Rielle's
Kasalukuyan akong naglalakad sa pasilyo ng ikaapat na palapag ng shs building upang pumunta sa classroom namin. Nagtataka ako dahil madilim na sa labas. Gabi na ba?
Dahan dahan na akong naglakad at napahinto nang marinig ko na naman ang mahinang iyak na yun.
"Rielle, tulungan mo ko..." humihikbing sabi ng isang babae.
"S-sino ka ba? Ara?" tanong ko at nagbabakasaling si Ara ang babaeng iyon.
"Sila ang may kasalanan nito! Gaganti ako! Mamamatay sila!"
Hinanap ko sa paligid kung saan ba nanggagaling ang boses na iyon at mukha galing iyon sa loob ng empty room.
Nagtaka ako ng makitang hindi nakakandado ang pinto kaya malaya akong nakapasok sa loob ng silid.
Purong kadiliman lamang ang nakikita ko kaya't kinapa ko ang pader at baka sakaling mayroong switch ng ilaw.
Nang makapa ko ay agad agad kong pinindot ang switch na siyang dahilan ng pagtili ko!
Nakabigti ang katawan ni Ara sa kisame! Ang mga mata niya lumuluha ng dugo at nakatitig sakin. Patuloy na umaagos ang dugo na galing sa leeg niya pababa sa katawan niya!
Si Ara nga talaga ang babaeng ito! S-sino ang may gawa ng karumal dumal na ito sa kaniya?!
Nakita kong bigla siyang ngumisi at matalim pa din ang titig ng mga mapupulang mata niya sa akin. Nagsisisigaw ako sa kadahilanang takot na nadarama ko! Hindi ko na kinakaya pa!
"VINDICTA!"
"Rielle!! Gising!"
"Binabangungot ka lang Rielle!"
Agad na napadilat ang mga mata ko at bumungad sakin ang mga mukha ng mga kaibigan ko.
"Rielle bat ka sumisigaw?" nagaalalang tanong sakin ni Kira.
Hanggang ngayon, naalala ko pa din. Panaginip lang ba yun? Pero hindi, parang totoong totoo na nangyari yon. Vindicta? Ano ibig sabihin nun?
"Wala, masamang panaginip lang" sabi ko sa kanila at ramdam ko pa rin na pinagpapawisan ako.
"Sure ka Rielle? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Rozen. Tumango lang ako sa kanila.
Sa classroom pala ako nakatulog. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko para mag cr nang may humawak sa braso ko.
"San ka pupunta?" tanong ni Cullen
"Cr lang ako" sagot ko. Hindi ko na sila hinintay na magsalita at saka umalis na.
Dumiretso akong cr at tumitig lang sa reflection ko sa salamin. Maraming bagay ang bumabagabag sakin ngayon. Hindi ko mawari kung anong gustong ipahiwatig ni Ara sakin. Bakit sakin niya sinasabi ang mga bagay na yun? Sumasabay pa tong si Mia at Sir Cantos. May kinalaman din ba ang grupo ni Rozen sa nangyari two years ago? Kay Ara?
Hindi ko na alam! Nilabas ko ang phone ko at naghanap sa google nang maaaring maging information kay Ara Fontes pero walang lumalabas tungkol sa kaniya o balita man lang sa nangyari two years ago sa Linton University.
"Looking for some infos?" nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni Mia sa tabi ko.
Naghuhugas na siya ng kamay ngayon at mukhang kakalabas niya lang mula sa isang cubicle.
"Bakit na cucurious ka na ba Rielle?" tanong ulit nito at saka nag cross arms.
"Ano bang nangyari noon Mia? Ano ang mga nalalaman mo?" tanong ko sa kaniya pero sigurado naman akong di niya ako sasagutin ng matino hays
"Malalaman mo rin ang lahat. Nalalapit na" saka to kumindat sakin at umalis.
Urgh! Pabitin din ang isang to. Bakit hindi niya na lang sabihin sakin para mapadali ang lahat? Masyadong pa misteryo si Mia.
Lumabas na ako ng cr at naglakad na para bumalik sa classroom nang makasalubong ko si Sir Cantos. Lalampasan ko na sana siya ng bigla niya akong tawagin.
"Ms Rielle Cordova" napahinto ako sa paglalakad at inangat ang mukha ko.
"Bakit Sir?" tanong ko. Ayan na naman ang mga tingin niyang yan.
"You're pretty" nagulat ako sa sinabi niyang yun. Mas lalo tuloy akong kinilabutan.
Bigla bigla ba naman niya akong pupuriin? Ewan, pag galing kasi sa kaniya nakakakilabot. Bakit niya naman ako pupuriin diba?
"Salamat sir" saka ako umiwas ng tingin sa kaniya.
Mabuti nga nitong mga nakaraang araw ay hindi niya na ako muling pinilit pa na bantayan ang mga kaibigan ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit niya pinapagawa yon.
"Sige sir, mauuna na ho ako" sabi ko at maglalakad na sana nang magsalita na naman siyang muli.
"Bakit hindi mo ko tulungan Rielle?" pagaalok ni sir.
"Tulungan ho saan?" pagtataka kong tanong.
"Sa pag check sa mga paper works ng mga kaklase mo. Halika sa faculty" saka siya ngumiti.
"Ahm sir ano kasi--" magdadahilan na sana ako ng pinutol niya ang sasabihin ko.
"Tatanggihan mo ba ang adviser mo Ms Cordova?" wala na akong magawa ng sinabi niya yon. Adviser ko pa din siya, dapat sundin ko pa din ang mga pinapagawa niya lalo na kung tungkol naman sa school yon.
Sinundan ko na siya papuntang faculty. Tinulungan ko lang siyang mag check sa mga test papers ng mga kaklase ko sa subject niya. Habang nagchecheck ako ng test papers ng mga kaklase ko ay napapansin ko ang mga pasimpleng tingin niya saken at biglaang pag ngisi. Ipinagsawalang bahala ko na lang ito at binilisan sa ginagawa para matapos na.
"Sir tapos na, aalis na ho ako. May gagawin pa ho kasi ako" sabi ko at saka inabot sa kaniya ang mga test papers na nacheckan ko na.
"Thank you Rielle" tumango na lang ako at aalis na sana ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Inalis ko naman agad yon sa pagkagulat.
"Sa susunod ulit Rielle. Hindi ka pwedeng tumanggi sakin" saka siya ngumisi.
Napailing na lang ako at umalis na don. Hindi ko maintindihan, ano bang nangyayari kay Sir Cantos? Bakit ganun niya ako tratuhin?
**
BINABASA MO ANG
Vindicta
Mystery / ThrillerLahat ng may kasalanan, magbabayad. Buhay ang kinuha, buhay din ang kapalit. Walang makakatakas, lahat mamamatay. ** Still on going! Story started: May 10, 2020 Story ended: ? Storyline: @kathphile