Derius POV:Lumabas na ako ng Bosses room. Dahil baka kung ano pa ang masabi ko na hindi dapat.
Nasa harap na ako ng pinto ng kotse ko ng bigla akong tawagin ni Ryle.
Derius wait up, dinig kong tawag ni Ryle. Hingal na hingal ito ng makapinta sa harap ko. Sinundan mo ako no bakit?, inis na tanong ko. Tumuwid ng tayo si Ryle at sumeryoso ng tingin sa'kin. Tsk, siguro naman alam mo na kung bakit, tama ba Derius, seryoso ang boses nito. May tamang panahon Ryle, tanging sagot ko. Binuksan ko na ang pinto ng kotse at akmang papasok na sa loob ng pigilan nanaman ako ni Ryle.
Malakas nitong hinawakan ang balikat ko. Ah, fuck, pagmumura ko dahil sa sakit na hatid ng pamimiga ni Ryle sa'king balikat. Wag mo akong matama-tamang panahon Derius. Alam mo sa mundong ginagawalan natin ngayon walang tamang panahon, seryosong tugon ni Ryle. Alam kong galit na ito, dahil parang nagliliyab na ng apoy ang mga mata nito.
Alam kong kanina pa ito galit, simula ng mahuli namin ang lalaking pinatay namin kanina.
Putcha pag hindi ko sinabi dito ang gusto nitong makuhang sagot, baka ako ang mapagbuntunan nito ng galit.
Letche talaga 'tong loko-loko na'to.
Bumuntong hininga muna ako, at sinenyasan siya na sundan ako.
Sinunod ako ni Ryle. Pumasok kami muli ni Ryle sa hideout at dumeretso sa kwarto ko dito.
Kumpleto ang hideout namin, hindi tulad ng hideout ng ibang grupo.
Dito sa hideout namin, may kanya-kanya kaming kuwarto, magkakatabi ang kuwarto namin nina Ryle, Lance at Tantarius. Nasa ibang sulok naman ang kuwarto ng mga tauhan namin.
Sa loob ng bosses room may bar counter, Kusina, sala at shempre di mawawala yung mga kagamitang pandigma namin. Apat na tao lang ang nakakapasok sa loob ng bosses room at kami lang yun. Kaming mga boss lang ng grupong itong. Hindi ko alam kung paano nagawa ni Tantarius na gawing ganito ang hideout na ito. Dahil kung titignan sa labas maliit lang, pero pag pasok sa loob maluluwa ka sa laki.
Bawat boss sa grupo namin ay may ranggo.
Unang ranggo~ Tantarius Vricks Sansient.
Pangalawang ranggo~ Shempre yung pinaka guwapo saaming apat, at walang iba kundi ako. Derius Montrose.
Pangatlong ranggo~ Ryle Mentazar
Pangapat na ranggo~ Lance Mendez.
Si Tantarius ang gumawa ng fusaling ito. Dahil bago siya naging businessman, pulis, naging engineer muna siya. Hindi siya architect pero nagawa niyang lagyan ng ganito kagandang desenyo ang lugar na ito. Lugar kung saan madami ng kaluluwang namamalagi, kaluluwang sapilitan naming inalis sa kanilang katawan. Mga kaluluwa nang taong pinatay namin.
Kilala na namin ang isa't-isa mag mula pa nung high school. Mag kasama na kaming lumalaban sa sinumang babangga samin. Kinakatakutan ang grupo namin dahil sa katapangan na taglay namin.
Subalit hindi namin inakala na magiging ganito kami kasama, na magiging mamamatay tao kami. Kung noon high school at college ay pinapahirapan lang namin ang makakalaban, ngayon pinapatay namin na.