Tantarius POV:
Mula sa aking kinauupuan tinatanaw ko si Czarishe na ngayon ay feel na feel ang pagkanta.
Tsk, may papikit-pikit pa, bulong ko.
Ang galing niya talaga sa lahat ng bagay, dinig kong wika nang isang waiter sa tabi ko. Halata naman na may gusto ito kay Czarishe.
Tsk, imbis na nagta-trabaho, hindi puro nuod lang, sisantehin ko kaya 'to.
Ehem, tumikhim ako para makuha ang atensyon nang waiter na ito.
May problema po ba sir? Tanong nang waiter.
Oo. Maikling sagit ko.
Ho? Ano ho yun? Tanong nito.
Hindi ano, kundi sino? Sagot ko.
Ano ho di ko ho kayo maintindihan? Tanong nito.
Talagang hindi mo ako maiinitindihan, bobo kasi, sagot ko.
Ano ho bang problema niyo? Galit na tanong nang waiter.
Ikaw, ikaw yung problema ko. Di ba dapat nagta-trabaho ka, eh bakit nakatayo ka lang dito? Inis na tanong ko. Ewan ko ba kung bakit ako naiinis sakanya, pinuri lang naman nito ang dalaga. Tsk, weird.
Pakealam niyo ho ba? Eh kayo nga ho kanina pa nakaupo dyan ni wala man lang order, inis na sagot nito.
Tsk, Ang tapang. Tignan kolang kung maging ganyan ka pa katapang pag nakilala mo kung sino talaga ako.
Umalis ka na sa harapan ko, nang-uutos ang boses na wika ko dito.
Kayo ho ang umalis, ipapaalam kolang ho na may batas kami dito. At isa dun ay nilalabag niyo, sagot nito.
At anong batas naman? Naiinsultong tanong ko.
Tsk, lahat ng batas dito ako yung gumawa tapos ipapamukha niya sakin.
Bawal po'ng tumambay dito. Kung hindi ka naman kakain dito ay hindi ka pwedeng tumambay dito. At yun po ang nilalabag niyo. Pumasok po kayo dito kahit di naman kayo kakain.Kaya bago ko pa po tawagin ang guard at ipakaladkad ka palabas, umalis kana, pang-uutos nito.