Unang Kabanata

26 0 0
                                    

Rielle's

Napaka ingay naman sa silid na'to. Bakit pa kasi nilipat pa ako ng section? Okay naman na ako sa dati kong mga kaklase. Hays. Tumingin tingin ako sa paligid habang hinihintay ang magiging adviser namin. Familiar lang yung mga mukha nila saken pero di ko sila kilala by their names. Schoolmate ko rin naman kasi sila dati kaya ganun.

Nagtataka nga ako, bakit yung room ng section 12-A ay nasa 4th floor ng building ng shs. Parang ang layo lang kasi sa ibang sections. At tanging 12-A lang ang nagroroom sa floor nato.

Tatlo ang rooms sa floor nato. Stock room, kung saan nakalagay ang ibat ibang books or equipments na ginagamit ng shs students sa school nato. Then isang empty room na hindi ginagamit. Madaming nagsasabi na nakakarinig sila ng iyak ng babaeng multo mula sa loob ng silid na ito. Marami na nga daw nakakaranas ng iba't ibang katatakutan sa tuwing dumadaan sila dito kapag sasapit na ang 6:30 ng gabi. Kaya din siguro naka kandado ang kwartong ito para hindi na pagtangkaang pasukin ng mga loko lokong estudyante. And last is etong room namin, which is nasa dulo talaga ng floor.

Maya maya lang din ay may pumasok na isang lalake, moreno at matangkad, nasa hula ko ay nasa 25+ pa lang ang edad neto. Mapapansin din ang mahinang tilian ng ibang mga babae dito, di ko sila masisisi dahil may itsura naman talaga ang lalakeng ito.

"Hi class, I am Robert Cantos. Pwede niyo kong tawaging Sir Cantos. I will be your adviser and your Science teacher."

Nagtilian na naman ang mga babae. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapong teacher lol.

"Sabi sa inyo e, si Sir Cantos ang magiging adviser natin tsk"

"Pwede? pare parehas na lang tayong mag move on? Tapos na yon!"

Narinig ko naman ang mahinang bulungan ng grupo ng mga kababaihan at kalalakihan sa likuran ko, which is nasa 5th row sila.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagfocus sa pakikinig sa mga sinasabi ni sir.

Nagkaroon lang kami ng kaunting introduction sa isa't isa kaya medyo kilala ko na ang mga names nung iba.

--

Lumipas ang ilang oras at nagdismissal na, break na namin ngayon. Nakatatlong subj din bago mag break at wala pa naman masyadong ginawa dahil orientation pa lang naman about sa mga magiging subject namin.

Papalabas na sana ako ng room ng may humawak sa balikat ko, sandali akong nagulat sa paghawak niyang yon. Bigla bigla ba naman kasi jusq.

Nang lumingon ako, nakita ko si-- teka sino nga ba ulit to? Rolen? Zolen?

"Uh, Hi? Rielle right? Im Rozen and these are my friends, Patrick, Cullen, Samantha and Kira" saka niya tinuro ang mga kaibigan niya na siya namang nag wave sakin. Sila yung mga nagbubulungan kanina na nasa 5th row.

"Ahm hello, yep Im Rielle hehe"

"Pupunta ka ng cafeteria right? Sama ka na samin" sabi ni Kira sabay ngiti sakin, siya yung tipo ng babae na mahinhin kung kumilos pero may pagkabaliw din na tinatago.

"Yep, you can join us rielle" saad ni Cullen, yung parang tahimik sa grupo pero makulit din at the same time.

"So lets gooo?" at saka kumapit sa braso ko si Sam, ang maingay at madaldal ata sa grupo.

Tumango naman ako, ano pa bang magagawa eh mukhang gusto nila akong isama sa kanila. All of a sudden, bakit ako ang nilapitan ng grupong to? Ah nevermind. Baka gusto lang nila akong maging kaibigan.

Nang makalabas na kami ng room, may narinig akong nag 'pst'. Napahinto naman ako't napalingon sa empty room na nadaanan namin. Parang dun kasi nanggaling yung tunog na yon. Idk.

Hindi ko na lang pinansin at sumunod na lamang sa kanila na nauuna na pala.

Nang makababa kami nakasalubong namin si sir cantos. Ngumiti lang siya samin or sakin perhaps? Pero mukhang naging balisa yung mga kasama ko kaya hinatak na nila ako paalis. Ah? What's with them?

Nagtungo na kami sa cafeteria at naupo sa bakanteng pwesto na nasa bandang gitna. Tahimik lamang akong akong nagmamasid sa kanila. Hindi naman sa mahiyain ako ah pero this is my first time kasi na makasama ko sila and hindi ko pa alam ang ugali nila kaya nangangapa pa ako lol.

Umorder na sila and trineat nila ako I mean kami kasi si Rozen ang nagbayad sa mga inorder ng tropa niya at ng akin. Wow mayaman pala ang isang to. Eto yung masarap kaibiganin, may libre lagi. Jk.

"Kapag nakikita ko si Sir Cantos, naaalala ko yung nangyari 2 years ago" ngumunguyang sabi ni Sam.

2 years ago? What happened two years ago? Ang natatandaan ko lang kasi ay may nag suicide daw na estudyante noon dito sa school pero di ko alam kung saang bahagi ng school nangyari yon. Ewan, wala naman akong alam sa nangyari noon. Di naman kasi ako chismosa, katulad ng ilang mga estudyante dito.

"Kalimutan niyo na yon, sumunod lang tayo, pero di tayo ang may kasalanan don" saad ni Cullen saka kinain ang fries na hawak niya.

"Wag na nating pagusapan yon okay? Past is past" nababalisang sabi ni Kira.

Kung magusap sila parang wala lang ako dito ah lol. Kung ishare nila sakin yung nangyari noon para happy. Char

"Btw Rielle, umorder ka pa ng madami. Minsan lang manlibre yang si pareng Rozen. Sulitin na!" Sabi ni Patrick saka tumawa.

"Ulol Pat! Last na yang libre ko sayo!" ganti ni Rozen kay Pat.

Natawa na lang ako. Baliw din pala talaga tong si Pat nako.

Maya maya may lumapit na babae, kaklase din namin. Si Lyka.

"Si Rielle ka diba?" turo niya sakin. Tumango naman ako.

"Pinapatawag ka pala ni Sir Cantos, punta ka na lang daw sa faculty" saka to agad agad na umalis.

Grabe naman, magtatanong pa lang ako e. Bastos hmpk. Ano naman kaya kailangan sakin ni sir cantos?

Tumingin ako sa mga kasama ko at kita sa mga mata nila ang pagtataka.

Ano meron?

**

VindictaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon