CAHIRA was smiling widely as she puts a maroon lipstick. She puckered her lips then winked at the mirror. She can't contain her self from excitement. She can already perfectly imagine the positive result of the meeting with Governor Max.
"You can do this, baby! You can't let this damn thing slide this time," she's motivately talking to her self.
Of course! She is Cahira Bermudez, who will do everything and anything to get what she wants like a fucking spoiled brat but the truth is she's not. It's just her personality, that's her, being a competitive one. Giving up won't do good. Just keep on fighting until she finally succeed.
Nagwisik siya ng pabangong paborito niya. It's an old ilang-ilang flavor of Victoria's Secret perfume. It smells so good. She loves the strong smell even though her friends doesn't likes it.
They even told her to change her perfume. Well, sorry, hindi na lang niya iyon pinapansin dahil nakiki-amoy lang naman ang mga ito. Hindi siya ang mag-a-adjust para sa mga ilong ng mga ito. Amoy patay raw kasi pero hindi naman.
Sinipat niyang muli ang bihis kung bumagay ba sa kanya ang flowery off shoulder top na pinarisan ng fitted white jeans at flat sandals naman sa paa. Litaw na litaw ang mapuputi niyang balikat at mas lalong na-emphasize ang kaputian sa kulay ng damit.
Isinuot niya ang sunglasses at isinukbit sa kaliwang balikat ang kanyang malaking sling bag bago nag-full length mirror selfie. Ang sosyal naman talaga ng hotel na ito, may pa-mirror door ang kabinet. Sabagay, isa ito sa five star hotel na ipinagmamalaki ng bayan. Ipinost muna niya sa kanyang instagram account ang picture bago lumabas ng inuukupa niyang kuwarto.
Nang makalabas ng hotel ay nagtungo siya sa paradahan ng mga tricycle hindi kalayuan sa Hotel de Valencia. Mas gusto niya ang mag-tricycle dahil bukod na sa mura ay nalalanghap niya ang slightly fresh and polluted air kaysa mag-taxi pa siya na ang mahal ng pamasahe, malapit lang naman ang pupuntahan niya. Kaagad siyang inalok ng mga driver na naroon.
"Sa kapitolyo po, Manong."
Tumango ang balbas saradong lalaki. "Dito, Ma'am."
May mga nakasakay na sa loob ng tricycle at ang back ride na lang ang available. Nang maka-puwesto siya roon ay sumakay na rin ang driver at pinaandar na nito ang tricycle. Habang nasa biyahe ay tinanong niya ang driver.
"Manong, maganda po ba ang pamamalakad ng mga Serrano?"
"Ay, oo! Mapagkawang-gawa ang mga Serrano at hindi mapagmataas. Bilang tagapa-muno ng Salvacion Norte ay lagi silang nangunguna sa pagbibigay ng tulong. Lagi ring bukas ang kanilang tahanan sa bawat tao na nangangailangan ng tulong," walang pakundangang sagot nito.
May gano'n ba talaga? Iyong bukal sa loob at hindi politiko ang dahilan? Hindi naman niya nilalahat pero hindi lang siya makapaniwala.
"Talaga po ba? Baka naman sinasabi niyo lang ho iyan?"
"Hindi ka taga-rito ano?" tanong nito.
"Hindi ho," aniya at napa-iling.
"Kaya pala hindi ka naniniwala. Oo, katunayan ay isa ako sa mga natulungan nila. Dati ay hindi ko maigalaw ang kaliwang paa ko dahil sa pagkakahulog ko sa construction site pero sa programa nilang libreng operasyon ay nakalalakad at nakamamaneho na ulit ako. Marami na silang natulungan," ani pa nito.
"Napakabuti naman pala nila kung gano'n," komento niya.
"Ay talagang oo."
"Manong, nabalitaan niyo na po ba ang planong pagpapagawa ng tulay?" Pag-iiba niya sa usapan.
Akala niya sa siyudad lang ang may trapik pati rin pala rito sa probinsya pero hindi tulad sa Maynila na siksikan na talaga ang mga sasakyan. Siguro may kaunting komosyon lang kaya natigil ang kanilang sinasakyan.
BINABASA MO ANG
HARD FOR ME
General Fiction[R-🔞] Cahira Bermudez is a type of woman who never gives up. She's willing to do anything to gain her family's trust and support as she battles her Civil Engineering career. Ngunit sa isang iglap, nawala ang lahat ng pinaghirapan niya. Ang pagkaka...