Wordless 14

1 1 0
                                    

Kabanata 14

'...I like you.'

Nabuntonghininga ako nang muling sumagi sa isipan ko ang kan'yang sinabi sa akin. Ang pag-amin niya sa akin ay paulit-ulit pinapalabas sa isipan ko.

'Tigil na sa pag-iisip.'

Muli akong dumungaw sa labas—sa dinaraanan namin. Nasa byahe na kami ngayon pauwi sa amin. Hindi pa masyadong maraming sasakyan ang nabyahe. Ang araw ay kasisikat lamang din.

Hindi ako dinadalaw ng antok magmula nang umalis kami kila Tita. Wala rin akong ganang magbasa.

"Oh, tulala ka," sambit ni Kuya.

Tumingin ako sa kan'ya na nagmamaneho, pero saglit lang, dahil agad ko ng binalik ang tingin ko sa labas.

"Sino ba ang iniisip mo? Si Axel nga ba 'yon?— 'yong kaibigan ni Dom."

"Hindi, ah," walang gana kong tugon.

"May gusto ba sa 'yo ang lalaking 'yon?"

"Wala, Kuya." Nakatingin pa rin ako sa labas.

"Mabuti... Mag-ingat ka roon."

"Luh," natatawang sambit ko. "Para kang ewan, Kuya." Tumingin ako sa kan'ya.

Tumingin siya sa akin, "Baka saktan ka niya." Binalik niya ang tingin sa unahan, "Panget mo kayang umiyak."

"Wala naman akong gusto roon, Kuya."

"Oo na lang... Mabuti pa, matulog ka na muna."

"Mabuti pa nga." Pinikit ko na ang mga mata ko.

Pagkarating namin sa bahay, dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko. Nahiga kaagad ako, dahil inaantok pa ako.

"Elle, gising na..."

"Daizelle, gumising ka na..." Tinapik-tapik ang hita ko.

"Hmm..." Hindi ko pa minumulat ang mga mata ko, dahil antok pa ako.

"Bumangon ka na riyan." Tumayo na si Mama, "Paalis na ako... Ang kuya mo ay nakaalis na. Si Aleissa ay natutulog; bantayan mo. May luto na pati."

"Opo uhmm..."

"Alis na ako ha. Bumangon ka na riyan... Saraduhan mo ang pinto at gate."

Naramdaman ko ang yapak ni Mama paalis ng kwarto ko. Minulat ko na ang aking mga mata at tumingin sa kisame.

"...I like you."

Bumangon na ako at napailing, dahil sa sumagi sa isipan ko. Muli ko na naman narinig ang kan'yang boses.

'Bakit ba hindi mawala sa isipan ko 'yon?'

Naglakad na ako palabas ng kwarto ko. Pumunta ako sa baba at ni-lock ang pinto.

Pumunta ako sa kusina, dahil naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko. Pagkatapos kong kumain at madayagan ang pinagkainan ko ay umakyat na ako sa taas, para puntahan si Aleissa; tulog pa naman.

Nagpalipas lang ako ng ilang minuto, bago pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo, pumunta na ako sa kwarto ko at nagbihis.

Kinuha ko ang cellphone at earphone kong nasa bag ko. Umalis ako sa kwarto at pumunta kay Aleissa— sa kwarto nila Mama at Papa. Hindi pa rin siya gising ngayon.

Naupo ako sa tabi ng kama. Binuksan ko ang cellphone ko, kasunod ang Wi-Fi at ang facebook. Tiningnan ko ang oras; mag-a-ala una na pala.

Daniellla Abuel added 20 new photos — with Daizelle Sammantha Sivelleris and 5 others.

WordlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon