Chapter 3

143 4 0
                                    

Czarishe POV:

Dumeretso kaagad ako sa locker room ng Czarius Restobar pagkapasok ko. Nag bihis ako ng unipormeng pang crew ng Czarius restaurant.

Matapos magbihis lumabas din ako agad at tinungo ang kusina.

Naabutan kong nagkakagulo ang mga tao sa loob.

Anyare?

Di ako napansin nang mga ito. Kaya di konalang din sila pinansin. Nagtungo ako sa lababo at sinimulang gawin ang trabaho ko. Taga paghugas ng mga pinagkainan ang trabaho ko sa restaurant na ito. Nakakapagod yun sobra, lalo na't hindi nauubusan ng customers 'tong resto na ito.

Boss wala parin si Khaileen, dinig ko sa boses ni Bart. Ang taong di ko makasundo-sundo dito sa restaurant na ito. Isa din itong trabahador dito isang waiter. Si Khaileen naman ang taga pag perform sa restaurant na ito. Kumakanta  ito para sa mga customers para hindi daw mayamot ang mga ito.

Tsk, ang aarte.

Ang guwapo talaga niya, dinig kong bulong ni Cessy, habang halos tumulo na ang laway sa kakatingin sa kung sino.

Sino? Nagtatakang tanong ko.

Si manager malamang, tugon nito.

Saan? Tanong ko.

Ayun oh, sabay turo ni Cessy sa manager namin na halata ang pagkabalisa.

Ryle Mentazar, 'yan yung pangalan ng manager namin. Minsan lang ito bumisita sa restaurant kaya kataka-taka kung paano nito napapanatili ang kagandahan ng kita ng restaurant gayong hindi naman nito tinututukan ang pangangalaga dito.

Anong meron? Bakit natataranta sila? Tanong ni Alice. Nakakarating lang din.

Oo nga, bakit parang balisa si manager? Tanong ko.

Eh, kasi si Khaileen, hindi pa dumarating. Tapos bibisita pa naman daw yung totoong may-ari ng resto, sagot ni Cessy.

Shit, tinawagan niyo na ba? Inis na tanong ni manager. Halatang galit na ito.

Opo boss, may sakit daw kaya di makakapasok, sagot ni Roni, isa ding waitress.

Fuck, sabihin mo wag na siyang pumasok kailan man, sinisisante ko na sya. Sabihin mo kahit habang buhay na siyang di pumasok, galit na sigaw ni manager Ryle.

Nagulat naman kami sa pagsigaw nito kaya natahimik ang lahat. Ngayon lang namin ito nakitang galit, pagbumibisita kasi ito laging nakangiti. Kahit magkamali kana sa harap niya hindi ito magagalit. Pero ngayon nakakatakot ang mga mata nito, halatang galit na galit na.

So ano mag titinginan nalang tayo dito. Mag isip nga kayo, pupunta dito ang may-ari ng resto na ito. Bibisitahin niya tayo, titignan kung ayos ba ang pangangalaga natin sa restaurant niya. Pero heto tayo nagkakagulo, nagtitinginan dahil yung kasamahan niyo na nagkasakit daw ay di makakapasok. Ano nalang ang sasabihin ng may-ari saatin na mga wala tayong kwenta, mga iresponsable, frustrated na sabi ni manager.

SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon