Chapter 6

171 2 0
                                    


Ang ingay mo kasi. Yan yung sinabi sakin ni Tantarius matapos ako nitong halikan.

So kasalanan ko pa pala kung ganon. Bakit ba di nalang sya mag pasalamat na nakuha na nya yung iniingat-ingatan kong first.

Twenty five years koring iningatan yun, pero nakuha lang ng isang demonyo.

Tsk, magnanakaw na nga lang ng halik. Maninisi pa. Sinadya kong lakasan ang boses ko para naman marinig maramdaman niya na hindi ako natutuwa sa ginawa niyang panghahalik.

Ayoko sa maiingay at maraming tanong na tao, sagit nito.

Oh, tapos anong konek ng isinagot niya sa pagnakaw niya nang halik ko.

So kaya mo ko hinalikan dahil naiingayan ka sakin? Inis na tanong ko.

Hindi, hinalikan kita para manahimik kana, walang emosyong sagot nito.

Bumukas ang elevator at naunang lumabas si Tantarius.

Ganun, hindi ba pwedeng sabihin niya nalang na tumahimik ako. Hindi yung may nalalaman pa syang pa halik halik.

Ang sabihin mo gusto molang talaga akong halikan, bulong ko.

May sinasabi ka? Tanong into.

Ha? Wala. Sagot ko sabay ngiti ng peke.

Nakasunod lang ako dito. Kung sa second floor eh ubod ng dami ng kwarto dito naman sa third floor isa lang. Hindi ko nga alam kung matatawag pa ba 'tong kwarto. Dahil sa laki nito para na itong isang bahay nang isang pamilya. Masyado kasing malaki.

Gusto ko pa sanang mag tanong kay Tantarius tulad ng, kung bakit isa lang ang kwarto dito sa floor na 'to, kung bakit high tech yung elevator papunta sa floor na 'to, kung bakit ang laki nito.

Pero ni isa sa tanong nayan di ko na  itinanong mahirap na baka mahalikan nanaman ako sa pangalawang pagkakataon.

Nakarating kami sa pinto ng nag-iisang kwarto ng floor na 'to. Pinidot ni Tantarius ang code ng pinto upang tuluyan itong mabukas.

Ang galing talaga.

Pumasok na kami sa loob ng tuluyang mabukas ang pinto. Bumungad sakin ang magandang sala.

Ang akala ko kanina ay kwarto lang ito pero mali dahil para narin itong bahay dahil kumpleto sa loob.

Dahil sa kanang bahagi ng bahay ay may makikita kang tatlong pinto, Siguro yun yung kwarto, at sa kaliwang bahagi naman makikita ang kusina. Sa kusina kami dumeretso ni Tantarius.

Akin na, wika ni Tantarius ng tuluyan kaming makapasok sa kusina.

Yung ano? Nagtatakang tanong ko.

Yung paper bag, ishh.. Inis na sagot nito. Iniaabot ko dito ang paper bag at umupo sa isang upuan na narito sa kusina.

Napansin naman ni Tantarius na umupo ako kaya nagsalita nanaman ito gamit ang walang emosyong boses.

SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon