Ika-apat na Kabanata

20 0 0
                                    

Rielle's

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga sinabi sakin ni Mia kahapon. Hindi maalis sa isipan ko kung sino ba ang mga tinutukoy niyang dapat na hindi ko pagkatiwalaan. Tuwing tinitignan at nakakasalubong ko siya, tanging ngisi lang ang sinusukli niya sakin. Ilang beses ko na rin siyang sinubukan kausapin pero iniiwasan niya lang ako at ngingiti lang ulit. Naiinis ako! Hays

Kasalukuyan kong kasama sila Cullen ngayon at nagtatawanan lang naman sila dahil sa mga korning jokes ni Patrick. Ewan ko rin kung saan niya ba nakukuha ang mga jokes niyang yon.

"Guys! Anong tawag sa pusang tumatawid sa edsa?!" tanong niya ulit.

"Corny na naman ata yan e" Pagbasag sa kaniya ni Sam

"Hindi to korni pramis!" saka niya pa tinaas ang kanang kamay niya.

"Oh ano ba?" tanong ko sa kaniya.

"Edi matapang!! HAHAHAHAHHAHAHA!!" saka siya tumawa ng tumawa.

Ewan ko ba, nakakatawa lang kasi yung pagsabi niya pero hindi yung joke kaya dalawa lang kami ni Kira ang tumawa.

"Tama na bro, di ka na talaga makakatikim ng libre sakin!" banat sa kaniya ni Rozen

"Kailan kaya ako matatawa sa joke mo Pat?" tanong ni cullen at saka umiling iling pa.

"Ang sama niyo sakin! Huhuhu hmp!!" at saka umarteng umiiyak si pat.

"Ang bakla mo pat" natatawang saad ni Kira.

Poor patrick. Pinagtulungan ng tropa. Hindi rin nagtagal ang kasiyahan dahil bigla ng dumating ang adviser teacher namin na si Sir Cantos. Pinasadahan niya kami ng tingin at seryoso lamang ang mukha niya.

Habang nagtuturo siya, di nakakalampas sakin ang pasimpleng tingin niya sakin. Naiilang na ako, bakit ba ako tinitignan ng ganun ni sir? Kinikilabutan ako, ang lagkit kasi ng tingin niya sakin at hindi ako komportable doon!

Maya maya lang din ay natapos na ang klase niya, sinabi rin niya na may biglaang meeting ang mga teacher kaya tuwang tuwa ang mga kaklase ko syempre wala kaming teacher sa mga susunod na subject.

Lumabas na siya ng classroom at agad naman nagsitayuan ang mga kaklase ko para siguro lumabas at tumambay.

Kami kami na lang magkakaibigan ang natira sa loob ng classroom namin.

"So san tayo tatambay niyan?" tanong ni Sam

"Cafeteria na lang muna tayo, nagugutom ako e" malungkot na sabi ni Patrick

"Lagi ka na lang gutom pat! Jusko!" iiling iling na sabi ni Kira

"May sawa ata sa tiyan si Patrick" natatawang sabi ni Rozen at nakitawa naman sa kanya si Cullen.

"Tigilan niyo na nga si Pat, kawawa oh" sabi ko saka hinimas ang balikat ni pat.

"Buti na lang andiyan si Rielle! Hmp! Rielle, niaaway nila ako! Huhu" saka siya kumapit sa braso ko. Natawa naman ako. Parang bata.

"Shh, sige na samahan niyo na tong si Pat sa Cafeteria" sabi ko sa kanila

"Hindi ka ba sasama?" Tanong ni Cullen

"Hindi e, pero baka makasunod ako. May kailangan lang akong ibalik sa library" sabi ko sa kanila.

Tumango lang sila at sinabing sumunod na lang daw ako.

Dumiretso na akong library at nagpunta sa desk ng librarian upang isauli na ang librong hiniram ko at makuha ko na din ang library card ko.

Nang matapos ay lumabas na ako ng library at papunta na sanang cafeteria ng makarinig ako ng dalawang taong naguusap or nagtatalo? Sinundan ko ang ingay na yun at nakita ko si Sir Cantos at Mia na naguusap sa dulo ng hallway kung saan nakapwesto yung mga locker.

"Nagbabalik na siya. Maghihiganti na siya sa inyo" nakangising saad ni Mia habang si Sir Cantos naman ay hindi maipinta ang mukha, halatang galit na galit na siya sa mga pinagsasabi ni Mia.

"Ano bang pinagsasabi mo ha Mia?!" pigil na pasigaw neto sa dahilang baka may makarinig sa kanila.

"Bakit? Natatakot ka na ba sir? Na baka malaman na nang buong school ang ginawa mo? O ninyo?" walang halong takot ang makikita sa mukha ni Mia at patuloy pa ring siyang nakangisi sa harap ni sir.

"Tumahimik ka! Kung hindi, ikaw ang isusunod ko sa kaniya!" namumula na ang mukha nito sa sobrang galit.

"Nauulit ang mga nangyari noon sir. Binabalaan ko lang kayo" saka to umalis kaya't agad agad akong nagtago sa likod ng locker.

Ano tong mga narinig ko? Ano ang tinatagong sikreto ni Sir Cantos? Sino ang babalik at maghihiganti?

Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na din si Sir kaya ako na lang ang natira. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko.

Marami nga sigurong nalalaman si Mia, dahil pati si Sir Cantos ay napagalit niya. Aalis na sana ako ng may humawak sa braso ko na siyang kinagulat ko.

"Cullen?"

"Rielle, bat antagal mo? Kanina ka pa namin hinihintay kaso di ka na nakabalik kaya pinasunod nila ako sayo" mahabang litanya nito.

"Sorry, napaghintay ko tuloy kayo" nahihiya kong sambit sa kaniya.

"Nako ayos lang yon tara na" saka niya na ako hinatak.

Nakarating na kaming cafeteria at nakita ang grupo na mukhang masayang nagkwekwentuhan.

"Sorry guys kung naghintay kayo ng matagal" paghingi ko ng paumanhin sa kanila pero ngumiti lang sila.

"Ayos lang yon sis! Ano ka ba!" sabi ni Sam at hinatak na ako para maupo.

"Oh Rielle, eto oh pagkain. Libre yan ni Pat" nakangiting sabi sakin ni Kira.

"Wow si Pat? Nang libre?" takang tanong ko sa kanila.

"Grabe ka naman sakin Rielle! Syempre good mood ako kaya nanlibre!" saka pa kumindat sakin si Pat

"Good mood amp eh parang lagi ka namang good mood ha Patrick!" Saka binato ni Rozen si Pat ng chips.

Nagkaka asaran na naman ho sila jusko.

Hmm, masaya ako kasi naging part ako ng tropahan nila. Na kahit ilang araw pa lang kaming magkakasama, eh parang ang tagal na naming magkakakilala. Natutuwa ako kasi tinanggap nila kung ano ako at nafefeel ko talagang belong ako sa kanila. Sana maging solid pa lalo ang samahan namin. Sana mas makilala ko pa sila sa mga susunod na araw.

**

VindictaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon