Di ko maintindihan ang babaeng nakasabay ko sa elevator kanina. Basta-basta nalang kasi itong tumahimik na para bang may nakitang nakakatakot na nilalang. Halata ding nanigas ito sa kanyang kinatatayuan nung marinig kung sino ako.Alam mo guwapo ka sana pero ang pilosopo mo, walang modo, at higit sa lahat demonyo ka.
Kanina pa paulit-ulit na nag e-echo sa utak ko 'yang sinabi nang babaeng yun na nagpakilalang Czarishe.
Siya lang yung babaeng naglakas ng loob na sabihan ako ng ganong klaseng salita at harap-harapan pa talaga.
Tsk ang tapang, bulong ko sa sarili ko habang binubuhay ang makina ng kotse ko.
May nasulyapan naman akong dalawang babae na nasa kilid ng kalsada.
Wait. I know that girl, si Czarishe ang babaeng yun ah, bulong ko muli sa sarili ko habang tinitignan yung babaeng nakaluhod sa simento.
Confirm baliw 'yang babae 'yang.
Inalis ko na ang tingin ko kay Czarishe at tuluyan ng pinatakbo ang kotse ko. Nang mapadaan sa pwesto nila, pasimple kong sinulyapan ang nakaluhod na si Czarishe.
Namumutla ang mukha nito, halatang may pinoproblema.
Ano kayang nangyari dun?.
Mabilis ko namang inalog ang ulo ko. Like duh, ano bang pakialam ko sakanya. Kakakilala kolang nga sakanya kanina eh.
Minamaneho ko nga pala ang kotse ko ngayon patungo sa Sinful Club, kung saan naghihintay ang dalawa kong kaibigan. At ang kotseng inaasam-asam ko mapasakin.
Habang nag mamaneho, nag-ingay bigla ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag. Di ko na tinignan ang calling ID nang taong tumatawag. Basta sinagot konalang ito.
Hello who's this? Tanong ko.
Its me Vricks, sagot ng nasa kabilang linya.
Tsk. Si dad.
Why did you call old man? Walang emosyong tanong ko.
Ama mo parin ako Vricks, kailangan mo parin akong respetuhin, paggalit ni Dad.
Yeah, maikling sagot ko.
Umuwi ka ngayon sa bahay, nang-uutos ang boses nito.
Why? Walang ganang tanong ko
Just come home, tanging sagot nito bago ako binabaan ng tawag.
What a rude old man.
Ahhhh... frustrated na sigaw ko, sabay hagis ng cellphone ko. Ang ayoko sa lahat ay ang umuwi sa mansyong yun. Ang mansyong kinasusuklaman ko, ang mansyong nanaisin kong gumuho kasabay nang mga taong nakatira dun.
Pero wala akong magagawa kundi ang umuwi doon ngayon. Dahil pag si dad ang nag-utos kailangan ay sumunod ka kaagad kung ayaw mong masira ang buhay mo.
Binunot ko ang isa kopang cellphone na nasa bulsa ko at tinawagan si Ryle.