Someone's Pov
Ipaghihiganti ko ang ginawa nila sa kapatid ko. Mga wala silang puso! Pinagsamantalahan nilang lahat ang kahinaan niya! Pinatay siya ng walang laban! Niloko ng mga taong nasa paligid niya!
Tutal pinatay nila ang kapatid ko, edi papatayin ko din sila. Mas malupit at masahol ang gagawin ko sa kanila.
Hindi sila makakatakas sa mga kasalanang ginawa nila sa kapatid ko.
Mapaghihiganti na kita kapatid ko. Makakapaghiganti na tayo sa kanila. Nalalapit na Ara. Saka sumilay ang mga ngisi sa aking labi.
Rielle's
Tumatakbo ako sa hallway papuntang room dahil sa malamang ay late ako! Anong oras na ako nagising kanina dahil kagabi hindi ako makatulog. Binabagabag ako ng mga sinabi sakin ni Rozen noong hinatid niya ako. Paano nila naging tropa si Ara Fontes? At bakit hindi man lang nila sinabi o binanggit man lang sakin ang tungkol doon? Kung hindi ko pa tatanungin, hindi ko pa malalaman.
Pinagsawalang bahala ko na muna at saka umakyat papuntang 4th floor ng shs building. Hinihingal akong binuksan ang pintuan ng classroom at agad namang napatingin sakin ang lahat. Kaya ayoko ng nalalate ako eh!
"Oh Ms Cordova, ang aga mo ata para sa second subject?" tanong ni Sir Cantos dahil siya ang first subj namin ngayon. Nagsitawanan naman ang iba kong mga kaklase.
"Sorry po Sir Im late" sabi ko saka yumuko
"Take your sit Ms Cordova" sinunod ko na lang ang sinabi niya at umupo.
Nakita ko naman sila Cullen sa likuran ko na mukhang mga nagaalala. Nginitian ko na lang sila.
Mayamaya natapos na din ang first 4 subjects namin kaya break na.
"First time mo ata ma late Rielle? What happened?" Kira asked me
Umiling ako sa kanila dahil ayoko munang malaman nila ang nalaman ko kay Rozen. Ewan, siguro sa susunod na lang.
"Nalate ng gising. May ginawa lang importante kagabi" sabi ko sa kanila and give them a smile para di na sila magalala pa.
"Are you sure? Basta if you have a problema, just tell us okay?" sabi naman ni Samantha at saka pinat ang balikat ko.
"Osya! Tara na sa canteeeen!!! Ang fave time kooo!" sigaw ni Patrick at nauna ng umalis. Basta talaga pagkain nako!
Tahimik lang na nakasunod si Rozen at Cullen. Parehong mga seryoso ang mukha. Nagaway ba ang dalawang to? Hindi ko na lang pinansin.
Nang makarating ng cafeteria agad agad umorder si Patrick ng pagkain kasama si Kira. Samantalang kami ay na upo na.
"May bagong post na naman yung unknown user sa Secret files patungkol sa nangyari noon! Tignan niyo!"
Malakas na sabi ng lalakeng estudyante na kalapit lang ng table namin. Nagsilabasan naman sila ng mobile phones upang malaman kung ano yon.
University Secret Files
5 mins agoSa mga may kasalanan kay Ara Fontes ng 10-A. Ihanda niyo na ang mga libingan niyo dahil nalalapit na ang mga oras niyo. Sino kaya sa inyo ang mauuna? Hmm
156 likes 269 comments 51 shares
Nagulat naman ako ng makarinig ng bumagsak. Nabitawan pala ni Sam ang phone niya na bumagsak sa may table namin kaya rinig na rinig ang malakas na tunog.
Nakatulala lang ito habang sila Cullen at Rozen ay lalong sumeryoso ang mukha.
"Hey guys eto na ang foods!!!" masayang sabi ni Patrick at naupo na sila ni Kira.
Agad naman silang nagtaka nang makitang tahimik kami at tulala si Sam.
"Anong nangyari dito?" turo ni Kira kay Sam pero walang sumagot sa kaniya.
Tinignan niya ang phone na nahulog ni Sam at binasa nila ni Pat ang nakapost.
"Wtf? Ano tong sinasabi dito?" tanong ni Kira na may tonong inis.
"Tangina talaga ng Unknown user na'to. Ano bang trip neto?" galit na sabi ni Patrick. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"Bakit parang natatakot at nagagalit kayo?" tanong ko sa kanila.
Napatingin naman silang lahat sakin.
"Hindi naman siguro kayo yung tinutukoy diyan, hindi ba? So bakit parang natataranta kayo ng mabasa yan?" tanong ko pa ulet.
Ewan, sumabog na lang siguro ako. Dahil andami na nilang tinatago sakin, alam ko yon.
"Kung wala kayong ginagawang masama, wag kayong matakot diyan. Nantritrip lang ang kung sino mang nagpost niyan" sabi ko sakanila.
Pero nanatiling tahimik pa rin sila.
"Naging tropa niyo pala si Ara Fontes. Alam niyo ba kung ano ang nangyari sa kaniya noon? Hindi ba talaga siya nag suicide?" mukhang nagulat naman sila sa biglaang tanong ko.
Nagtataka ang mga mukha nila, siguro kung pano ko nalaman na naging tropa nila si Ara Fontes. Habang kalmado lang si Rozen at Cullen at hindi pa din nagsasalita.
"San mo naman nalaman yan?" tanong ni Samantha na bumalik na sa katinuan.
"Hindi na mahalaga yon, sagutin niyo na lamang ako" walang ekspresyon na sabi ko sa kanila.
"Oo tropa namin noon si Ara. Hindi namin alam kung anong nangyari sa kaniya okay!" nagpipigil na sigaw ni Kira.
Anong nangyayari sa kanila? Bat parang nagiiba sila? Ayaw pa rin talaga nila sabihin sakin kung anong mga nalalaman nila. Hindi ba nila ako pinagkakatiwalaan?
Tumango na lang ako, ayoko na magsalita at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Kumain na lang kami ng tahimik dahil walang gustong magsalita at i open ang nangyari kanina.
Nang matapos agad agad na ako tumayo. Umalis na ako at hindi na sila hinintay na magsalita. Papakalmahin ko muna sarili ko.
Babalik na muna ako ng room kahit matagal pa ang oras para sa next subj.
Nang makaakyat ako sa 4th floor, nakarinig ako ng ingay. Galing yon sa empty room.
Sumilip ako sa pinto at nakita si Sir Cantos sa loob. Ginugulo niya ang buhok at binubuntong ang galit niya sa sarili. Anong nangyayari sa kanya?
"Tangina mo Ara!!!!!"
**
Feedbacks? Hehe
BINABASA MO ANG
Vindicta
Mystery / ThrillerLahat ng may kasalanan, magbabayad. Buhay ang kinuha, buhay din ang kapalit. Walang makakatakas, lahat mamamatay. ** Still on going! Story started: May 10, 2020 Story ended: ? Storyline: @kathphile