayo ni Axel?"

Napatingin naman ako sa kan'ya na nagtataka.

Natawa siya, "Axel is the reason why you go to the park, right? Also, he is the one who's give the paper bag?"

'Paano niya nalaman?'

"Aluh. Hindi naman po —magkaibigan lang kami."

Kinurot niya ako ako sa tagiliran, "Go on, Elle. Just deny it. Am I not your pretty cousin?"

Natawa na lamang ako, "Hindi nga, Ate. Saka hangga't maaari ay ayaw ko."

"Whatever, Elle. But yeah..."

"Anong ginagawa mo rito?"

"Bawal ba?" natatatawang sambit niya.

"Hindi naman."

WordlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon