Ikalawang Kabanata

24 0 0
                                    

Rielle's

Kumatok muna ako bago pumasok sa loob ng faculty. Nang makapasok ako nakita ko si sir sa may table niya. Walang ibang teacher ang nasa loob ng faculty tanging si sir lang.

"Maupo ka Ms. Cordova. May mga bagay lang akong ididiscuss sayo" agad agad naman akong naupo sa upuang kaharap ng table niya.

"Ano po bang paguusapan natin sir?" takang tanong ko.

First day of class pa lang, napatawag na agad ako at napapunta pa sa faculty. Wala pa naman akong nagagawang katarantaduhan para papuntahin ako dito.

"I want you to keep an eye on them" seryosong saad neto.

"Them? Sino sir?"

"Yung grupo ng kabataang nakasama mo kanina" naka ngising saad neto na nakapagpataas ng balahibo ko.

Why should I do that? Anong meron kila Rozen at kailangan ko silang bantayan lagi? Ugh!

"Why sir?"

"No need to know. Tataasan ko ang grades mo kapag ginawa mo ang bagay na yon"

Wtf? No way! Hindi ako tauhan ng kahit sino para utusan ako! Saka mali ang pinapagawa ni sir tsk

"Ayoko sir, sorry. Wala akong pake alam kung tataasan niyo ang grades ko kung sakali mang gawin ko yon" saka ako tumayo.

Gusto ko ng umalis sa room nato. Di ko alam kung ano meron at pinapa bantayan niya sakin sila Sam. Tapos ayaw niya namang sabihin sakin ang dahilan. Edi no! Hindi ko gagawin yon lalo na't mukhang mababait naman sila. Sila pa nga ang nag approach sakin kanina dahil wala pa akong kilala at ginagawa pa nila akong kaibigan. Kaya wala akong karapatan para gawin yon sa kanila.

"Sige pagisipan mo muna Ms Cordova. Akala mo lang na mababait ang mga batang yon, pero nagkakamali ka ron."

Tumango na lang ako at saka lumabas na ng silid na yon. Nakahinga naman agad ako ng maluwag. Di naman pala importante yung sasabihin tsk.

Should I trust Rozen and his friends? Ugh!

--

Finally! Tapos na ang last subj. Tinignan ko ang wristwatch ko at 6:26 pm na pala.

"Rielle, tara sabay ka na samin" aya sakin ni Kira pero umiling ako.

"Sorry, pero next time na lang siguro. May gagawin pa kasi ako later e" sabi ko sa kanila.

"Sige next time ah!" sabi ni Sam at saka ako bineso, napaka friendly talaga.

Ngumiti lang sakin sila Cullen at Pat at tumango lang sakin si Rozen.

Lumabas na sila ng room at tanging ako na lang pala ang naiwan. Ang bilis naman nila.

Inayos ko na ang gamit ko. Papalabas na sana ako ng room ng biglang pumatay yung ilaw.

Ha? Brownout ba? Dali dali kong nilabas yung cellphone ko at saka ibinuksan ang flashlight. Inilawan ko ang buong paligid. Ako na lang ba tao sa floor na to?

Naglakad na lang ako habang iniilawan ko pa rin yung dinadaanan ko.

Napahinto naman ako sa paglalakad ng may maaninag ako. Parang may tao? Tinapat ko yung flashlight sa nakita kong anino at napagtantong may babaeng nakatayo na nakapang jhs na uniform. Nakaharap siya sa pintuan ng empty room.

"Miss?" pagtawag ko sa kanya. Pero ni hindi siya lumingon or gumalaw. Lalapitan ko na sana siya nang biglang dumulas yung phone ko sa kamay ko.

Agad ko namang pinulot at tinignan kung may basag, nakahinga naman ako ng walang makitang basag. Buti na lang.

Tinutok ko agad yung flashlight ng phone ko sa pwesto ng babae, pero wala na siya dun. Umalis na ba siya?

Kung jhs student yon, pano yun napunta sa building ng shs department? At mukhang may tinitignan pa siya sa empty room.

Pinagsawalang bahala ko na lamang to at mukhang isa lamang yon sa mga estudyanteng walang magawa.

"Pst"

Nakalagpas na akong empty room ng marinig ko na naman yon. Maya maya nakarinig na ako ng mahinang iyak. Tumatangis, iyak na may galit. Nung una mahina lang ang iyak hanggang sa palakas na ito ng palakas.

Nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa naririnig, naalala ko yung mga kwento kwento about dun sa babaeng multo.

"T-tulungan mo ko, parang awa mo na" tinapat ko kung saan saan yung flashlight ng phone ko upang malaman kung saan nanggagaling ang boses na yon.

"Sila ang may kasalanan nito! Sila!!" galit na galit na sigaw nito.

Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ng babaeng yon. Parang isinigaw niya sa tenga ko ang mga katagang yon. Biglang may kumalabit sa batok ko.

Lumingon ako at agad na napasigaw sa nakita.

M-may babae, gulo gulo ang kanyang buhok, may hiwa ang kaniyang leeg at patuloy ang pag agos ng dugo mula roon. Umiiyak din siya ng dugo at sobrang nakaka hilakbot ang itsura niya.

Dahan dahan siyang lumapit sakin habang may mahihinang iyak pa rin ang maririnig mula sa kaniya. Nagsimula na din akong umatras. Hindi ko kayang tignan ang itsura niya, kaya't pumikit ako.

Atras lang ako ng atras, hanggang sa may matamaan akong bagay si likod. Dumilat ako at lumingon, nakita ko si Rozen na mukhang nagaalala.

Napatingin ako sa buong paligid, may ilaw na. Malapit na pala ako sa hagdan, buti na lang at dumating si Rozen kung hindi nahulog na ako ng tuluyan.

"R-rozen" mahinang sambit ko

"Rielle anong nangyari?" tanong niya habang hawak ang magkabila kong braso. Mahina niya akong niyugyog.

"Wala, wala yon. Tara na" aya ko sa kaniya.

Gusto ko ng umalis dito. Totoo pala talaga ang mga kwento kwento. Pero ano nga ba ang dahilan ng pagkamatay ng babaeng yun? Sino ang may gawa nun sa kaniya?

Naaawa ako sa kaniya, junior high school pa lang siya nung namatay. Ang aga pa para mawala siya sa mundong ito.

"Rielle, let's go. Sumabay ka na sakin okay? Hahatid kita sa inyo" wala na akong lakas para sumagot kaya tumango na lamang ako.

Konektado ba ang babaeng yun sa nangyari 2 years ago? Siya ba yung nag suicide? Suicide nga ba talaga ang nangyari o pinatay siya? Hindi ko alam.

Sana lang hindi na ulit to maulit.

**

VindictaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon