Nandito ako ngayon sa *Luxuriously Hotel* isa sa pinaka sikat na hotel dito sa manila.Well mag hahatid lang naman ako ng pizza dito. Kaya heto ako pwedeng pumasok dahil nga mag d-deliver ako.
Sa hotel kasi na ito pag hindi ka nag check in di ka pwedeng pumasok. May taga bantay kasi sa elevator, bawat tao kasi na nag c-check in dito, mamarkahan sila sa pulsuhan. Upang malaman nang guwardiya kung customer ba sila o hindi.
Bakit ko alam ang lahat ng ito. Simple lang ikinuwento kasi sakin nang kaibigan kong si Catrisa. May kaya sa buhay sina Catrisha, kaya, kayang-kaya din nang budyet nya na makapasok sa ganitong klaseng hotel.
Bago ako tuluyang makasakay ng elevator, tinawagan muna ni Kuya guard ang taong nagpapa-deliver sakin ng pizza.
Pagkatapos nitong kausapin ang taong nagpapa-deliver sakin, hinarap ako nito.
Third floor, room 203, imporma nito sakin. Tsk sungit naman nitong si kuya guard.
Pinapasok ako nito sa elevator, binalaan pa nga ako ni Kuya guard eh sabi niya *Pagkatapos mong ibigay yan sa taong nag-order sayo, bumaba agad dito at umalis na kung ayaw mong makasuhan*.
Tsk, makapagbanta ka naman Kuya guard para namang ikaw yung may-ari, bulong ko.
Pinidot ko na ang floor na sinabi ni Kuya guard, at nangmagbukas ang elevator agad na akong lumabas at hinanap ang room number ng kuwarto na sinabi ni Kuya guard.
Tinitignan ko bawat room number na madadaanan ko. Ang ganda ng desenyo ng pader at pinto ng Mga kuwarto dito. May iilangpaintings din na nakakabit sa mga pader. Halatang pangmayaman.
200, 201, 202, pagbibigkas ko. Ayun, 203, masayang bulong ko, bago kumatok sa pinto ng room 203.
Knock, knock.. Katok ko.
Sino yan? Sigaw na tanong nang tao sa loob.
Walang modo naman, hindi ba pwedeng buksan niya nalang.
Pizaa delivery, pasigaw ding sagot ko. Hehehe..ang plastic ko talaga.
Nag bukas ang pinto at bumungad sakin ang guwapong nilalang.
Inabot ko dito ang pizza. Inabot naman nito sakin ang bayad, sabay sabing *Thank you* sabay kindat pa nito sakin.
Psst, miss, may narinig akong boses na lalaki. Napatingin naman ako dito, nasa Room 201 ang lalaki.
Kung pumapayag kana sa gusto kong second round pwes ako hindi na, dinig kong sagot nang babaeng nasa tapat na ng elevator.
Wag kang mag-alala di yun yung gusto kong mangyari. Gusto kolang sanang malaman kung anong pangalan mo? Tanong nang lalaki. Ewan ko kung totoo ang sinasabi nito o inaasar lang niya yung babae.
Tsk. Mga lalaki nga naman, lahat mapanakit.
Fuck you ka, inis na sigaw nung babae.