Ika-anim na Kabanata

21 0 0
                                    

Rielle's

Kasalukuyan kong kasama ngayon si Rozen. Nasa library kami dahil tinutulungan ko siya sa isang lesson sa Gen Math subj namin na hindi niya daw masyadong na gets. Sila Kira naman ay nasa cafeteria. Bawal naman silang tumambay dito dahil for sure sobrang magiingay lang sila. Mabuti na lang talaga at vacant ang class namin kanina sa ibang subj kaya may oras kami para sa kaniya kaniya naming gagawin.

"Na gegets mo ba Rozen yung mga sinasabi ko?" tanong ko sa kaniya. Tango lang kasi siya ng tango hindi ko alam kung may naintindihan ba siya sa mga tinuturo ko.

"Nakakaantok ka naman magturo pero nagegets ko hehehe" saka siya nag peace sign. Ang kapal ha?!

"Hay nako! Wag na natin tong ipagpatuloy kung ganyan!" saka ako sumimangot. Nagpapakahirap akong mag turo dito e! Aba!

"Are you breaking up with me?" agad ko naman siyang binatukan sa mga pinasasabi niya.

"Loko! Dami mong alam!" sabi ko at natawa na lang din.

Napatigil naman ako sa pagtawa nang mapalingon ako sa kabilang table at nakita si Sir Cantos na nakaupo don at nakatingin sakin. Yung mukha niya parang naiinis o naasar. Hindi ko alam. Hindi na naman ako mapakali kaya inaya ko ng umalis si Rozen at sinabing pagpatuloy na lang namin bukas ang pagtuturo ko sa kaniya.

Hangga't maaari gusto kong iwasan si Sir Cantos, nabobother na ako sa mga ikinikilos niya. Kung bakit ganun yung pakikitungo niya sakin. Parang iba kasi sa ibang mga estudyanteng nakakasalamuha niya.

Hindi ko pa rin alam kung bakit parang galit na galit si sir kay Mia. Noong nakita ko sila na naguusap, parang gusto na talagang patulan ni Sir si Mia sa mga pinagsasabi neto sa kaniya.

"Hoy! Rielle! Tulala ka diyan?" nagaalalang tanong ni Rozen habang naglalakad kami sa hallway papuntang cafeteria.

Lumilipad na naman isip ko hays. May dapat pa pala akong itanong kila Rozen.
"Rozen, kilala mo ba si Ara Fontes?" nabigla naman siya sa tanong ko at parang hindi mapakali.

"Bakit bigla mong natanong?" nice tanong din ang sagot niya sa tanong ko.

"Wala nevermind" sabi ko na lang kasi mukhang di niya rin naman sasabihin. Parang may tinatago.

Magsasalita na sana siya pero may biglang umakbay sa kaniya.

"Rozen! Rielle! Ang tagal niyo!" sabi ni Patrick at saka sumimangot.

"Hay nako, hinintay talaga kayo ni Patrick lalo ka na Rozen kasi magpapalibre daw siya sayo" iiling iling na sabi ni Kira.

"Rielle! Halika umupo ka na!" saka ako hinila ni Sam paupo. Aray hA

"Kamusta pagtuturo mo kay Rozen? Ako din turuan mo Rielle" saka nag pout si Cullen.

"Di pa nga kami tapos e! Kay Kira ka na magpaturo!" sabi ni Rozen saka umupo na din katabi si Patrick.

"Yay! Ang hirap hirap turuan ng lalakeng yan e!" pangaasar ni Kira

"Si Samantha na lang magtuturo sayo Cullen!" natatawang sabi ni Patrick

"Ako tuturuan ni Samantha sa isang Subj? Nako wag na, baka turuan lang akong maging girly niyan!" natatawang sabi ni Cullen. Sinamaan naman siya ng tingin ni Samantha

"You're so choosy Cullen! Ako na nga magtuturo sayo, aayaw ka pa? Ako lang to oh! Si Samantha, ang maganda mong kaibigan!" saka umirap si Sam

"Gago! Nagjojoke si Sam! Tawanan natin!" banat sa kaniya ni Cullen. Tumawa naman ng malakas si Patrick.

Napailing iling na lang si Kira at Rozen. Habang ako ay natatawa na lang din. Parang ewan kasi jusko.

Hindi talaga ako nagsisisi na naging kaibigan ko sila. Ang saya nilang kasama. Bakit kaya ako ang nilapitan ng grupong to? Andami ng dumadagdag na tanong sa isipan ko pero ni isa walang nasasagot.

Maya maya biglang napadaan si Mia sa table namin. Ngumisi lang siya sakin ng makitang kasama ko sila Rozen. Isa pa tong si Mia, masyadong maraming tinatago at nalalaman. Ewan ko ba, sumasakit lang lalo ang ulo ko sa kaniya.

Nang matapos kaming kumain, nag aya na silang pumuntang room.Napahinto naman ako sa paglalakad.

"Bakit ka huminto Rielle?" tanong ni Patrick pero mistulang nabingi ako at napatitig lang sa empty room na nadadaanan namin.

Habang tumatagal ang pagdaan ko dito, mas bumibigat ang pakiramdam ko.

"Rielle! Hoy! Ano tinitignan mo sa empty room?" takang tanong ni Sam

"Nakakaramdam ba kayo ng kakaiba kapag dumadaan kayo dito?" seryosong tanong ko sa kanila.

Pero yung mga mukha nila eh parang natataranta at kinakabahan. Anong nangyayari sa kanila?

"W-wala kaming nararamdaman na kakaiba Rielle" kalmadong sabi ni Kira.

"Bakit mo natanong Rielle?" Cullen

Napasulyap naman ako ng tingin kay Rozen at ang seryoso lang ng mukha neto at mukhang may malalim na iniisip.

"Wala yon, tara na at baka nasa room na si Ma'am" aya ko sa kanila at nauna ng maglakad.

Gusto kong malaman ang mga nangyari noong 2 years ago kay Ara Fontes. At mukhang may tinatago talaga sila Rozen, Sir Cantos at Mia sakin. Parang lahat sila may nalalaman sa nangyari noon. Kung ano man yon matutuklasan ko rin yon.

Nang makapasok kami sa room ay sakto lang na kadadating ng teacher namin kaya hindi kami na late.

After ng ilang oras ay nag dismiss na din. Tatlong subj lang ang pinasukan namin dahil nga puro vacant ang iba sa kadahilanang nasa meeting ang ibang teachers. Nagsitayuan na kami sa kaniya kaniyang upuan para makauwi na nang lumapit si Rozen sakin.

"Hahatid na kita sa inyo" offer niya, tumango naman ako well bawas pamasahe din yon.

Nagpaalam na samin sila Kira at mukhang may pupuntahan pa ang mga yon. Lumabas na kami ng room at tahimik lang kaming naglalakad papuntang parking dahil andun ang kotse ni Rozen.

Sumakay na kaming pareho sa kotse niya at talagang hinatid pa niya ako sa tapat ng bahay namin. Baka machismis na naman ako ng mga chismosang kapit bahay namin but nevermind.

"Thanks for the ride" sabi ko at saka ngumiti.

"Always welcome" tinanguhan ko na siya at sinabing pumasok na siya sa kotse niya.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng tawaging niya akong muli.

"Rielle, yung tanong mo kanina. Kasama sa tropa namin noon si Ara Fontes"

**

VindictaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon