Rielle's
Ilang araw na ang lumipas at masasabi kong nagiging close ko na ang grupo nila Kira. Hindi sila ganun kahirap pakisamahan, sa totoo lang sila talaga ang gumagawa ng paraan para hindi ako ma out of place sa tuwing kasama ko sila. Mababait at masaya silang kasama kaya ganun na lang din siguro kagaan ang loob ko sa kanila.
Nung mga nakaraang araw, hindi ko na masyadong hinahayaan na mag pahuli sa klase tuwing uwian. Para na rin makaiwas akong makaramdam ng kakaiba tuwing dadaan ako sa empty room.
Si Sir Cantos? Lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sakin at bigla na lang ngingisi kapag nakikita niyang napapatingin ako sa kaniya at sobra akong kinikilabutan doon. Hindi ko alam. Wala pa rin talaga akong balak sundin ang gusto niyang ipagawa.
"Sis, naalala mo ba yung nangyari two years ago?"
"Oo sis, yung nag suicide na babae ba yon?"
"Yun nga! Hindi daw talaga siya nag suicide, murder ang nangyari!"
"Ha? San mo naman nalaman yan sis?"
"May unknown user na nag post sa Univerity Secret Files!"
Hindi sa chismosa ako ah, pero ang lakas kasi magusap ng dalawang babaeng to sa likuran ko. Nasa library pa man din kami. Pero teka? Hindi suicide ang nangyari noon?
Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa page ng University Secret Files.
University Secret Files
10 mins agoSinong tangang maniniwala na suicide ang nangyari two years ago sa Linton University? Nah, mali kayo diyan. Hindi nag suicide si Ara Fontes ng 10-A, dahil pinatay siya! Maghihiganti siya sa mga taong nanakit at pumatay sa kaniya! Kaya humanda kayo. See you in hell!
204 reacts 198 comments 23 shares
Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Sino naman kaya ang unknown user na'to? Kilala niya kaya ang pumatay dun sa Ara? Hindi kaya si Ara ang nagpakita sakin doon sa empty room? Grade 10, jhs pa lang siya..
Kinuha ko agad ang bag ko at dali daling lumabas ng library. I need to know something, nacucurious ako. Nagiging chismosa na din ata talaga ako lol
Tumungo akong cafeteria at nakita ko ang grupo nila Rozen dun. Hindi pa ako nakakalapit ng marinig ko ang usapan nila.
"Nabasa niyo ba yung nasa page?" Pat
"Oo, sino naman ang unknown user na'to?" Kira
"Baka madawit tayo diyan! Bumabalik na naman ang mga nangyari noon!" Sam
"Hindi tayo ang pumatay sa kaniya okay?! Wala tayong kinalaman dun!" Cullen
"Kumalma kayo, aayusin natin to" Rozen
Teka may kinalaman ba sila sa nangyari kay Ara? Bakit parang may tinatago silang sikreto? Tama bang pagkatiwalaan ko sila?
Hindi ko na lang tinuloy ang paglapit sa kanila at umiba ng daan. Pupunta na lang ako sa room kahit may 1 hour break pa. Gusto kong makapag isip isip sa mga bagay.
Nang maka pasok ako sa room, ako lang ang tao. Naupo ako sa upuan ko at nagpangalumbaba.
Ara Fontes, familiar sakin ang pangalan niya. Parang nakita at nakilala ko na siya noon. Pinilit kong alalahanin pero sumasakit lang ang ulo ko. Hays
Nagulat ako sa biglaang pagsara ng pintuan ng classroom namin. Teka? Panong sasara yun? Wala namang hangin? At sobrang lakas naman ng impact na yun.
Hindi ko na lamang pinansin, baka nga hinangin lang ng sobrang lakas.
Ilang sandali lang nakarinig ako ng mga yabag, hindi na ako nag abalang lumingon dahil baka isa lamang yon sa mga kaklase kong bumalik na dito sa room.
Maya't maya kong naririnig ang mga yabag at tila pabigat ito ng pabigat. Parang papunta sa pwesto ko ang yabag na yun. Ilang sandali lang tumigil din ang yabag na aking naririnig. Biglang umihip ng hangin sa likuran ko kaya agad na nagsitaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa nangyari.
Lumingon na ako sa likod ko at napagtantong wala naman palang tao, saan galing ang mga yabag ng paa na naririnig ko?
Humarap na lamang ako ulet at labis ang pagkagulat ng tumambad sa harapan ko ang mukha ng kaklase ko. Parang aatakihin ako sa puso sa nangyari.
"Sorry, nagulat ba kita?" tanong ni Mia, pero kumunot lang ang noo ko.
"M-may kailangan ka ba?" nagtataka kong tanong habang nakahawak pa rin sa dibdib ko.
"Hmm, wala naman. May napapansin lang kasi ako" saka ito umupo sa tabi ko. Naka ngisi siya sakin, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot sa ngisi niya.
"Ano naman ang napapansin mo?" tanong ko at umayos na ng upo.
"Nagiging close ka na pala sa grupo nila Rozen" naka ngiti niyang sambit
"Ah hindi pa naman masyado, bakit?" ano bang gustong tukuyin ni Mia? Para kasing may gusto siyang ipahiwatig sakin.
"Hmm wala lang. Yun lang naman ang napapansin ko. Sa tingin mo, sa dami ng kaklase natin pero bakit ikaw yung nilapitan ng grupo nila?" saka siya sumeryoso ng mukha.
Bakit? Bawal ba akong kaibiganin? Ano naman kung ako ang nilapitan nila? May mali ba don?
"Hindi ko alam, ano ba ang pinupunto mo Mia?" ako naman ang nagtanong sa kaniya, sana lang ay sagutin niya ako ng maayos.
"Sa panahon ngayon, wag ka muna masyadong magtitiwala agad agad. Hindi natin alam, kung sino pa yung pinagkatiwalaan mo ng buong buo, sila pa yung sisira sayo" saka siya nagkibit balikat.
"Anong ibig mong sabihin?" ayaw pa akong diretsuhin ni Mia.
"Rielle, dont trust anybody. Lahat ng tao may sikretong tinatago. Sikretong pilit na binabaon pero sa sobrang tagal, umaalingasaw din" saka siya muling ngumisi.
"Binabalaan lang naman kita Rielle" at saka niya hinawakan ang balikat ko at umalis.
Sino ba ang tinutukoy ni Mia sa mga sinasabi niya? Naguluhan lang ako lalo. At binabalaan saan?
Isa lang ang sinisigurado ko, lahat ng katanungan ko si Mia lang ang makakasagot.
**
BINABASA MO ANG
Vindicta
Mystery / ThrillerLahat ng may kasalanan, magbabayad. Buhay ang kinuha, buhay din ang kapalit. Walang makakatakas, lahat mamamatay. ** Still on going! Story started: May 10, 2020 Story ended: ? Storyline: @kathphile