Ika-walong Kabanata

12 0 0
                                    

Rielle's

Tahimik akong naglalakad sa hallway ng school ng magisa at hindi kasama sila Rozen dahil na rin sa nangyari kahapon.

Ewan, nagiiwasan ata kami. Pumasok na akong Faculty dahil pinapunta na naman ako ni Sir Cantos doon at may sasabihin daw siya sakin.

Sana lang ay mahalaga talaga ang sasabihin niya sakin para hindi masayang ang oras ko.

Kahapon, noong nakita ko siya sa empty room at minumura si Ara ay para siyang nawawala sa sarili. Nung una galit na galit siya hanggang sa unti unti na siyang kumalma. Agad din siyang lumabas ng empty room pagkatapos non kaya't nagtago ako sa isang gilid. Hindi niya naman ako napansin sapagkat nagmamadali siyang umalis. Ano kaya ang ginagawa doon ni Sir? At bakit niya minumura si Ara? Nadagdagan na naman ang mga tanong ko.

"You're here. Maupo ka" agad naman akong umupo sa upuan na kaharap ng table niya.

"Ano ho ba ang sasabihin niyo? Uutusan at pipilitin niyo na naman ba ako na bantayan at tignan lagi sila Rozen? Pwes sir, sinasabi ko sa inyo. Ayoko nga po." Magalang pero may bahid ng inis na sabi ko.

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa?

"Ibang iba ka talaga sa kaniya Rielle" nakangising sabi neto.

Kaniya? Sino ang tinutukoy ni Sir? Nakita niyang ngumunot ang noo ko kaya alam niyang nagtataka ako. Bago ako makapag tanong ay nagsalita na ulit siya.

"Wala, wag mo na isipin. By the way, hindi naman iyon ang dahilan kung bakit pinatawag kita" sumeryoso ang kaniyang mukha pero maya maya din ay ngumiti.

"I think I like you Rielle" agad agad nanlaki ang mata ko.

What the fuck is he saying? Pumapatol ba siya sa estudyante niya? Iniisip ko pa lang ay nandidiri na ako. Ano ba ang trip ni Sir? Naka high ba siya? Oa kung oa pero parang masyadong mababaw at mabilis. Kaya rin siguro ganun niya ako tignan noon? Lalong ngumunot ang noo ko.

"Ano hong pinagsasabi niyo?" napatayo na ako at diretsong nakatingin lang sa kaniya.

Tumayo rin siya mula sa pagkakaupo at dahan dahang naglakad papunta sa harapan ko. Napaatras naman ako pero patuloy pa din siya sa paglapit. Nang ma corner niya ako sa pader ay agad siyang bumulong malapit sa tenga ko.

"Mapapasakin ka rin Rielle" nagsitaasan ang balahibo ko sa narinig. Agad agad ko siyang tinulak at agad tumakbo papuntang pinto at lumabas.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa rooftop ng main building. Hindi ko alam pero parang nanghihina ako sa mga sinasabi ni Sir Cantos! Kaya napaluhod na lang ako habang hawak ang dibdib ko. Ayoko ng ganito, ayoko ng ginagawa niya sakin. Iiwas ako sa kaniya hangga't maaari. Nakakalibot ang mga pinagsasabi niya sakin.

"Lumayo ka kay Sir Cantos hangga't maaari" napalingon naman ako sa nagsalita.

Prente lang siyang naglalakad palapit sakin habang ang mga kamay ay nakalagay sa bulsa ng pants niya. Pano naman siya napadpad dito sa rooftop? Dumiretso na ako ng tayo at hinarap siya.

"Nakita kitang tumatakbo galing sa faculty. Pinatawag ka na naman ba niya?" Inis na tanong niya.

"Sino?" si Sir Cantos ba ang tinutukoy niya?

"Umiwas ka kay Sir Cantos, Rielle" may alam ba siya? May nangyari ba noon sa pagitan nila at ni Sir Cantos?

"Sinusubukan ko pero sadyang mahirap siyang iwasan" sabi ko sa kaniya.

"Delikadong tao ang gagong yon! Dahil sa kaniya nadamay kami" may galit na tonong sabi niya.

Nagulat ako dahil minura niya si Sir Cantos, first time kong marinig yun galing sa kaniya. Lalo ngayon na parang ibang tao siya. Sobrang seryoso niya at walang halong biro niya 'yong sinabi.

"Anong ibig mong sabihin, Cullen?" tanong ko

"Wala, basta wag mo ng lalapitan ang lalaking yon" sabi niya at tumalikod na paalis.

Naiwan naman akong tulala. Parang kaunti na lang mababaliw na ako. Mababaliw na naman ako. Ikinalma ko ang sarili ko. Hindi pwede.

Tumayo na ako at lumabas na rin ng rooftop.

Samantha's

Kasalukuyan akong nasa cr at nakatitig lang sa sarili kong reflection sa harap ng salamin. Nanginginig ang mga kamay ko.

Pano kung may makaalam ng ginawa namin noon? Sino yung maghihiganti para kay Ara? Sino yung isusunod niya?

Binuksan ko ang gripo at naghugas ng kamay habang nanginginig pa rin ako. Naghilamos na rin ako ng mukha ko nang sa gayon ay mahimasmasan ako. Nang matapos ay agad kong tinignan ang reflection ko sa salamin. Napaatras ako sa gulat ng makita si Ara na nakatayo sa likuran ko. Duguan ang buong mukha niya at wala rin siyang eyeballs kung kaya't tuloy tuloy ang pagtulo ng dugo mula sa mata niya habang ang mga labi niya ay nakangisi.

Nagsisigaw ako dahil sa nakita. Humarap ako sa kaniya at nakitang dahan dahan siyang lumalapit sakin. Nanginginig ang buong kalamnan ko at parang nawalan ako ng boses at hindi alam ang gagawin.

"Mamamatay ka! Mamamatay kayo! Lahat kayo!" naramdaman ko ang mga kamay niya sa leeg ko at kasalukuyang sinasakal ako. Naramdaman ko rin ang pagbaon ng mga kuko niya sa leeg ko.

"A-ara! H-hindi k-ka totoo! P-patay ka n-na!" pilit kong sinasabi habang mas lalong humihigpit ang pagkakasakal niya sakin.

"Pinatay niyo ko! Pinatay niyo ko! Pinatay niyo ko! Pinatay niyo ko! Pinatay niyo ko!!!!!" paulit ulit niyang sabi na paulit ulit ko ring naririnig.

"Samantha!" nakita kong sigaw ni Kira papasok ng cr habang unti unti ng dumidilim ang buong paligid hanggang sa mawalan ako ng malay.

**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VindictaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon